Chapter D

512 10 16
                                    

Chapter D

Xia's POV

"Magparamdam ka naman. Hindi mo ba ako namimiss?" matamlay kong sabi sa harap ng laptop ko. Kanina pa akong nakatitig dito. Gusto ko na talagang makausap sya pero ayokong mauna.

"Huy, ano na? Mag online ka please. Gustong gusto na kita makita." siguro para sa inyo, nagmumukha na akong baliw kakausap sa laptop na kahit kelan, hindi naman sasagot sa mga tanong ko. Siguro iniisip nyo kung ano bang nangyayayare at kung bakit nagkakaganito.

Pati ako, hindi ko narin alam kung anong nangyayare sakin.. sa amin.

Ilang araw na ang nakalilipas at sa tingin ko, limang beses lang kami nakakapag usap ng masinsinan magmula nung umalis sya.

Hindi ba sabi nya, araw araw nya ako iskyskype? Palagi nya akong ichachat? Pero bakit ganun? Halos hindi ko na alam ang mga nangyayare sa kanya. Hindi na ako updated kung masaya ba sya ngayon o hindi. Kasi kung ako ang itatanong nyo, hindi talaga ako okay. Hindi ako masaya.

Ganun ba talaga ang mga lalake? Hanggang salita lang? Ganun na ba kahirap na gawin lahat ng mga sinasabi nila sa mga babae? Bakit palaging kabaliktaran ang nangyayare? Sana hindi nalang sila nangangako para hindi kami umasang mga babae.

Sinabi ko naman sarili ko na dapat makampante ako dahil sobra sobra ang pagtitiwala ko sa kanya pero dahil sa nangyayare ngayon, parang unti unti na akong natatakot. Kinakabahan.

Pero ang tanong.. dapat ba akong kabahan?

"Baka mamuti na ang mata mo kakatitig dyan." napatingin ako sa nagsalitang si Jasmine na nasa may pintuan ng kwarto ko. Binigyan ko sya ng isang pilit na ngiti saka muling hinarap ang laptop.

"Gusto mo bang lumabas? Libre ko." ayan si Jasmine, gusto palagi gumala. Para ngang mas marami pa ang araw na nakakagala sya kesa sa pag uusap namin ni Jude sa skype.

Unti unti syang lumapit sakin saka hinaplos haplos ang buhok ko. "Okay lang yan. Busy lang siguro."

Ganun? So araw araw syang busy? Wala na ba talaga syang oras para sakin? Kahit isang oras lang, okay na. O kahit limang minuto.. basta makausap ko sya. Ako na nga lang palagi ang nagrerequest ng call eh. Kung hindi ko pa ginagawa yun, walang conversation na mangyayare. I hate distance.

"Tara na. Hindi ako papayag na nganga ka lang palagi dito sa bahay." sabi nya saka ako hinila patayo.

"Wait." sabi ko saka bumalik sa harap ng laptop at nagsimulang magtype.

Jude, paalis ako ngayon. Sana okay ka lang dyan. Mag iingat ka palagi. Behave. Chat mo nalang ako kung gusto mo. Geh.

Sent. Buti nalang at walang seen sa skype para kung saka sakali, hindi ako masasaktan. Pero sana naman replyan nya yan. Kahit 'okay lang' ang isagot nya basta magreply lang sya.

Sabay kaming tumayo ni Jasmine para mag ayos. "Ay oo nga pala, may regalo na namang dumating kanina galing kay unknown." sabi ni Jasmine at nagkibit balikat.

Sadyang unknown ang tawag namin kasi simula nung namatay si Vhian, may isang taong bigay ng bigay ng regalo sakin at kahit kelan, hindi sya nagpapakilala. Kaya ayun, unknown ang ipinangalan namin. Kaso para saan pa ba ang mga iyon kung hindi din naman magpapakilala diba?

"Tambak mo nalang sa basement."

Naligo na ako at nagbihis. Sinama namin si Zha at Crystal para naman makapag get together kami, kahit lagi naman kaming magkasama. Ewan ko, gusto nila ata akong pasayahin. I appreciate their effort naman. Sila na nga lang ang nakakaintindi sakin, babale walain ko pa ba?

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon