Day 13

19 1 42
                                    

FEBRUARY 19, 2022 | SATURDAY

Sabado. Isang pangkaraniwang araw para kay Samara Angeles. Maaga siyang umalis ng bahay para punta sa café na pinagtatrabahuan niya. Part-timer siya sa Dream cafe at weekdays at weekends ang shift niya. Pero minsan ay depende rin sa schedule niya. Na-a-adjust iyon kapag hindi siya gaanong busy sa school kaya hindi malinaw pare-pareho ang oras. Ang may ari ng cafe at ang manager niyang si AJ ang mismong nag-ayos ng schedule niya. Hindi man niya ito ka-close, mabait ito dahil hinahayaang magtrabaho ang isang estudyanteng tulad niya.

Nag-commute siya papasok sa trabaho bitbit ang backpack na naglalaman ng wallet, phone, ekstrang damit, at pagkain. Nasa mismong cafe ang uniform niya at doon siya nagbibihis kaya simpleng pants at long sleeve shirt ang suot niya ngayon.

Halos isang oras ang tinatagal ng byahe papunta sa cafe. Bukod sa pahirapan ang pagsakay sa jeep dahil sa sobrang daming pasahero, nagta-traffic din sa dinaraanan niya. Para hindi ma-stress, dinaraan niya lang ang lahat sa pakikinig ng musika. Para sa kaniya, ito ang nagsisilbing sandalan at kaibigan niya sa ganitong mga pagkakataon.

Pagkarating niya sa cafe, mabilis siyang nagpalit ng damit. Suot niya ang puting cap, puting apron, puting rubber shoes, itim na pantalon at red long sleeve shirt na may logo ng Dream cafe.

Pumwesto siya sa counter area at pinagmasdan ang mga taong pumapasok, tumatambay, at lumalabas. Hindi niya maiwasang may maisip kung ano ang buhay na meron sila at kung anong mga problemang kinahaharap nila. Maski ang rason kung bakit sila pumupunta sa cafe ay naiisip niya. Kung naglilibang lang, naggagala, gustong magpahinga, gutom, o kung gustong magtanggal ng stress.

Sa bawat taong pumapasok, sinusubukan niyang kilatisin ang mga mukha nito. Inaalam niya kung kilala niya o hindi.  Hindi naman niya ugali ito dahil wala siyang balak tandaan ang mga dumadaan sa buhay niya. Pero magmula no'ng may nangyari noong nakaraang araw sa mismong Dream cafe, hindi na siya matahimik.

"Ate Golden,..." gulat na sambit ni Samara pagkarating sa tapat ng lamesa. Hawak niya ang isang tray na may lamang pagkain mula sa Dream cafe. Isang lata ng kape at isang maliit na tupperware na may lamang isang slice ng chocolate cake.

Nasa harap niya ang isang nakaupong babae na nakasuot ng itim na jacket at sumbero. Blangko ang ekspresyon nito at mahirap basahin ang nasa isip.

"Long time no see," ani nito nang hindi ngumingiti at sumilip sa counter, "I see you're doing well. Even without her."

Hindi sumagot si Samara pero humigpit ang kapit sa tray. Lumunok siya at medyo nanginginig na ipinatong sa Table 03 ang order nito.

"Paki-check na lang po kung kumpleto na ang order niyo," aniya at umayos ng tayo. Sinubukan niyang hindi magpakita ng kahit anong emosyon.

Seryosong tiningnan ni Golden ang cake at kape na nasa harap niya bago ibalik ang tingin kay Samara. Nakakapaso ang tingin niya kaya napayuko ang dalaga.

Bumuga siya ng hangin at tumayo siya habang nakataas ang isang kilay. Isinukbit ang bag sa balikat at tumalikod.

"That's not mine," malamig niyang saad at naglakad palayo.

"Ah, Ate Golden--" Nag-angat ng tingin si Samara at akmang kakausapin ito pero nauna na itong naglakad palabas ng cafe. Dumako ang tingin niya sa pagkain na nakapatong sa lamesa. Inakala niya noong una na binigay ito sa kaniya ni Golden dahil matagal na noong huli silang magkita at may pinagsamahan din sila. Kukunin niya na sana ito nang biglang may maalalang isang bagay.

"It's her favorite," mahinang usal ni Samara at mahigpit na hinawakan ang tray habang nakatingin sa pagkain.

"Uy," tapik ni AJ kay Samara. Siya ang manager ng Dream cafe. Nasa mid-40s na siya, singkit, kulot ang buhok, at matangkad. Kung titingnan ay para siyang striktong boss na hindi ngumingiti pero kabaligtaran nito ang personalidad niya, "sabi ko pakibigay nito sa Table 05 at 09."

Reverted to that MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon