MARCH 05, 2022 | SATURDAY
"Mga pre, anong ginagawa niyo? Nasa'n kayo?" tanong ni Billie nang malaman mula kay Kiel na magkasama sina Austin at Yori ngayon.
Umaga na at nakaupo siya sa kama para makibalita sa mga kaibigan. Wala siyang gawain ngayong araw bukod sa magsampay ng mga damit na lalabhan ng ate kuya niya maya-maya. Kaya ngayong umaga, balak niyang makipagkita sa mga kaibigan niya para sa misyon.
Kahit na hindi niya nakikita ang hourglass na hawak ni Kiel, alam niyang kaunti na lang ang oras na natitira kay Samara. Medyo panatag na siya ngayon dahil nagawa na nilang ipakulong ang isa sa mga posibleng dahilan kung bakit nagpakamatay si Samara noon. Pero hindi niya rin maikakailang hindi pa tapos ang misyon dahil hindi pa lumalagpas ang date ng kamatayan ni Samara.
"Uy, guys!" pag-uulit ni Billie. Naririnig niya sa background ang tunog ng keyboard at ang ilang beses na pagsigaw at pagmumura ng isang lalaki .
"Naglalaro sa computer shop. Bakit?" kaswal na sagot ni Yori na hindi gaanong maintindihan ni Billie dahil malayo ang bibig niya sa speaker at maingay ang paligid.
"Computer shop na naman, akala ko ba tumigil ka na sa paglalaro? At kasama mo si Austin?"
"'Di ba sabi mo nahuli na ang posibleng dahilan kung bakit nagpakamatay si Samara? E di pwede na ulit akong maglaro. Ilang taon ko ring hindi nagawa 'to. At oo, kasama ko si Austin."
"Anong ilang taon, pre? Kalaro ko nga kayo ni Kiel bago mag-Valentines day. Si Andy lang naman ang hindi na sumasali sa atin," pagsingit ni Austin sa usapan at tumawa, "ulyanin ka ba? Puro si Mira ba ang laman ng isip mo?"
"G*go," tugon ni Yori at sinipa ang upuan sa gilid niya kung nasaan nakaupo si Austin. Biglang inilayo ni Billie ang phone tainga dahil sa ingay.
'Oo nga pala, bumalik kami kaya ang alam niya naglalaro pa rin ako hanggang ngayon,' sa isip-isip ni Yori at nag-make face habang nakatingin kay Austin.
"Bakit? Hindi ba totoo?" tanong pa ni Austin kay Yori mula sa kabilang linya. Nawala sa isip nila na hindi pa rin pinapatay ang tawag at naririnig pa rin ni Billie ang pinag-uusapan nila. Naka-loudspeaker kasi ang phone at nakapatong sa desk kaya hindi na kailangang hawakan.
"Tss. Ikaw nga si Samara ang gusto," pang-aasar ni Yori pabalik.
"Luh. Hindi, ah," rinig ni Billie na pagtanggi ni Austin. Kumunot ang noo niya at inilapit ang taingan sa phone para walang salitang makalampas sa pandinig niya.
"Sige, i-deny mo pa. Noon nga harap-harapan mong sinabi sa aming gusto mo siya," pagpupumilit ni Yori.
"Noon? Kailan 'yon?"
"Ah, basta! Alam kong may gusto ka sa kaniya. Nagalit ka nga sa amin nung nagpakamatay siya." Tumigil sa pagsasalita si Yori na ipinagtaka ni Billie. Saglit niyang tiningnan ang phone para alamin kung nakapatay na ba ang tawag o hindi.
"Ongoing call pa rin naman,..." kunot-noong bulong ni Billie at itinapat ulit ang phone sa tainga. Mag-he-"hello" sana siya pero nagsalita ulit si Yori.
"O baka nagpapanggap ka lang no'n na may gusto ka pero ay totoo ay may kinalaman ka sa pagpapakamatay niya?"
"Ano bang pinagsasabi mo, pre? Sinong nagpakamatay? At sinong nagpapanggap?" naguguluhang tanong ni Austin. Patuloy pa rin ang pagpindot sa keyboard at mouse, pati na rin ang ingay mula sa taong nag-uusap sa loob ng computer shop pero rinig na rinig ni Billie ang sinasabi nila, lalo na ang sinabi ni Yori ngayon lang.
BINABASA MO ANG
Reverted to that Moment
Teen Fiction[Watty Awards 2022 Shortlisted] Samara Angeles is an outcast on her school. She has no friends nor someone to talk to, that's why no one knows about her when she went missing. Early on the other day, a news shocked everyone in her class. A chance to...