FEBRUARY 22, 2022 | TUESDAY
"Hindi na naman ba papasok si Andy ngayon?" tanong ni Billie habang nagsisintas ng sapatos. Nakapatong ang kanang paa niya sa upuan habang inaayos ang sintas. Ang isang paa naman ay nakatapak sa lupa.
Silang dalawa pa lang ni Yori ang magkasama ngayong umaga sa bench na malapit sa school gate. Nasa daan pa raw kasi sina Kiel at Austin.
"Ewan," tipid na sagot ni Yori habang tinatanaw ang isang babae mula sa malayo. Nakaupo iyon sa bench sa kabilang dako habang nagtitipa sa phone.
"Sino kayang textmate niya?" tanong ni Yori sa sarili habang matiim na nakatigin dito. Sa kabila ng mga teoryang nabuo niya rito, hindi pa rin nabawasan ng kahit katiting ang pagmamahal niya. At ngayon, kumirot ang dibdib niya sa selos habang pinapanood itong mag-type sa phone.
"Nakausap mo na si Mira?"
Napalingon si Yori kay Billie. Saka niya lang napansin na nakatingin na rin ito sa gawi ni Mira.
"Hindi pa."
"Bakit hindi? Ka-team mo siya, ah. Dapat kahit papaano ay may alam ka sa mga sinalihan niya," sambit nito ang binunggo ang braso niya, "ay wait, parang ka-team ko si Mira noon. Ang alam ko hindi ako nanalo sa scrabble pero siya naman ang nanalo. Imposible namang Grade 10 'yon kasi Word Factory ang sinalihan ko."
Kumunot ang noo ni Billie at nagtatakang napatingin sa kaniya, "binago mo ba? Paano? Imposible namang basta magbabago 'yon nang walang sapat na pinagmulan. Wala naman akong natatandaang may binago tayo na involved si Mira."
Suminghap si Yori at tumingin sa paligid. Hinila niya si Billie palapit sa kaniya at bumulong, "sinubukan kong bayaran ang faculty para lang maging ka-team ko siya. Pero pumayag naman sila kahit 'di ako nagbayad. Nagtanong nga lang sila kung bakit."
Noong una ang kumunot ang noo ni Billie. Pero kalaunan ay nanlaki ang mga mata niya at napanganga.
"Bakit nga ba? Sa anong rason?" mataas na boses niyang tanong at napatayo, dahilan para mapatingin ang ilang mga tao sa kanila.
"'Wag kang maingay," ani ni Yori at hinila siya paupo sa tabi niyo para takpan ang bibig, "alam mo na naman ang rason 'di ba?"
Mahina niya itong tinulak palayo at malapad na ngumiti. Sa itsura niya ngayon ay halatang kinikilig siya para sa kaibigan.
"Ah, oo nga pala. Bakit 'di ko agad naisip 'yon. Mahal mo nga pala si Mira," sinuntok-suntok niya si Yori sa braso, "dude, I'm proud of you. After all these years--"
"What?! You love Mira?!" sigaw ng isang babae na medyo malapit sa kanila. Gulat na napatingin dito sina Yori at Billie at nanlaki ang mga mata nang makita si Nancy, isa sa madalas nakakausap ni Yori, na nakatayo roon at may hawak na milk tea sa kanang kamay.
"Nancy--"
"That pretentious bitch!!" gigil nitong saad at kinuyom ang kaliwang kamao. Dumilim ang aura nito at tila handa nang manapak ng tao. Lalo pa 'yong lumala nang dumako ang tingin nito kay Mira na nananahimik sa isang tabi.
"Don't hurt her. Or else..." nagpipigil na pagbabanta ni Yori at nagkuyom ng kamao.
"Or else what?!"
Dahil sa lakas ng boses ni Nancy, naka-attract sila ng maraming estudyante na naglalakad at tumatambay sa school grounds.
"Hindi na kita kakausapin," mariing sambit ni Yori at lumingon lumagpas ang tingin dito. Sa malayo, nakita niya ang pagtayo ni Mira mula sa kinauupuan at tahimik na paglisan sa pwesto.
BINABASA MO ANG
Reverted to that Moment
Fiksi Remaja[Watty Awards 2022 Shortlisted] Samara Angeles is an outcast on her school. She has no friends nor someone to talk to, that's why no one knows about her when she went missing. Early on the other day, a news shocked everyone in her class. A chance to...