Chapter K

414 10 7
                                    

Chapter K

Xia's POV

Our class ended. 9 am ngayon at ang sunod naming klase ay 2 pm pa. Siguro tatambay nalang ako sa likod ng school hanggang magtime. Yun ang pinaka field ng school. May klase pa sina Zha kaya wala akong makasama. Wala rin naman ako masyadong kaclose sa section namin.

Kinuha ko na ang bag ko at ang bitbit kong mga libro para dumeretso na sa field nang magkasalubong kami ni Gino. Parehas kami natigilan pero umiwas agad kami ng tingin sa isa't isa. Napabuntong hininga nalang ako. Bestfriends to strangers..

Nakarating na ako sa field. Kokonti lang ang mga tao dito ngayon pero kalimitan puno 'to. May mga bench sa bawat sulok nito kaya dun ko napagdesisyunang umupo. Isasaksak ko na sana ang earphones sa tenga ko nang biglang may tumawag ng pangalan ko. Si Kate, kaklase ko. Medyo nakakausap ko pero hindi kami ganun kaclose.

"May nakaupo ba?" malambing na tanong nya sakin saka tinuro ang bench na inuupuan ko.

Umiling ako at kinuha ang mga libro ko na nakakalat doon at inilagay nalang sa hita. "Upo ka." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Mag isa ka ata ngayon?" tanong nya nang mapansing hindi ko kasama si Gino. Masyado atang nasanay ang mga kaklase ko na magkasama kami.

"Oo eh. Misunderstanding." sabi ko nalang.

Ngumiti sya sakin at tumango pero agad yun nawala at kumunot ang noo. "Xia, wala bang namamagitan sa inyo ni Gino?"

Halos masamid ako sa sarili kong laway. "Naku, walang wala. Bestfriends." sagot ko at ngumiti ulit. Mangangawi na ata ang aking bangag kakangiti.

Tumango ulit sya. "Eh si Jude?" tanong nya. Ano ba 'to, interview? Ang dami naman nyang tanong. Pero sige, dahil mabait naman sya sakin, hindi naman siguro masamang magkwento diba?

"Si Jude ay.. ex ko." I lied. I almost forgot na bawal naming ipagsabi. Muntikan na akong madulas.

"Kaya pala ganun nalang ang reaskyon mo tsaka ng mga kaklase natin nung first day nila." patango tango nyang sabi. "Pero hindi ba awkward na kaklase mo sya ngayon? With his new girlfriend?"

Awkward. Sobra. At hindi lang yun, masakit pa.

Tinitigan ko si Kate. She looks really nice. At hindi ko maitatangging medyo nerd sya tingnan. Naka salamin kasi sya tapos ang kapal kapal ng grado. Tapos may bakod pa sya sa ngipin. Pero kung buhok ang pag uusapan, talong talo na ako. Sobrang kintab kasi ng buhok nya tapos dark brown pa ito. All in all, she looks pretty naman talaga.

"Kate, may sasabihin ako sayo pero promise mo na satin lang 'to ha?"

Tumango agad sya at mukhang curious na curious sa sasabihin ko. "Ano yun?"

Napalunok ako. "Actually, Jude is not my ex." I explained.

Nanlaki ang mata nya. "Edi ano mo sya? Kapatid?!" gulat na gulat nyang tanong. Pati ako nagulat sa sinabi nya. I never expected that answer. Me and Jude, magkapatid? That's ridiculous!

Tumawa ako at umiling. "He's my boyfriend. Present boyfriend." mahina kong sabi at tumingin tingin sa paligid kung nandito ba sila o kung may papalapit dito.

Napakamot sya sa batok. "Ha? Eh pano si Kia? Sya ba yung ex?" hindi mapakali nyang tanong at mukhang interesado talaga sa usapan.

Natawa na naman ako. Ngayon ko lang nalaman na medyo nakakatawa rin pala 'tong si Kate. Hindi ko lang alam kung sinasadya ba nya yun o natural lang. Either side, she's still funny.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon