October 12, 2012
"Anong gagawin natin, Ate Samara," naiiyak na tanong ng batang si Emerald sa kaniya. Nakayakap ito sa sariling tuhod at bakas sa mga kamay ang panginginig dahil sa sobrang takot.
Si Emerald ang batang kalaro ni Samara na mas bata sa kaniya ng tatlong taon. Lagi silang naglalaro ng kung anu-ano sa pampublikong parke pagkatapos ng eskuwela habang nasa trabaho ang kanilang mga magulang. Doon nila hinihintay ang kapatid ni Emerald para sunduin silang dalawa.
Kanina, habang naglalaro sina Emerald at Samara ng manika, may itim na van na tumigil sa harap nila. Lumabas doon ang dalawang 'di kilalang lalaki at lumapit sa kanilang dalawa. May dalang ice cream ang mga ito at inabot sa mga bata bago sabihing ihahatid silang dalawa pauwi. Agad dilang sumama sa pag-aakalang mapagkakatiwalaan ang mga lalaki.
Pagpasok nila ng van, nakita nila ang tatlo pang mga lalaki, nasa driver at passenger seat ang dalawa, at ang isa pa ay nakaupo a pinakalikod. Pinaupo sila sa bandang gitna at pinagitnaan. At sa kasamang palad, hindi sila hinatid pauwi. Sa halip, dinala sila sa bahay na pagmamay-ari ng isa sa mga lalaki, si Haji.
Ilang oras bago tinanong ng mga kidnapper ang contact ng mga magulang nina Samara. Pagkatapos nito ay ipinamalita nila sa mga ito na kidnap for ransom ang kaso pero dahil hindi mapera ang mga ito, ilang araw tumagal sina Samara at Emerald sa bahay kasama ang mga kidnapper.
Noong nakalikom ng sapat na pera ang mga magulang nina Samara at Emerald, tumawag sila sa kidnapper. Medyo maayos ang naging usapan nila sa telepono tungkol sa dapat gawin para maibalik ang mga bata. Pero bago pa man nila ito magawa, dumating ang mga pulis sa mismong lugar na binanggit ng mga kidnapper na meeting place nila. Dahil doon, napag-alaman ng mga kidnapper na nagsumbong ang mga ito, isang bagay na wala sa kasunduan nila. Mabilis na lumipat ng lokasyon ang mga kidnapper kung saan isinama nila ang dalawang bata.
Kasalukuyang nakakulong sina Samara at Emerald sa gitnang bahagi ng mala-gubat na lugar. Nasa loob silang dalawa ng maliit na bahay na gawa sa kahoy. Wala silang ideya kung anong nasa labas dahil tinakpan ang ulo nila noong papunta sila sa lugar na ito.
Lingid sa kanilang kaalaman ay may nagbabantay sa labas ng maliit na bahay na pinaglipatan nila.
"Umalis na tayo rito. W-Walang susundo sa atin," panghihikayat ni Samara at pilit na nilaksan ang loob. Wala siyang makakapitan ngayon kundi sarili niya.
"Ayoko, a-ayoko," ani ni Emerald at mas lalo pang umiyak. Hinawakan ni Samara ang magkabilang balikat niya at pinaangat ng tingin.
"Wala na tayong magagawa. Siguradong sinundan tayo ng mga pulis papunta rito. Mas mabilis nila tayong mahahanap kung tayo mismo ang lalapit sa kanila," pangungumbinsi niya at pinunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi ni Emerald. Inalalayan niya ito patayo at mahigpit na hinawakan ang kanang kamay nitong nanlalamig.
"N-Natatakot ako, a-ate," sambit nito habang nanginginig na naglalakad sa bandang likod ni Samara. Nilingon niya ito at sinenyasang tumahimik. Lumunok siya at ipinagpatuloy ang paglalakad. Maingat ang bawat hakbang nila para hindi makalikha ng anumang ingay.
Pagkatapat sa may pinto, huming nang malalim si Samara. Nilingon niya si Emerald sa huling sandali at nakita niya nagpupunas ng luha gamit ang kaliwang kamay. Tumango siya at tipid na ngumiti bago dahan-dahang pihitin ang doorknob. Malakas ang pintig ng puso niya dahil walang kasiguruhan ang gagawin nila at hindi sila pamilyar sa lugar. Kahit papaano ay nabuhayan siya nang loob nang malamang walang lock ang pinto at kayang-kaya itong buksan.
"Kapag sinabi kong takbo, tumakbo tayo," paalala ni Samara at nagpigil-hininga. Tumango-tango si Emerald at pinisil ang kamay niya bago bitawan. Gamit ang parehong kamay, mabilis niyang tinulak ang pinto at tumingin sa labas sabay sabing, "takbo!"
BINABASA MO ANG
Reverted to that Moment
Teen Fiction[Watty Awards 2022 Shortlisted] Samara Angeles is an outcast on her school. She has no friends nor someone to talk to, that's why no one knows about her when she went missing. Early on the other day, a news shocked everyone in her class. A chance to...