Day 26 (Part 2)

17 1 47
                                    

"I-de-deliver mo ang mga 'to?" tanong ni Billie kay Andy at itinuro ang mga paper bag na pinatas niya sa isang tabi kani-kanina lang. Magkatabi silang nakaupo sa buhanginan. Samantalang sina Kiel, Austin, at Yori ay nakatayo habang nag-uusap-usap sa bandang likuran nila.

Lagpas isang oras na magbuhat noong pumunta sila sa dalampasigan para hanapin si Andy. Pagkatapos ng komprontasyon, sa loob ng halos kalahating oras ay namayani sa kanilang apat ang katahimik. Wala ni isang naglakas-loob na magsalita. Maski si Austin na palabiro ay nanahimik din sa isang tabi.

Nakasilong sila sa puno ng niyog habang tinitingnan mula sa distansya ang paghampas ng alon sa buhangin. Mataas na ang sikat ng araw pero presko pa rin ang pakiramdam nila dahil mahangin. Hindi pa tag-init.

"Oo sana," mahinahong sambit ni Andy at bumuntong hininga. Mas kalmado na siya ngayon kumpara noong nagkasagutan sila ni Yori kanina.

"Bakit hindi mo pa nadadala?"

"Pinagalitan ako ng boss ni itay. Hindi ko pa rin kasi kabisado ang ibang daan kahit ilang buwan na akong nagtatrabaho."

"E di gumamit ka ng google map."

"Wala akong phone."

Kumuha ng isang paper bag si Billie at tiningnan ang address.

"San 'to? 'Di rin ako pamilyar," kibit balikat niyang sambit.

"Malapit 'yan sa covered court," pagsingit ni Yori sa usapan habang nakatingin sa paper bag na hawak ni Billie. Pagkatapos nito ay itinuon niyaang atensyon sa phone."

Napalingon sa kaniya si Billie at nagtaas ng dalawang kilay, "alam mo?"

"Oo. Tawagan ko si Mang Orlandi. Kung payag ka, samahan ka naming mag-deliver sa address na 'yan."

"Game!" mabilis na pagpayag ni Billie at pumalakpak na parang bata.

"'Wag na. Paturo na lang sa'kin ng daan," pagtanggi ni Andy at akmang tatayo pero pinigilan siya ni Billie.

"Ano kaya kami muna ang bahalang mag-deliver ngayong araw tapos magpahinga ka muna, Andy? Ano, guys, payag kayo?"

"Ako rin pwede akong mag-deliver!" presenta ni Austin at ngumisi, "sakto may motor ako at gusto kong maggala ngayon."

"'W-Wag n--"

"Bawal tumanggi. Sa ngayon, magpahinga ka muna at mag-isip tungkol sa mga bagay-bagay."

"Wala akong oras para sa ganiyan."

"Mali. Kailangan mo rin ng oras para sa sarili mo. Huminga ka muna. Tingnan mo, umiyak ka nga kanina."

Nahihiyang nagkamot ng ulo si Andy.

"Pero sinong nagsabing bawal umiyak ang mga lalaki? Sinong nagsabing bawal silang maging mahina at mag-breakdown?" dagdag ni Billie at saglit na tumigil nang may maalalang isang bagay. Tumingin siya kay Andy at tinantya kung itatanong ang bagay na iyon o hindi, "at tungkol kay Monica..."

"Ano ba talagang dahiln kung bakit bigla mo siyang iniwasan? May pinag-awayan ba kayo?"

"Wala."

"Eh, ano? Anong pumipigil sa'yo na kausapin siya? Dahil ba na-link siya kay Yori nung prom day?"

"Hindi," tipid nitong sagot.

"'Wag mong sabihing tungkol sa pera? Hindi naman pera ang kailangan niya kundi ikaw"

"Alam ko naman 'yon."

"Kung gano'n, bakit nga?"

"Nahihiya ako sa sarili ko," pag-amin ni Andy at niyakap ang magkabilang tuhod, "humiwalay ako hindi dahil hindi ako tiwala sa'yo o sa kaniya. Humiwalay ako dahil ayoko siyang saktan. Naiinis ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay 'di ako sapat. Hindi siya ang priyoridad ko.'

Reverted to that MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon