Day 27 (Part 4)

13 1 42
                                    

"Sh*t, andyan na sila!" tarantang sigaw ni Kiel at hinigpitan ang hawak sa lampshade. Wala na itong liwanag dahil hindi na nakasaksak. Ang tanging nagbibigay na lang ng liwanag ay ang kaunting liwanag na tumatagos sa bintana. Mapuno ang palibot ng warehouse kaya ang halos buong parte nito ay malilim.

Bumaling si Kiel sa mga kasamahan na nasa loob pa rin ng abandonadong silid sa warehouse. Medyo tulala pa si Samara hanggang ngayon at halatang hindi pa nag-si-sink in ang mga nangyayari. Aligaga naman si Billie at halatang 'di na malaman ang gagawin. Samantalang si Austin ay kalmadong nakatayo habang hinihintay ang dalawang babae na umakyat sa bintana.

"Austin, alalayan mo na sila palabas! Ako nang bahala rito!" untag ni Kiel at pinandilatan ito ng mata.

"Ano? Paano ka, pre?" magkahalong gulat at pagtatakang tanong nito.

"Ayos lang ako. Manghingi ka na lang ng tulong kina Yori paglabas niyo!" mabilis niyang tugon  at mas hinigpitan ang kapit sa lampshade. Tinatagan niya ang sarili habang nagbabantay sa pinto. Ramdam niyang palapit na nang palapit ang mga kidnapper dahil sa papalapit na mga yabag at kumakalansing na susi. Mabagal ang paglapit nito pero pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba.

"Billie, ikaw na lang ang bahala kay Samara. Tumawag ka ng tulong sa oras na makalabas kayo," utos ni Austin at naglakad palapit sa pinto kung saan nagbabantay si Kiel. Pero bago pa siya makarating doon, may natapakan siyang isang maliit na bagay na natatakpan ng ilang mga karton. Tinanggal niya ang mga iyon at nakita ang isang cutter. Mabilis niya itong pinulot bago pumwesto sa tabi ni Kiel.

Sa kabilang banda, lumapit si Bille kay Samara at ipinatong ang kanang braso nito sa balikat niya. Inalalayan niya itong tumayo at sa paglalakad palapit sa lamesa.

"A-Ayos lang ako," mahinang sambit ni Samara at tumayo nang tuwid kahit medyo lutang at nanginginig pa rin. Inobserbahan siya ni Billie hanggang sa makatapak siya sa lamesa. Pinauna siya nitong pinaakyat sa bintana bago sumunod.

Bago tumalon sa bintana, nilingon ni Billie sina Kiel at Austin at nagsalita, "mag-iingat kayo hanggang sa pagbalik ko. Hihingi lang ako ng tulong saglit."

Tumango ang dalawa.

Pagkalabas ni Billie, segundo lang ang binilang bago kumalabog ang pintong naka-lock. Mas narinig pa nina Kiel at Austin ang pagtunog ng susi at ang paggalaw ng doorknob, senyales na mauy nagbubukas ng pintong gawa sa kahoy.

Lalong nakaramdam ng kaba si Kiel. Tinuon niya ang buong atensyon sa harap ng pinto para mag-abang sa papasok at makapaghanda. Pagkalipas ng ilan pang segundo, bumukas ang pinto. Bumungad sa kanila ni Austin ang tatlong kalalakihan na may matitipunong katawan. Nakasuot ang mga ito ng itim na damit at pantalon. Wala silang maskara at wala rin dalang kahit anong armas, bagay na hindi inasahan ni Kiel. Lumuwag ang hawak niya sa lampshade at natigilan.

Inilibot ng mga lalaki ang paningin sa loob ng silid. Ni hindi bumakas sa itsura nila ang gulat at pagkataranta nang mapansing wala na sina Samara at Golden. Sa halip, natuon ang atensyon nila kina Kiel na nasa harap nila, halos dalawang metro ang layo.

"Nasaan na ang dalawang babae?" tanong ng bigotilyong lalaki, isa sa mga kidnapper, at bumaling kay Kiel.

"Ba't naman namin sasabihin?" pabalang na sagot ni Austin, dahilan para magkatinginan ang tatlo.

"Ba't kayo nandito? Sino kayo?" tanong ng isa pa, ang pinakamatangkad, at bakas sa itsura at tono ng pananalita ang pagtataka, "kasama ba kayo sa plano ni boss? At bakit 'di kami na-inform?"

"Anong plano? Sinong boss?" tanong pabalik ni Kiel at lalong naguluhan. Hindi na siya makapag-function nang maayos dahil sa pagkalito sa nangyayari. Nakababa na ang kamay niya at anumang oras ay mabibitawan na ang lampshade. Nawala na sa isip niya ang self-defense dahil sa inasta ng mga kinapper pagpasok ng silid.

Reverted to that MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon