Day 02

20 2 50
                                    

FEBRUARY 08, 2022 | TUESDAY

"Ipapaalala ko lang sa inyo ang prom sa gaganapin February 11," pahayag ni Krishna Franco, adviser ng section nina Billie, "sa mga hindi pa nagpapalista, puntahan niyo ako sa faculty room mamayang uwian. 7 PM magsisimula ang party kaya hindi kayo pwedeng magpahuli. Naiintindahan ba?"

"Kailan po ba ang last day, ma'am?" tanong ni Oliver, ang class president.

"Sa February 10. Para mabilang namin kung ilan ang dadalo at maiayos din ang seats niyo."

Pagkatapos mag-anunsyo ng kanilang guro, nagsilabasan na ang mga estudyante para kumain ng lunch.

Walang sali-salitang lumabas ng silid si Samara dala ang sariling purse na kulay asul at water bottle. Sinundan siya tingin ni Yori sabay kalabit sa katabi.

"Anong gagawin natin?"

"Let's cling to Samara!" nasasabik na sagot ni Billie at kinuha ang lunch box sa ilalim ng upuan bago tumayo. Aalis na sana sila nang biglang magsalita si Austin.

"Saan kayo pupunta, mga pre?"

Napapalo ng noo si Billie.

"Oo nga pala, hindi siya galit sa amin," sa isip niya at tumingin sa nakaupong si Austin.

"Susundan si Samara," sagot niya at nauna nang naglakad palabas. Agad na sumunod si Yori sa kaniya kaya walang nagawa sina Andy at Austin kundi sumunod na rin.

"Bakit? Anong meron?" pahabol na tanong ni Austin at bumaling kay Yori. Maya-maya'y bigla siyang ngumisi nang may ideyang naisip, "may gusto ka kay Samara 'no? Gusto mo siyang idagdag sa mga babae mo?"

Nagkatinginan sina Billie at Yori at nangunot ang noo dahil alam nilang ito ang may gusto kay Samara noon.

"Ang layo ng narating ng imahinasyon mo," nakangiwing sambit ni Yori habang patuloy na naglalakad sa hallway na halos mapuno ng mga estudyanteng naglalakad.

"Samara, sandali lang!" sigaw ni Billie at tumakbo palapit sa dalaga. Tumabi siya rito at matamis na ngumiti.

"Saan ka pupunta?" Saglit siyang tiningnan ni Samara at tipid na nagsalita.

"Canteen."

"Gusto ba ni Billie na magakaroon ng babaeng kaibigan?" nagtatakang tanong ni Andy habang nakatingin sa unahan kung nasaan sina Samara at Billie. Nagkibit balikat lang si Yori bilang sagot.

Nang mapansing medyo malayo na ang distansya nina Samara at Billie sa kanilang tatlo, binilisan ni Yori ang paglalakad. Hahabol sana siya sa kanila pero biglang may humarang sa kaniyang grupo ng mga kababaihan.

"Tara, kain tayo," paanyaya ng isang babaeng may pulang clip sa buhok. Maikli at kulot ang kaniyang buhok at may kolorete sa mukha. Katabi niya ang apat babae na mga nakaayos din.

"Anong gustong pagkain?" malambing na tanong ng isa pa at sumiksik sa tabi ni Yori para umangkla sa braso nito

"Ayan na naman," ani ni Austin at tumikhim. Nakangiwi siyang tumingin sa mga babae at siniko si Andy bago bumulong, "mauna na tayo, pre. And'yan na naman sila."

"Sibat na kami," sambit ni Andy at tinapik sa balikat si Yori bago humiwalay sa kumpol ng mga estudyante. Napagpasyahan nilang sundan na lamang si Billie imbes na maki-siksik sa mga babaeng gustong kumausap sa kanilang kaibigan.

"S-Saglit lang!" tarantang sigaw ni Yori at akmang hahabol sa kanila pero may pumalibot ulit na ilan pang mga babae sa bandang likuran niya. Wala na siyang ibang nagawa kundi kausapin ang mga ito nang mahinahon. Alam niyang wala siyang karapatang maging bastos dahil ito talaga ang gawi niya noon. Pinagsisisihan man, wala na siyang nagawa kundi sumabay sa agos na resulta ng mga pinaggagagawa niya.

Reverted to that MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon