"Sir, pwede ko bang malaman kung bakit gusto mong kausapin si Samara? I mean, wala namang masama roon pero kasi,..." nahihiyang tanong ni Sheena habang winawalis ang nabasag ng platito at tasa.
Noong una ay nag-boluntaryo si Kiel na maglinis pero hindi siya pinayagan kaya wala siyang nagawa kundi hayaan ang staff ng Dream cafe na kumilos. Nasa loob pa rin ng kitchen area sina Samara at AJ, samantalang patuloy na nagtatrabaho si Ronald bilang waiter.
"Gaano mo kakilala si Samara?" tanong pabalik ni Kiel.
"Hindi gaano," sagot ni Sheena at ngumuso habang nag-iisip kung anong natatandaan niya tungkol sa dalaga, "halos dalawang taon na siyang nagta-trabaho rito pero wala pa akong alam tungkol sa personal niyang buhay."
"Hindi mo ba siya tinatanong?" nagtatakang usisa ni Kiel.
"Sinubukan ko. Ilang beses na. Pero halatang ayaw niya 'yong pag-usapan kaya hinayaan ko na lang. Matino at masipag naman siya kaya hinahayaan na rito ni Sir AJ na magtrabaho kahit sobra pa sa working hours. Sinabi rin kasi ni Samara noon na wala siyang ibang pinagkakaabalahan kaya pumayag si sir. Tinatanong rin namin kung masaya siya rito at laging oo ang sagot niya. Ewan ko lang kung nagsasabi siya ng totoo."
Pagkatapos ilagay sa dustpan ang mga bubog, pumunta si Sheena sa bandang likod ng counter area kung nasaan ang basurahan.
"May napansin ka bang kakaiba sa kilos niya nitong mga nakaraang araw o linggo?" tanong pa ni Kiel na parang isang reporter na sumusunod sa celebrity.
'Yung pang-suicidal,' gustong idugtong ni Kiel pero hindi niya tinuloy dahil alam niyang mahihirapan siyang magpaliwanag kapag nagkataon.
"Wala naman. Lagi naman siyang hindi ngumingiti kaya norma--" Natigilan si Sheena at napapitik, "noong isang araw pala!"
Bahagyang napaatras si Kiel dahil sa gulat sa biglang pagsigaw nito. Maski ang ibang customer ay napalingon din pero saglit lang.
"Anong meron noong isang araw?" usisa niya at natuon ang buong atensyon rito.
"May kakilala siyang pumunta rito."
"'Yon ba yung lalaking tinutukoy mo?"
Umiling-iling si Sheena, "hindi, iba pa 'yon. Babae ang tinutukoy ko."
"Sino?"
Ngumiwi si Sheena at kinagat ang labi.
"Hindi ko matandaaan--Shit," mariin siyang pumikit at pilit na inalala ang pangalan ng babaneg tinutukoy niya, "Something elemental yung pangalan niya. Unique na hindi. 'Di ko gaanong matandaan basta customer siya."
"Regular customer o hindi?"
"Hindi. Pero kilala niya si Samara."
Natigilan si Kiel at napaisip, "posible bang konektado 'yon sa pagpapakamatay ni Samara? O yung lalaking tinutukoy ni Sheena na hindi raw si Austin?"
Napalingon si Kiel sa kitchen area nang bumukas ang pinto nito. Napaayos siya ng tayo nang lumabas si Samara kasama ang boss nitong si AJ.
"Pasensya na talaga, Samara," bungad ni Kiel at lumapit dito. Tiningnan niya ang kalagayan nito at nakahinga nang maluwag nang makitang walang kahit anong galos o sugat.
Bumaling siya kay AJ at bahagyang yumuko, "sorry, sir. Ako na lang po ang magba--"
"Anong balak mo kay Samara?" seryosong tanong nito habang diretsong nakatingin sa kanuga.
"Po?"
"Nag-usap na kami. Balak ko siyang bigyan ng pahinga ngayong araw. Tutal mas mahirap kung pipilitin niyang magtrabaho kahit hindi maayos ang kalagayan niya. Mas malaki ang mawawala sa amin."
BINABASA MO ANG
Reverted to that Moment
Teen Fiction[Watty Awards 2022 Shortlisted] Samara Angeles is an outcast on her school. She has no friends nor someone to talk to, that's why no one knows about her when she went missing. Early on the other day, a news shocked everyone in her class. A chance to...