"Mira!" sigaw ni Yori at hinabol siya na naglalakad papunta sa comfort room. Bago pa man siya makapasok sa loob, hinablot niya ang braso nito at pinaharap sa kaniya.
"Yori, ikaw pala," sambit ni Mira at nagkunwaring walang ideyang hinabol siya ng binata. Ngumiti siya pero sa loob-loob ay hindi na siya mapakali at gustung-gusto nang pumasok sa CR. Nasa direksyon patungong CR na ang mga paa niya at mukhang wala siyang balak patagalin ang pag-uusap nila ni Yori.
Hindi iyon napansin ni Yori dahil pinangunahan siya ng saya. Nakangiti siya nang malapad habang nakatingin kay Mira. Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng pagkakataon na kausapin ito buhat pa noong nakabalik sila galing sa future.
Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Mira at itinulak palapit sa kaniya para yakapin. Naamoy niya ang pamilyar na amoy mula sa pabango nito. Ito ang nagpabalik sa kaniya ng mga alaala nilang dalawa. Nakaka-miss. Nakakapanghina.
"Y-Yori," garagal na saad ni Mira at nanlaki ang mga mata. Sinubukan niya itong itulak palayo pero hindi nagawa. Mahigpit ang yakap nito at mukhang wala siyang balak pakawalan.
"Sandali lang," halos pabulong na saad ni Yori habang nakahawak ang isa sa likod ni Mira at ang isa naman ay nasa likod ng ulo. Nakapatong ang baba ni Mira sa kanang balikat niya at medyo nakatingkayad dahil sa tangkad nito.
Mas lalong hinigpitan ni Yori ang yakap sa loob ng ilang segundo bago tuluyang bumitaw.
Pinasadahan niya ng tingin ang dalaga. Nakasuot ito ng asul na ball gown at high heels. Low braided bun hairstyle nito at may suot na pulang hairclip.
"Ang ganda mo ngayon," puno ng sinseridad na sambit ni Yori at ngumiti nang nakakatunaw.
Awkward na ngumiti si Mira at akmang tatalikod para pumunta sa CR pero hinawakan ni Yori ang kanang kamay niya.
"Natanggap mo ba yung damit na ipinadala ko sa'yo?"
"Ah? O-Oo," ani ni Mira at kumalas sa hawak niya. Aligaga niyang kinuha ang purse mula sa bulsa ng gown. Naglabas siya ng ilang libo bago iabot kay Yori, "m-magkano ba 'yon? S-Sorry, ito lang ang budget ko sa gown. K-K mung mahal yung gown, ibabalik ko yun sa'yo sa Lunes. Hindi ko naman 'yon nagamit."
Napatitig si Yori sa hawak niyang pera. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at hindi agad nakapag-react. Hindi niya inaasahan na magiging ganito ang reaksyon ni Mira. Alam niyang hindi talaga sila nag-uusap noon peri hindi naman ito ganoon makitungo sa iba. Nanikip ang dibdib niya at sumagi sa isip na baka ito ang karma niya sa mga kasalanang ginawa niya noon.
Ilang segundo ang lumipas bago makabawi si Yori. Pilit siyang ngumiti at mahinang itinulak ang kamay ni Mira para ipaalam na wala siyang balak tanggapin ang pera.
"Para sa'yo talaga yun."
"Ha?"
"Masaya akong makita ka ulit." Nangilid ang luha sa mga mata ni Yori at tiningnan si Mira na para itong isang kayamanan.
"Anong ibig mong sabihin? Kahapon lang tayo nagkita, ah."
Inobserbahan siya ni Mira at pinanliitan ng mata.
"Mira," pagtawag ulit ni Yori na puno ng emosyon, "pwede ba tayong mag-usap?"
"H-Ha?" Pwede bang mamaya na lang tayo mag-usap? Pupunta muna ako ng cr," nagmamadaling saad ni Mira at umiwas ng tingin. Hindi na niya hinintay magsalita si Yori at dumiretso na siyang banyo at pumasok sa isa sa mga cubicle.
Nabato sa kinatatayuan si Yori at sinundan ng tingin ang banyo kung saan pumasok si Mira. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang inasta nito.
"Anong problema mo?" untag ni Billie at tumabi sa kaniya. Medyo hulas na ang makeup nito at halatang pagod na.
BINABASA MO ANG
Reverted to that Moment
Teen Fiction[Watty Awards 2022 Shortlisted] Samara Angeles is an outcast on her school. She has no friends nor someone to talk to, that's why no one knows about her when she went missing. Early on the other day, a news shocked everyone in her class. A chance to...