Chapter 42

741 24 19
                                    

Chapter 42

Jude's POV

"Jude, you're such an idiot. Such an idiot!" paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko habang sinasabunot ang buhok. Dammit!

Sobrang mali ng ginawa ko. Dapat kasi hindi ko sya sinigawan. Dapat kasi hindi ako nagwalk out. At dapat hindi ako lumaban.

Jude, babae yan. Si Xia yan eh.  Tama bang awayin mo sya? 'Tek na yan, para akong hindi lalaki ah. 

Napasigaw nalang ako dahil sa inis. Nagulat nalang ako nung nagbukas ang pinto ng kwarto ko.

"Jude, ayos ka lang?!" kitang kita sa mga mata nya ang pag aalala nya. How did.. why is she here?

"Kuya, what happened?" tanong naman ni Jana na nasa likuran ni Chelsea. Oo, si Chelsea. Anong ginagawa nya dito sa bahay namin?

"What are you doing here?" pagtataka ko at para ibahin ang usapan. 

Ngumiti sya at lumapit sakin. "Nandito ako para balikan ka." aniya at nag halukipkip.

Nanlaki naman ang mata ko. Dahell?

"Joke lang. Pinapunta ako ng magaling mong kapatid dito eh. Namiss siguro ako." natatawa nyang sabi at nilingon si Jana.

"Don't look at me like that!" sabi ni Jana sabay pout. Natawa nalang kaming dalwa ni Chelsea. 

Hindi ko akalain na magkakasundo sila. Halata naman kasing ayaw na ayaw ni Jana kay Chelsea noon. Sino bang mag aakala na parang bestfriends na sila ngayon?

"Jude?" sabi ni Chelsea sabay snap ng fingers sa mukha mo. 

Bigla naman akong natauhan. "Ano yun?" tanong ko sa kanya. Narinig kong nagtawanan sila. Kumunot naman ang noo ko. Anong problema ng dalwang 'to?

"Ate Chelsea asked kung bakit ka sumigaw." maarteng sabi ni Jana. Ang conyo naman ng babaisot na 'to.

Napaupo ako ng ayos sa kama ko. Halos matunaw na ako sa kinauupuan ko dahil sa titig nila. Napakamot ako ng ulo. Sasabihin ko ba sa kanila? Lalo na kay Chelsea?

Bigla akong natigilan nung hinawak ni Chelsea ang kamay ko. "Don't worry. I'm fine." sabi nya at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Mind reader?

Alam kong ang dami kong kasalanan sa kanya at buong puso kong pinagsisisihan yun. Kaya as much as possible ayoko nang gumawa pa ng pagkakamali sa kanya. Masyado na akong nadala nung una.

"Kuya!" sigaw ni Jana sa mukha ko. Pesteng babae 'to. Sinamaan ko sya ng tingin. "Kanina ka pang tulala ha! Ano bang iniisip mo?"

"Ano ba talaga? Baka sino?" mapanuksong sabi ni Cheslea. 

Nagkatinginan naman ang dalwa at tumawa. Lintek, baliw na ata 'tong dalwang 'to eh. "Ano bang pinagsasasabi nyo? Magsitigil na nga kayo at lumayas sa harapan ko." naiinis kong sabi. Kung gusto nila mag baliw baliwan, dun sila sa Showtime.

"Kuya, just tell us." pamimilit ni Jana. Ang seryoso ng mukha nya. Gusto nya ba talagang malaman?

"Tungkol ba 'to kay Xia?" tanong naman ni Chelsea na ikinagulat ko.

Nakakapagtaka. Hindi ba sya naaapektuhan? Nagka amnesia ba 'to? Bakit parang wala lang sa kanya na banggitin ang pangalang yun eh si Xia nga ang dahilan kung bakit nya ako hiniwalayan?

"Jude, I'm totally fine." nakangiting sabi ni Chelsea. Nahalata nya sigurong nag aalala ako sa kanya. "Just tell us what happened. Hindi kami naghihintay ng pasko dito."

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon