Medyo madilim na nang dumating ang mga pulis. Tumigil ito sa tapat ng bahay ni Samara. Hindi gaanong lumikha ng tunog ang police car pero nag-agaw pansin pa rin dahil sa asul at pulang ilaw na mula sa ibabaw ng sasakyan nila. May pailan-ilang napatigil sa paglalakad para makiusyoso. May ilang kapitbahay rin na lumabas ng kanilang bahay para alamin ang kaganapan at dahilan kung bakit napadpad sa subdibisyon nila ang patrol.
Lumabas mula sa sasakyan ang dalawang pulis na sina Laura at Carl, babae at lalaki. Mga nasa edad mid-20's hanggang 30's sila at parehong maselan ang pangangatawan. Nakasuot sila ng unipormeng pang-pulis at may hawak na posas at (walkytalky).
Tumingala si Laura sa second floor ng bahay at kumatok sa gate. Saktong dumungaw sa bintana si Kiel at nakita sila roong nag-aabang. Saglit niyang sinulyapan si Rita na aligaga habang nakaupo sa isang tabi at nakayakap sa tuhod. Nanginginig ang mga kamay nito at labi, halatang kinakabahan. Gustuhin man nitong tumakas ay hindi magawa dahil sa pagbabantay niya.
Humugot ng malalim na paghinga si Kiel at sinenyasan ang dalawang pulis na pumasok na sa loob dahil hindi naka-lock ang gate at pinto. Dumiretso sina Carl at Laura sa loob at pumunta sa kwarto ni Samara para hulihin si Rita.
⏳
"Samara, sabihin mo sa kanila na 'wag akong ikulong. Sorry. Sorry, hindi na mauulit. Sorry talaga," paulit-ulit na paghingi ng tawad ni Rita kahit wala sa paningin niya si Samara. Nasa loob pa rin ito ng bahay samantalang siya ay nakaposas na ang dalawang kamay. Katabi niya si Laura na maayos ang tindig at nakapuyod ang hanggang balikat na buhok. Nauna silang dalawang lumabas ng bahay para dumiretso sa police car.
Hindi pa rin umaalis ang ibang mga nakikiisyoso. Lalo pa itong nadagdagan noong masilayan nila si Rita na nakaposas. Lalong umingay ang bulungan sa paligid habang pinagtitinginan siya na ngayon ay nakayuko at hiyang-hiya sa sarili. Sa napakaraming beses niyang sinaktan si Samara, ni minsan ay hindi sumagi sa isip niyang magiging kadahilanan ito ng pagkakulong niya. Hindi niya namalayan na sumobra na pala siya hanggang sa ipahuli siya nina Kiel at Billie sa pulisya.
"S-Samara, Samara!" sigaw niya at lumingon sa likod. Inangat niya ang tingin sa may bintana sa second floor sa pag-asang dudungaw roon si Samara at pipigilan ang mga pulis. Naputol lamang ito nang papasukin na siya ni Laura sa sasakyan. Bagsak ang balikat siyang sumunod.
Sa kabilang banda, hindi pa rin nagsasalita si Samara. Nanatili siyang nakayuko at nanginginig at nanlalamig ang mga kamay. Katabi niya pa ring nakaupo sa kama si Billie na tahimik siyang binabantayan habang kinakausap ni Kiel si Carl, ang pulis na nakatayo sa may pintuan kasama nito.
Seryosong inabot ni Kiel ang phone kay Carl. Naglalaman ito ng video na kuha mula sa bandang labas ng gate.
Noong pumunta sina Kiel at Billie sa bahay ni Samara kanina, nadatnan nila si Samara na nakatayo sa may bintana. Akala nila ay wala lang ito pero nasaksihan nila kung paano ito saktan ni Rita. Hindi agad sila nakapag-react dahil sa gulat. Nagpuyos sa galit si Kiel nang malamang hindi pa rin ito tinitigilang saktan. Hindi na siya nagdalawang-isip na pumasok sa loob ng bahay para mamagitan. Hindi naka-lock ang gate at pinto kaya hindi siya nahirapang pumasok sa loob. Sa kabilang banda, naglabas ng camera si Billie at kinuhanan sila ng video dahil sa instinct na kakailanganin niya ito.
Matapos makita ang video, isinauli ni Carl ang phone kay Kiel at saglit na sumulyap kay Samara.
"Salamat sa pag-re-report ng kasong 'to sa amin. Kami na ang bahala kay Rita. At kung maaari, hihingin namin ang panig ni Samara kapag maayos na ang kalagayan niya."
"Sige po, sir. Maraming salamat," sambit ni Kiel at nakipagkamay bago yumukod.
"Maraming salamat din."
BINABASA MO ANG
Reverted to that Moment
Teen Fiction[Watty Awards 2022 Shortlisted] Samara Angeles is an outcast on her school. She has no friends nor someone to talk to, that's why no one knows about her when she went missing. Early on the other day, a news shocked everyone in her class. A chance to...