A/N:
This is not a chapter.
⏳
P L A Y ▶️
What life lessons did you learn? Especially about fate?
<< MIRA >>
Noong binigyan ako ng pagkakataong bumalik sa nakaraan, aminado akong bukod kay Samara, siya ang una kong naisip. Si Yori, I mean.
Anong natutuhan ko sa pagbalik ko sa nakaraan? 'Wag sayangin ang pagkakataon. Katulad ng sinasabi nilang, "prevention is better than cure" at "nasa huli ang pagsisisi", matutong magtiis para hindi magsisi sa huli. Isa sa pinakamaling nangyari sa buhay ko ang ang ubusin ko ang sarili para mahalin siya. Ay mali, ang magtiwala ulit sa kaniya sa kabila ng panloloko niya sa akin. Ay mali, siguro yung pagiging martir ko. O baka yung hindi pagiging sapat na naging dahilan para maghanap siya ng iba. Ang dami kong 'what ifs' no'n. Hindi ako matahimik. Gabi-gabi akong umiiyak. Kaya ngayon, nagbagong buhay ako. Masakit man, tiniis ko 'yon para iligtas ang sarili ko sa mas masakit pang pwedeng mangyari.
<<GOLDEN>>
"You're stuck in the past. Moving forward might help you ease the pain. 'Wag mo na rin idamay ang iba sa pagiging miserable mo." Narinig ko 'yan sa isang tao. Siya ang nagpabago sa isip ko na saktan si Samara. Tama siya. Ako lang 'tong hindi maka-move on kaya ginusto kong idamay ang iba at hilahin pababa para may karamay ako. Pero hindi na ngayon dahil hindi ako ang dapat na magdikta kung sino ang dapat maging masaya at sinong hindi.
<<AUSTIN>>
Ilang beses sinabi ni Kiel na nagkagusto ako kay Samara. Anong natutuhan ko? Kapag hindi itinadhana, hindi talaga mangyayari kahit pa bigyan ulit ng tsansa. Ang mahalaga, masaya ako sa piling ng asawa ko ngayon. At masaya rin ako para sa kaniya.
<<YORI>>
Bukod sa naitigil ko ang maling gawain ko, na paglaruan ang feeling ng mga babae, natutuhan kong hindi por que nagsisi ay bibigyan na ng pagkakataon. Pinagsisihan ko ang pagkakamaling nagawa ko kay Mira. Noong bumalik ako, pinangako ko sa sarili kong aayusin ko ang lahat pero nabigo ako. Kaya ayun, natutuhan ko ring noong una pa lang ay dapat hindi ko na sinayang ang pagkakataon para hindi ako nanghihinayang nang ganito.
<<ANDY>>
Noong panahong walang-wala na ako at inakala kong wala nang pag-asa, bigla Siya nagparamdam sa akin. Ipinakita Niya na mas malaki Siya kaysa sa problema ko.
"Makakaahon din kami." Iyan ang itinatak ko sa isipan ko pagkatapos ng isa sa pinakamabigat na araw sa buong buhay ko. Nagkaroon ulit ako ng liwanag sa tulong ng mga kaibigan ko at mga pangarap ko para sa pamilya ko. Si Yori, siya ang nagsilbing isa sa mga instrumento para maging posible ang pag-abot sa pangarap kong matulungan at mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Worth it ang lahat ng paghihirap ko. Nag-uumapaw ang nararamdaman ko at lubos ang pasasalamat ko.
<<BILLIE>>
Iba talaga kapag kuntento na sa buhay. Walang babaguhin kahit bigyan pa ng pagkakataon.
Hindi talaga kailangan ng time machine o kahit anong gamit na magpapabalik sa nakaraan. Kasi sa oras na mabago mo ang gusto mong baguhin, may maaapektuhan at maaapektuhan pa rin. At muli, hindi pa rin natin makokontrol ang tadhana. Mas maraming bagay ang hindi natin kontrolado kaya imbes na bumalik, hinaharap na lang ang ayusin.
<<KIEL>>
Siguro ang pinakatumatak sa isip ko pagkatapos ng lahat ng mga nangyari ay alamin ang pinagmulan bago pasayahin ang isang tao. Sinubukan naming pasayahin si Samara pero hindi namin nagawa dahil hindi pa siya tapos sa nakaraan. Tama si Aya, kailangan munang isara ang huling pahina bago magsimula ulit ng panibago.
<<SAMARA>>.
Noong nagbago na ang pananaw ko sa buhay, napagtanto ko na ang pinakamahirap kong ginawa ay ang magpanggap. Ang magpanggap na ayos lang ang lahat at wala akong pakialam. Inakala kong lahat ng kasiyahan ay panandalian lang dahil sa huli, mag isa pa rin tayo. Mag isa pa rin nating haharapin ang mga problema kaya hindi na dapat mag-aksayang magsabi sa iba.Dahil sa maling pananaw ko, sinabi kong sa susunod na buhay ay itatama ko ang pagkakamali ko. Pero naalala ko ang sinabi ni Kiel sa akin dati. Kung totoo man ang sinabi niyang pangalawang buhay ko na ito, hindi ko na 'to sasayangin. Hindi pa huli ang lahat para sa akin at maaari pa akong maging masaya. Time flows for me again after that moment. Muntik na akong sumuko pero may nagpaalala sa akin na hangga't may buhay, may pag-asa.
At ang pinakanatutuhan ko ay hindi ko kailangan ng susunod na buhay para maitama ang mga pagkakamali ko. Pwede na akong magbagong buhay ngayon kung gugustuhin ko. Alam kong mahirap pero kakayanin ko basta patuloy akong kakapit.
Kaya sa mga taong nahihirapan tulad ko noon, kapit lang sa Kaniya. Pramis, hindi ka Niya pababayaan at may plano Siya para sa'yo.
⌛
BINABASA MO ANG
Reverted to that Moment
Teen Fiction[Watty Awards 2022 Shortlisted] Samara Angeles is an outcast on her school. She has no friends nor someone to talk to, that's why no one knows about her when she went missing. Early on the other day, a news shocked everyone in her class. A chance to...