Day 25

9 1 51
                                    

MARCH 03, 2022 | THURSDAY

"Uy, pre. Ba't para kang pinagsakluban ng langit at lupa? Anong meron?" tanong ni Austin at umupo sa monoblock chair na nasa tabi ni Kiel.

10 AM na at karamihan ng mga estudyante ay naghihintay na sa pagdating ng bus habang nakaupo sa magkakahiwalay na upuan. Ang iba pang mga estudyante ay naghahanda para sa pag-alis sa Sarreal Camping site. Tinatanggal na nila ang kanilang mga gamit sa tent at nagliligpit.

"Umuwi na raw si Samara sabi ng adviser ni ma'am," pagsingit ni Billie sa usapan at tumabi kay Austin.

"Anong meron do'n?" tanong ni Austin at nagpalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa. Tiningnan niya si Kiel at tumawa, "umiikot na ba kay Samara ang buhay mo?"

"Shh. We're on a mission," pagpapatahimik sa kaniya ni Billie at ngumisi para hindi mahalatang totoo ang sinasabi niya.

"Pa rin? Kailan ba matatapos ang misyon na 'yan?"

"Hanggang sa dulo ng mundo. Joke. Patapos na," ani ni Billie at tumingin sa gawi ni Yori na nasa pinakadulong tent sa malayo, "ah, Austin. Tawag ka pala ni Yori."

"Ako? Bakit daw?"

"Aba malay ko," pagkikibit-balikat niya, "puntahan mo kaya para malaman mo."

Nagkamot ng ulo si Austin at sapilitang tumayo para pumunta sa pwesto ni Yori.

"Effective pa rin pala hanggang ngayon," natatawang sambit ni Billie nang mauto niya si Austin. Hindi totoong tinatawag ito ni Yori. Sinabi niya lang iyon para makapag-usap sila nang pribado ni Kiel.

"Ikaw? Wala ka talagang gustong baguhin ngayong may pagkakataon ka?" tanong ni Kiel.

"Wala naman akong gaanong problema sa bahay. Puro lalaki ang mga kapatid ko. Isang mas matanda sa akin at isang mas bata. Close naman kami kaso nga lang gusto ko rin magkaroon ng babaeng kapatid. Kaya siguro gusto kong maging ka-close sina Mira at Samara."

"At si Austin," pahabol ni Billie, "Kung walang gusto si Austin ngayon kay Samara, e di ibig sabihin bago mag-foundation week lang siya nagkagusto noon? Hindi pa gaanong malalim?"

"Siguro. Pero hindi naman din yata 'yon konektado kay Samara," mahinang tugon ni Kiel at bumuga ng hangin, "at naisip ko lang. Baka nga tama si Yori. Hindi natin kontrolado ang mga pangyayari. Wala pa rin tayong nababago."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mailap pa rin siya sa atin. 'Di rin siya gaanong nagsabi ng sikreto kagabi."

"Kagabi? Sa two truths, one lie?"

"Hindi."

Nanlaki ang mga mata ni Billie at napatakip ng bibig, "nag-meet kayo kagabi?"

"Basta."

"Ba't parang kinakabahan ako sa basta na 'yan, Kiel?" tanong ni Billie at mapanghusgang tumingin sa kaniya, " pero seryoso, baka hindi pa rin siya komportable sa atin. At least gumawa tayo ng paraan di ba? Anong kwenta ng pagbabalik natin dito kung hindi tayo gagawa ng paraan?"

"Pero wala pa ring pagbabago. Umuulit pa rin ang nakaraan. Kaya siguro wala na ring kwenta kung aalamin pa ang nakaraan niya. Sulitin na lang natin ang natitirang mga araw.," suhestiyon ni Kiel at tumayo. Nakita niya mula sa distansya na isa-isa nang pumapasok sa bus ang mga kaklase niya. Isinukbit niya ang bag sa kanang balikat at akmang lalakad na palayo pero nagsalita si Billie.

"Pero may sinabi sa atin yung diwata di ba?" pahabol ni Billie at tumayo na rin.

"Ano?"

"Hint yata. 'Di ako sure. Wait, tingnan ko sa phone ko," aniya at hinalungkat ang phone mula sa bag.

Reverted to that MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon