Day 18

21 1 45
                                    

FEBRUARY 24, 2022 | THURSDAY

February 24, 2022- Sarreal High (Before the time travel...)

"Pumasok ba si Samara?" tanong ni Austin at nagpalinga-linga sa paligid. Ngumuso siya at lumungkot ang aura nang hindi nagpakita ni anino ni Samara.

Huling araw na ng foundation week at magkasabay pa ring pumasok sina Kiel at Austin. Wala pa si Yori hanggang ngayon, samantalang naghihintay sa bench si Billie.

"Hindi yata. Bakit, pre?" tugon ni Billie habang nakapatong ang mga kamay sa bench at sini-sway ang mga. 

"Miss ko na siya." Kumunot ang noo nina Billie at Kiel sa narinig. Pareho silang nabigla sa sinabi ni Austin.

"At bakit mo naman siya ma-mi-miss, aber? Halos isang linggo lang naman kayong nagkita, ah."

"Hindi kaya. Kahapon lang," pagkontra ni Austin at nag-make face.

"Ano?"

"Wala. Ang sabi ko gusto ko siya," pag-amin niya na lalong ikinagulat ng dalawa.

"Anong nangyari sa'yo? Naalog ba ang utak mo? May sakit ka?" Tumayo si Billie at tumingkayad para hipuin ang noo niya, "wala ka namang sakit."

"Gusto mo si Samara?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Kiel.

"Oo. At aamin ako sa kaniya kapag nagkaroon ako ng pagkakataon. Natulala si Kiel sa narinig. Hindi niya inaasahang manggagaling ito mula sa maloko niyang kaibigan. Sa hindi malamang dahilan, kumirot ang puso niya.

"'Di ba parang ang bilis? Hindi pa nga kayo gaanong close tapos aamin ka na agad?"

"Bakit, Kiel? May gusto ka rin ba sa kaniya?" Wala sa wisyong umiling si Kiel at umiwas ng tingin.

"Sigurado ka? Bakit parang may gusto ka rin?"

"Wala. Curious lang ako sa kaniya."

Present...

Ang curiosity kay Samara ay dala-dala pa rin ni Kiel hanggang ngayon. Marahil ay hindi nasagot ang mga tanong niya tungkol kay Samara dahil sa biglaang pagpanaw nito.

Pitong taon na ang nakalipas buhat noong sabihin ni Austin na may gusto siya kay Samara. At ngayon, bumalik na naman sila sa panahong iyon. Ang kinaibahan lang ay marami nang nagbago kaya hindi sigurado si Kiel kung may gusto ito kay Samara dahil lagi itong nang-aasar.

"Pre, kung ako sa'yo, popormahan ko na si Samara," sambit ni Austin at umakbay sa balikat ni Kiel.

Huling araw na ng foundation week at magkasabay pa ring pumasok sina Kiel at Austin. Wala pa si Yori hanggang ngayon, samantalang naghihintay sa bench si Billie. Halos labinlimang minuto pa ang hinihintay bago magsimula ang flag ceremony.

"Ikaw? Ba't di mo siya pormahan?" tanong niya at tinago ang pagiging hindi komportable sa boses. Maingat ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Ayaw niyang mapaamin nang 'di oras dahil hindi pa siya sigurado kung may gusto nga ito kay Samara.

Reverted to that MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon