Chapter 28

1.2K 30 22
                                    

Chapter 28

Xia's POV

"Zhanaia?!" pag uulit ko sa sinabi nya. Kasama nito ang paglaki ng mga mata ko.

"Shhh!" aniya sabay tinakip nya ang bibig ko gamit ang kanyang kamay. Agad ko namang tinaggal.

Ngumiti ako at inayos ang buhok ko. "Sorry. What about her?"

Kinagat nya ang labi nya at tumingin tingin sa paligid. "Ahhh.. ka-kasi.. may- damn. Paano ba 'to." 

"Kasi?" kunot noo kong tanong.

"I kinda li-like her." aniya at napakamot sya ng ulo.

Nanlaki ang mata ko. "Talaga?!"

Tumango naman sya. Diba may gusto si Zha kay Drew?

Pero wait.. diba si Drew 'to? Si Drew na mayabang slash playboy? Bakit kelangan nya ng tulong ko?

Kumunot ang noo ko at tinagilid ang ulo. "Bakit kelangan mo ng tulong? You're Drew! What you want is what you get!" halos pasigaw ko nang sabi.

"Sus. Hindi nga kita nakuha dati eh.." aniya. Oops, wrong move, Xia.

"Ahhh. Si-sige, tutulungan kita!" medyo change topic. Ayoko na pag usapan yun eh. Masyadong awkward.

"Talaga?!" tapos strinetch nya yung kamay nya para ihug ako.

"Hephephep! Chumachansing ka ha!" pabiro kong sabi sabay flip ng hair.

"Ano ka ba. Naka move on na ako sayo 'no." tapos nagtawanan kami. 

Nagkwentuhan lang kami ni Drew dun. Tinanong ko sa kanya kung ano ang nagustuhan nya kay Zha, sabi nya, maganda daw, mabait at isa daw syang matatag na babae, which is true.

Sobrang tapang ng bestfriend ko yang. Handa syang makipagpatayan alang alang sa mga mahal nya sa buhay.

Habang nagkwekwentuhan kami doon, nagdatingan na ang mga kaklase namin at kasama na doon si Zha. Napatingin ito sa amin pero umiwas din kaagad.

"Ayan na si Zha oh! Gawan mo na ng move." pabulong kong sabi sa kanya sabay siko.

"Bulong ba yan? Ang lakas lakas eh!" imbis na sagutin ko sya, tinulak ko nalang sya papunta kay Zha. Nagulat tuloy si Zha sa presensya nito.

"H-hi." nahihiyang sabi ni Drew sabay kamot ng ulo. Si Drew ba talaga 'to? Hindi kapani paniwala ang kanyang pagiging mahiyain.

"Hello." sabi ni Zha sabay ngiti kay Drew tapos tumingin sakin ng anong-ginawa-mo-sakanya look at bakit-sya-ganyan look. Sanay kasi syang hindi sya pinapansin ni Drew kaya ang pangyayaring ito ay para nang himala sa kanya.

"Pwede ba kitang yayain maglunch later?" ani Drew. Nanlaki ang mata ko at halos kuritin ko na sa tagiliran ang kaklase na katabi ko ngayon.

"Si-sige.." tapos napa yes si Drew at yayakapin sana si Zha. Oo, yayakapin. Ang OA ni Drew 'no? Parang nagpropose ang boy para ikasal tapos umoo ang girl. 

"Sa isang kondisyon.." nakachin up na sagot nito. Ano ba namang arte yan, Zha?

"Dapat kasama si Xia." ngek. Ano ako, audience?!

"Su-sure. Papayag naman si Xia eh. Right, Xia?" sabi ni Drew sabay tingin sakin at binigyan ako ng makisabay-ka-nalang look.

"Oo naman!" sagot ko at ngumiti ng peke. Lintek ka Zha! Ano ba namang padali yan?

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon