March 07, 2022 (Before the time travel)
11:52 PM
"Namatay siya, Samara! Kung hindi mo sana siya kinumbinsing tumakbo, hindi siya mababaril ng lalaking iyon! At mahahanap pa rin sana namin kayo!" sigaw ni Golden at napaluhod sa sahig. Hindi niya mapigilang mapahagulgol dahil sa sakit na naramdaman.
Tahimik ang tulay kung nasaan sila dahil kaunti na lang ang dumaraang sasakyan. May street lights sa bawat poste at iyon ang nagbibigay ng liwanag sa kinatatayuan nila. Halos walang ulap at mgs bituin sa kalangitan. Ang tanging nagpapaganda lang dito sa ngayon ay ang mismong kulay nito na asul at ang maliwanag na buwan. Malamig ang simoy ng hangin na bumagay sa tahimik na kapaligiran. Kung titingnan ay mapayapa kabuuan ng lugar. Ang tanging magulo ay ang mga puso ng dalawang taong nakatayo, ang isa ay nasa mismong tabi ng poste at ang isa ay nakatuntong sa railings.
Lahat ng sakit na itinago nina Samara at Golden mula sa nakaraan ay nanumbalik na parang isang plakang naitago at ngayon na lang ulit nailabas.
"Patawad, hindi ko sinasadya," sambit ni Samara habang tahimik na lumuluha. Diretso at tingin niya pero walang partikular na tinitingnan. Paulit-ulit ang pagbuntong hininga niya pero hindi ito nakatulong kahit kaunti. Mabigat pa rin ang loob niya at nilamon pa rin siya ng konsensya. Kanina, nangako siya sa sarili na tatapusin na niya ang lahat ngayong araw anuman ang mangyari. Hindi niya alam kung saan patungo ang usapang ito pero sigurado siyang pagkatapos ng gabing ito, magsisimula siya ulit.
"Bakit ka pa nabuhay, Samara? B-Bakit siya, hindi? B-Bakit iniwan mo s-siyang mag-isa?! D-Dapat siya ang n-namumuhay nang masaya n-ngayon..." sambit pa ni Golden sa pagitan ng paghagulgol, "b-bakit ikaw pa a-ang nabuhay gayong i-ikaw ang p-pasimuno ng p-pagtakas?"
"A-Alam kong may k-kasalanan ako, ate..." mabigat na loob na sambit ni Samara at yumuko. Madilim man ay nakita niya ang kalmadong tubig sa ilalim ng tulay. Mataas ang tulay pero hindi siya nakaramdam ng kahit anong takot. Nabablangko na ang isip niya at hindi na siya gaanong makapag-isip nang maayos. Saglit siyang tumingin kay Golden at nagsalita, "p-pero hindi ako ang b-bumaril sa kaniya. B-Bata pa rin ako no'n."
"Kahit bata ka o hindi, alam mo ang ginagawa mo! Ikaw ang mas matsnda kaya dapat ikaw ang gumabay at nagprotekta sa kaniya! Dapat hindi ka nagpauto sa mga hayop na 'yon at 'di ka sumama sa kanila!" Sa isang iglap ay nagbago ang ekspresyon ni Golden. Dumilim ang paningin niya habang nakatingin kay Samara. Nagkuyom siya ng kamao at may kung anong nag-udyok sa kaniya para saktan ito. Humakbang siya ng isa at muling sumigaw, "ninakaw mo ang future na dapat ay meron si Emerald! Dapat ikaw ang nagdusa at hindi ang kapatid ko."
"A-Anong dapat k-kong gawin, ate? A-Anong ibang paraan p-para mapatawad mo ako?" nangangatal na tanong ni Samara at niyakap ang sarili. Nakasuot siya ng long sleeves na uniporme ng Dream Cafe pero ramdam na ramdam niya pa rin ang lamig.
"Jump," utos ni Golden at sumulyap sa ilalim ng tulay.
"A-Ano?"
"Tumalon ka. Hindi ka pwedeng ikaw magpakasaya sa buhay na ipinagkait mo sa kapatid ko."
Nanginginig na tumango si Samara at kinagat ang labi. Tumingin sa pagilid sa pag-asang kahit isang tao ay makakita sa kanila. Sa kasamaang palad, walang dumaraang kahit na sino. Iyon ang naging senyales niya na sundin ang gusto ni Golden kahit labag sa loob niya.
"S-Sige, k-kung 'yan ang gusto mo," aniya at tiningnan ang tubig na siguradong kikitil sa buhay niya. Kasabay ng huling pagpatak ng luha sa mga mata niya, pumikit siya at saka tumalon.
***
March 08, 2022
06:46 AM
BINABASA MO ANG
Reverted to that Moment
Fiksi Remaja[Watty Awards 2022 Shortlisted] Samara Angeles is an outcast on her school. She has no friends nor someone to talk to, that's why no one knows about her when she went missing. Early on the other day, a news shocked everyone in her class. A chance to...