FEBRUARY 14, 2022 | MONDAY
Walang magaganap na party sa eskwelahan pero espesyal ang araw na ito para kay Kiel at sa mga kaibigan niya. May inihanda silang sorpresa para mai-selebra nila ang Valentines day kasama si Samara. Pumayag na sina Austin, Billie, at Kiel sa alok ni Yori na siya ang magbabayad ng renta sa isang private room. Sila naman ang bahala sa pagkain at sa mga aktibidad na gagawin.
Maagang gumising si Kiel kanina para magluto ng umagahan nilang mag-ama at para mayroon siyang baon mamaya. Ngayon ay nag-aayos na siya ng mga gamit para sa pagpasok.
Kinuha niya ang hourglass na nakapatong sa bedside table at tiningnan ito. Napataas ang kilay niya nang makitang marami nang butil ng buhangin ang nasa baba.
"Ang bilis ng oras. Ilang araw na ba ang nakakaraan?" bulong niya sa sarili ngunit agad din niyang nalaman ang sagot. Isang buwang palugit.
Niligay niya na ang mga gamit sa kaniyang bag at isinukbit ito bago lumabas ng bahay. Siniguro niyang naka-lock ang pinto bago umalis.
Mag-isa siyang pumasok sa paaralan dahil sinabi ni Austin na hindi siya papasok ngayong araw.
"Happy Valentines!" Kani-kaniyang pakulo ang mga kaklase ni Kiel para ipagdiwang ang araw ng mga puso. Pangkaraniwang handa tulad ng pagbibigay ng rosas, tsokolate at kung anu-ano pa para sa kanilang kasintahan o nililigawan.
Dahil maaga pa, tumambay muna si Kiel sa room nina Yori. Wala pa si Andy hanggang ngayon. Nag-uusap naman sina Yori at Billie habang nakaupo sa pwesto nila sa likod.
Napadako ang tingin ni Kiel sa babaeng nakaupos sa likod at pinakagilid. Nakita niyang si Samara lang ang tanging tahimik na natutulog sa ka-row nila pero nasa pinakagilid. Halos lahat kasi ay nag-uusap tungkol sa Valentines day o kaya naman ay nagkakayayaang gumala ang mga magkakaibigan pagkatapos ng klase.
Nakapatong ang ulo nito sa kanang braso at naka-sideview sa gawi nila. Nakapikit ito at mukhang tulog kahit na maingay ang klase. Natatakpan ang ilang bahagi ng mukha niya ng kaniyang mahaba at kulot na buhok.
Base sa obserbasyon ni Kiel, parang walang pakialam si Samara sa mundo at ang tanging gusto lang ay magkaroon ng kapayapaan. Hindi niya tuloy maiwasang malungkot at mapatanong, 'Wala ba talaga siyang kaibigan?'
"Nakahanda na ba kayo?" Napaiwas ng tingin si Kiel sa natutulog na si Samara nang magsalita si Yori habang nakapatong ang siko sa balikat ni Billie.
"Oo. Mamayang pagkatapos ng klase, ah! Huwag agad kayong uuwi."
"Cleaners pa naman ako, hintayin niyo ako," saad ni Yori na ikinatawa ng mga kaibigan niya.
"Paano kung umuwi agad siya?" tanong ni Billie sabay nguso kay Samara.
"Magpahintay rin tayo sa kaniya," biro niya kahit iyon talaga ang naisip niyang gawin.
"Basta bantayan niyo siya kapag uwian na. 'Wag niyong palabasin hangga't hindi niya tayo kasama."
"Nasa'n pala si Austin? Ba't di mo kasabay?" pag-iiba ng usapan ni Billie.
"Hindi raw siya papasok ngayon."
"Bakit naman?"
"Timatamad daw siya."
BINABASA MO ANG
Reverted to that Moment
Teen Fiction[Watty Awards 2022 Shortlisted] Samara Angeles is an outcast on her school. She has no friends nor someone to talk to, that's why no one knows about her when she went missing. Early on the other day, a news shocked everyone in her class. A chance to...