Chapter L

374 10 6
                                    

Chapter L

Xia's POV

Bumalik na ako sa room. Actually, binagalan ko pa ang paglalakad para hindi magmukhang magkasama kami ni Kia. Baka kasi magka issue pa, and I don't want that to happen. Pagkapasok ko, nakita kong napatayo si Jude nung makita ako pero umupo rin sya agad.

Nung maalala ko yung sinabi kanina ni Kia sakin, napailing agad ako. Hindi nya alam kung ilang beses ko na naisip yung sinabi nya. Sobrang daming rason para iwasan ko si Jude, pero may isang rason kung bakit hindi ko magawa yun. Yun ay dahil mahal ko pa sya.

Pero tuwing naiisip ko na pangpagulo lang ako sa relasyon nila, nanghihina ako. Naiiyak ako. Ang epal ko. Ang epal ko sa kanila. Ano ba 'tong pinaglalaban namin? Kahit anong mangyari, fixed sila. Hindi ko pa man naitatapat 'to kay Jude pero alam kong arranged talaga. Kahit ano namang gawin ko, hindi ko na naman mababago yun diba? Pero bakit humahawak padin ako? Bakit hindi ko magawang bumitaw?

Ang sakit lang sa part ko kasi ako ang girlfriend pero sakin pa sinasabi na layuan ko si Jude. Ang sakit. Kung pwede ko nga lang aminin ang totoo.. kaso hindi eh. At sa tingin ko, hindi ko na maaamin yun dahil talo na ako. She won. Game over.

Ilang araw ko ding pinag isipang mabuti yung sinabi ni Kia. Halos wala nang sumasagi sa utak ko kundi yun. Yung tipong sobrang occupied na ang utak ko dahil nun kaya yung mga ibang bagay hindi ko na mabigyang atensyon.

One time nagkatext kami ni Jude. Ordinary text lang, kamusta na daw ako. Kung nakakain na. Pero mahahalata mong iniiwasan ko sya. Siguro nga ang boring kong kausap. Or baka nung time lang na yun? Hindi nya ako masisisi, masyado akong maraming iniisip.

Kaya ko ba syang pakawalan? Kaya ko bang isakripisyo ang relasyon namin para sa business nila? Iniisip ko palang na gawin yun, parang hindi ko na kaya. Hindi ko lang talaga kayang mawala sya ulit sakin, not anymore.

Panibagong araw na naman at eto ako mag isa na pumasok sa school. 3 araw nang absent si Gino. Susubukan kong dumalaw sa kanya mamaya kung may oras ako.

Pagkapasok ko palang sa room ay sinalubong agad ako ni Kate. Nakapuyod ang mahaba nyang buhok at balot na balot ang katawan nya sa suot nyang jacket. "Kate, free ka ba mamaya?" nakangiti ako habang tinatanong yun.

Nanliit ang mata nya nung tinitigan ako. "Oo, bakit?" aniya.

Ngumiti uli ako sa kanya. "Tara magmall mamaya?" pag aaya ko. Siguro saka ako pupunta kina Gino after magmall. Gusto ko kasi makabonding si Kate eh.

"Sure! Pero, bakit? Anong meron?" curious na tanong nya.

"Secret." sabi ko at kinindatan sya. Natawa nalang sya at nagpunta na sa pwesto nya.

Bakit kami pupuntang mall? Gusto ko sanang ibahin ang style nya kasi naniniwala akong maganda talaga sya. Hindi lang talaga kagandahan ang porma nya. I'm willing to help her. Malay mo after nito, may makatipo agad sa kanya.

May 30 minute break kami kaya dumeretso agad ako sa canteen. Si Kate ay sa library nagpunta at magbabasa daw sya. Pumayag naman ako.

Pabalik na ako sa room nung naisipan kong doon dumaan sa long way, kung saan malapit sa garden. Trip ko lang dumaan dito. Masyado kasing crowded kung doon ako sa shortcut dadaan. Baka pati makasalubong ko na naman sila, magaling na't umiiwas diba.

Tahimik akong naglalakad habang hawak hawak ang juice ko nang nakarinig ako ng mga yapak. Kinabahan agad ako. Sino naman kaya ang dadaan dito bukod sa akin? Kung sino man yun, siguro parehas kami ng trip sa buhay.

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon