FEBRUARY 20, 2022 | SUNDAY
"Pre, siguradong matutuwa ka sa ibabalita ko," bungad ni Austin sa telepono umagang-umaga pa lang. Hindi man nila nakikita ang isa't isa, sigurado si Kiel na nakangisi ito ngayon.
Humikab si Kiel at papikit-pikit na nagtanong kay Austin, "ang aga pa. Bakit ka tumawag?"
Tiningnan niya ang relo na nakapatong sa bedside table. 05:15 AM
"Dahil alam kong trip na trip mong habulin si Samara,"
Nagising ang diwa ni Kiel nang marinig ang pangalang Samara. Napaupo siya sa kama at napakurap-kurap.
"Pero bago ko sabihin ang tungkol doon," pabiting saad ni Austin.
"Ano?"
"Ilibre mo ako sa school bukas." Halos matumba sa pagkakaupo si Kiel dahil sa sinabi ni Austin. Hindi niya alam kung seryoso ba 'to o hindi. Pero para matapos na ang usapan, pinili niyang makisakay sa trip nito.
"Oo na, oo na. Anong sasabihin mo?"
"Nakita ko siya kahapon sa Dream cafe. 10 AM."
"Ano?" kunot noong tanong ni Kiel at kinusot ang mga kaliwang mata.
"Nagtatrabaho si Samara sa Dream cafe. Kung weekends ang shift niya, baka nando'n din siya ngayon."
"Sige, salamat."
"Anytime, pre," tugon ni Austin, "basta ilibre mo ako bukas." Kasunod nito ang nakakabinging tawa nito kaya inilayo ni Kiel ang telepono sa tainga niya
Labis na ipinagtaka ni Kiel ang ugali ni Austin ngayon. Maluwag ang loob nitong magsabi ng impormasyon tungkol kay Samara. Malayong-malayo sa ugali nito noon.
"Ayos ka lang?"
"Oo. Bakit naman hindi?"
"Hindi ka nagseselos?" Lalong kumunot ang noo niya nang makarinig ng malakas na tawa mula sa kabilang linya.
"Anong klaseng tanong 'yan, Kiel? Ako? Magseselos? Wala naman akong gusto sa kaniya," ani nito at tumawa ulit, "ikaw lang ang meron."
"Aust--"
"Sige na. Matutulog na ulit ako. Nakalimutan ko lang sabihin kahapon at naalala ko lang ngayong umaga. Naalimpungatan lang ako. Good night--este good morning." Narinig pa ni Kiel ang muling pagtawa nito bago niya ibaba ang tawag.
Umidlip din siya ng halos isang oras. Gumising siya ng 6 AM para maghanda ng almusal ng papa niya bago pumasok sa trabaho.
Pagsapit ng ikasampu ng umaga, naligo na siya at nagbihis ng maayos at presentableng damit. Maong pants at checkered polo na kulay asul. Nakabukas ang mga butones nito at puting damit ang nasa ilalim. May suot din siyang itim na sumbrero.
Lalabas na sana siya ng kwarto nang mahagip ng paningin niya ang hourglass. Kinuha niya ito at pinagmasdan. Patuloy pa rin ang daloy ng gintong buhangin pababa. Pero kahit ganoon, buhay pa rin ang pag-asa sa puso niya. Ito ay dahil nararamdaman niya ang unti-unting pagbabago sa takbo ng buhay ni Samara.
Nag-commute siya papunta sa Dream cafe na tinutukoy ni Austin. Hindi niya dala ngayon ang journal para hindi malaman ni Samara na may hawak siyang ganito.
Habang nasa byahe, lumilipad ang isip ni Kiel sa ginawa ni Austin kanina.
'Nagkita rin ba sila dati roon? Kung gano'n, bakit hindi niya sinabi sa akin? At bakit siya nagsabi ngayon?'
Halos tatlumpung minuto ang itinagal ng byahe. Hindi na nakakapagtaka kung bakit hindi niya alam na nagtatrabaho si Samara sa lugar na ito.
Pagkababa niya, may isang posibleng sagot at ilang mga tanong na sumagi sa kaniyang isipan.
BINABASA MO ANG
Reverted to that Moment
Teen Fiction[Watty Awards 2022 Shortlisted] Samara Angeles is an outcast on her school. She has no friends nor someone to talk to, that's why no one knows about her when she went missing. Early on the other day, a news shocked everyone in her class. A chance to...