Day 27 (Part 2)

18 1 41
                                    

"Computer shop na naman, akala ko ba tumigil ka na sa paglalaro? At kasama mo si Austin?" sigaw ni Billie mula sa kabilang linya ng telepono. Pagkatapos sagutin ni Yori ang tawag, ni-loudspeaker niya ito at ipinatong sa desk para makapagpatuloy pa rin siya sa paglalaro ng computer game habang kausap ito. Katabi niya si Austin na nakatutok sa screen at abala rin sa paglalaro ng 2 player shooting game.

"'Di ba sabi mo nahuli na ang posibleng dahilan kung bakit nagpakamatay si Samara? E di pwede na ulit akong maglaro. Ilang taon ko ring hindi nagawa 'to. At oo, kasama ko si Austin," aniya at saglit nag-unat bago pumindot sa keyboard at mouse.

"Anong ilang taon, pre? Kalaro ko nga kayo ni Kiel bago mag-Valentines day. Si Andy lang naman ang hindi na sumasali sa atin," pagkontra ni Austin sa kaniya at saglit na tumingin para ngumisi, "ulyanin ka ba? Puro si Mira ba ang laman ng isip mo?"

Pagkatapos banggitin ni Austin si Mira, hindi na ito mawala sa isip ni Yori kahit patuloy silang naglalaro at nag-aasaran. Nasa isang air-conditioned computer shop sila kung saan hindi gaanong strikto at pwedeng mag-ingay. Sa ngayon kasi ay hindi pwedeng maglaro sa kwarto si Yori dahil nag-ge-general cleaning ang kasambahay nila. Ginamit na lang niya ang allowance na binigay ng mga magulang niya para makapag-computer.

'Ano kayang ginagawa ni Mira ngayon? Pwede ko kaya siyang makausap?' tanong ni Yori sa sarili at tuluyan nang nawala ang pokus sa paglalaro.

"Uy, pre, matatalo na tayo! Ano bang ginagawa mo? Potek," natatarantang sambit ni Austin at pinause ang laro. Tinanggal niya ang suot na headphone at sumilip sa screen ni Yori. Kumunot ang noo niya at nagtatakang tumingin sa kaibigan, "ba't ayaw mong kumilos?"

"G*go, bakit nga ba ako nag-aaksaya ng oras dito?" sambit ni Yori at hinampas ang lamesa bago tumayo. Napatingin sa kaniya ang ibang nasa loob ng computer shop, lalo na si Austin na katabi niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo, pre?"

"Uuwi na ako," sambit niya at isinukbit sa likod  ang itim na backpack na nakapatong kanina sa upuang inuupuan niya. 

"Agad? Akala ko ba hanggang hapon tayo rito? Kaya nga tayo gumising nang maaga para mas mahaba ang oras natin sa paglalaro."

"Ikaw na lang muna. Bayaran ko na lang mamaya o bukas kung magkano ang nagastos natin."

"Oy, 'di naman 'yon ang pakay ko. Kalaro ang hanap ko," magkasalubong na kilay na sambit ni Austin at nagkamot ng ulo.

"E di rerenta na lang ako ng taong pwedeng makipaglaro sa'yo. Basta uuwi na ako," mabilis na tugon ni Yori at nagmamadaling kinuha ang pitaka mula sa likod na bulsa ng suot na pantalon. Kumuha siya ng dalawang libro roon at  inilapag sa lamesa. Pagkatapos ay itinago niya ulit ang pitaka at lumabas na ng computer shop nang hindi lumilingon.

"Yori, saglit lang!"

Dahil sigurado si Yori kung saan naroon si Mira, napagpasyahan niyang pumunta ng Dream cafe para magpatanong kay Billie. Magpapasundo sana siya sa family driver nila pero sumama si Austin kaya nag-commute na lang silang dalawa gamit ang van. 

Pagpasok ng cafe, inilibot niya ang tingin sa paligid. Una niyang nakita si Kiel na nakaharap sa gawi niya at nakaupo sa Table 1. May kasama itong dalawang babae na magkatabing nakaupo. Wala pang ilang segundo ay lumingon ito sa gawi nila dahil sa tunog ng door chime. Nanigas siya sa kinatatayuan nang magtama ang paningin nila ng isa sa mga kasama ni Kiel, si Mira. 

"Ang bilis mo namang tumakbo, Yori," hinihingal na sambit ni Austin na biglang sumulpot sa likuran at bumangga sa likod niya dahil hindi agad nakahinto.

"Ang gaslaw mo naman," reklamo ni Yori at siniko siya sa tiyan. Agad siyang humiwalay at inilibot ang tingin sa paligid. Nakita ang pagtayo ni Billie at pagkurap ng ilang beses habang nakatingin sa kaniya.

Reverted to that MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon