Chapter 26

1.2K 30 28
                                    

Chapter 26

Xia's POV

*kring kriiiiiing*

Ugh. Sino ba yung natawag? Agang aga eh.


Kinuha ko yung phone ko sa may desk habang nakapikit.


"Hello?" walang gana kong sagot.


"XIA! GISING NA HOY! 6:20 NA. MAY PASOK PA TAYO!!" 


Fudge! Oo nga pala. 11:00 pm na kasi ako nakauwi samin kagabi tapos 1:00 na ako nakatulog kasi hindi matanggal si Vhian sa isip ko. Alam nyo yun? Gusto kong matulog!! I really do. Pero hindi ko magawa kasi bigla bigla nalang nasingit si Vhian sa utak ko. 


"XIA NANDYAN KA PA--" ay kausap ko pa nga pala 'to.


"Aish. Bakit ngayon mo lang sinabi?" 


"Kanina pa kitang tinatawag pero hindi ka nasagot. Aysha, gayak na! Wag papalate ha? Ingat ka! Labyu!" hahahahaha, natawa naman ako sa Labyu.


"Oo na, oo na. Ingat ka rin. I love you!" tapos binaba ko na. Dali dali akong bumaba para gumayak 'cause I only have 20 minutes!! 


Lord, wag nyo po akong hayaang malate, monday na monday eh.

*school*

Tatakbo na ako papuntang room namin. Hingal na hingal na nga ako eh! Pero pagkabukas ko ng pinto.. walang tao! Pero nandun yung mga gamit nila. 


Nang bigla kong naisip na may Flag Ceremony pala sa Gym. Kaya dali dali akong tumakbo para makahabol. At.. woohooo!! Dumeretso agad ako sa pila. Buti nalang hindi ako nalate--


"Section mo?" may biglang nagtanong sakin. MOCC.


"Compassion po." hingal na hingal parin ako. 


"Oh." pagkatingin ko sa binigay nya sakin.. O______O


Tardiness slip! Wtf akala ko ba hindi ako late? Pagkatingin ko sa pila.. 


Pila pala ng mga late! Darn it. Second time ko na 'tong malate. First late ko ay nung first day if you guys still remember.


Natapos na ang assembly kaya bumalik na kami sa mga rooms namin. Umub-ob agad ako pagkaupo ko sa armchair kasi antok na antok pa ako. I want to sleep.


"Xia? Xia.. parating na si Mam. Gumising ka na dyan." pakinig kong sabi ni Jude.


"qpwedvaxz."


"Ano?! Hahahaha."


"Sabi ko, antok pa ako." tapos umupo na ako ng maayos. Halatang nagulat sya sa hitsura ko. Ang laki kasi ng eyebags.


"Anong oras ka ba natulog?"


"1:00." papikit pikit ko pang sagot.


"1:00?! Ano bang pinaggagagawa mo at gabing gabi ka na natutulog? Ay wait, I mean.. umaga! Umaga ka na natutulog. Ano ba problema mo ha?" should I tell him? Of course.


"Nagdate kami ni Vhian eh." bigla namang nanlaki ang mata nya.


"Ha?! I mean.. a-ahh. Ka-kayo na ba ulit?" kinakabahan nyang sagot. 


"Oo." tapos ngumit ako sa kanya. Dahan dahan syang tumango.


Dumating na si Mam. Damn. Antok pa talaga ako!

Infinitely Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon