Chapter A

954 16 8
                                    

Chapter A

Xia's POV

"I waited for you for 7 years! And now it's too late."

"It wasn't over. It's still isn't over."

Dali dali kong kinuha yung remote saka pinatay yung tv. Nagulat naman yung tatlo sa ginawa ko.

"Oo Xia, napaka KJ mo." naiiritang sabi ni Crystal sabay inom ng hawak nyang juice.

"Yung BS na part na yun eh." nanghihinayang naman na sagot ni Zha at napakamot ng ulo.

Kinuha ko yung unan malapit sakin saka ito binato sa kanya. "Mga bastos kayo!" pero imbes na magalit ay nagtawanan lang sila.

Kung itatanong nyo, halata naman siguro na The Notebook yung pinapanuod namin. At oo, yung BS scene yung pinakahinihintay nila pero pinatay ko agad yung tv. Kahit naman college na kami, hindi ibigsabihin nun ay pwede na kami manuod ng mga ganun diba?

Speaking of college, magthirthird year na kami this school year. Ang bilis ng panahon 'no? Nandito kami sa iisang bahay na rinentahan namin malapit sa school na pinapasukan namin. Since first year pa namin 'to ginagawa kasi medyo malayo ang mga bahay namin sa school at ayaw naming malate. Alam nyo naman, college life.

Engineering ang kinuha naming course ni Jude. Simula highschool, gusto ko na talaga maging engineer kaso si Jude, mukhang ginaya lang yung course ko. Sabi ko naman sa kanya na dapat yung pangarap nyang course ang piliin nya pero ang sagot naman nya sakin, ako daw ang pangarap nya. Edi sige, oo nalang. Kahit deep inside kinikilig ako.

Ang tatlo ko namang kaibigan ay nagtourism lahat. Gusto daw nila maging flight attendant kasi dream nila ang makasakay sa airplane. Pasa naman sila kasi matatangkad sila at magaganda. Kaya naman nung nalaman ko na pareparehas sila ng course, nalungkot ako.

Ayoko kasi sumakay ng airplane. Oo nakasakay na ako dati pero takot na takot talaga ako. Feeling ko bininiyak ang tiyan ko at parang nasusuka ako buong byahe. Tsaka ayoko ng feeling na may nawawala, na may umaalis.

Tumayo na ako at kinuha ang unan na ibinato ko kanina. "Pasan ka?" tanong ni Jasmine.

"Magpapahinga na ako. Antok na ako eh." sabi ko nalang. Tumango silang tatlo at binuksan muli yung tv.

"Shit! Tapos na." giit ni Zha na mukhang dismayang dismaya. Natawa nalang ako at umakyat na sa taas.

4 ang kwarto dito kaya tama lang para samin. Kahit naman babae kami ay ayaw naming magsama. Syempre may privacy padin.

Humiga agad ako at niyapos ang unan ko na may nakasulat na Jude. Aaminin kong miss na miss ko na sya. Yung presence nya, yung pangungulit nya. Lahat lahat. Bakasyon ngayon pero ewan ko ba kung bakit hindi kami nagkikita. Alam kong malayo ang bahay nila dito samin pero hindi yun sapat na rason para hindi kami magsama.

Napabuntong hininga nalang ako at tinitigan ang phone ko. Umaasang tatawag sya. Miss na miss ko na talaga ang boses nya. Naalala ko dati, hanggang madaling araw ay nagtetelebabad kami.

As if on cue, biglang nagring ang phone ko kaya dali dali ko 'tong sinagot.

"Hello?" excited kong sabi sa kabilang linya.

"Bilis sumagot ah. Namiss mo ako?" gosh, you have no idea.

Napangiti ako. Mind reader ba 'to? "Oo. Sino namang hindi? Ang tagal na kaya nating hindi nagkikita." sabi ko sabay pout.

Narinig kong nagbuntong hininga sya. "Sorry. Marami lang akong pinagkakaabalahan ngayon eh."

Ganun? So parang inaabala ko sya ngayon? "Ahh. Ano ba yun?"

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon