"Samara, ikaw na."
Natuon ang atensyon ng lahat ng nakapalibot sa bonfire sa tahimik na si Samara. Medyo nakayuko ito at nilalaro ang keychain na nakasabit sa sariling bag.
"Samara," sambit pa ni Kiel na ngayon ay katabi na nito buhat noong umalis si Billie para mag-CR.
Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Samara at nagpakawala ng malalim na paghinga bago mag-angat ng tingin. Blangko siyang tumingin sa kanilang lahat na para bang tinatantya ang sasabihin.
"Gusto kong tumakas," panimula niya at lumunok.
Pagkarinig pa lang ni Kiel sa sinabi niya ay kinutuban na ito ng masama. Agad pumasok sa isip nito ang pagmamaltrato sa kaniya at ang pagpapakamatay. Akma nitong tatapikin ang likod niya pero bigla siyanf umayos ng upo kaya hindi na nito natuloy.
"Ayos pa naman siguro siya," sa isip-isip niya at tumingin sa nakayukong si Samara.
"Tumakas saan?"
"Uy, hindi mo pa nga alam kung totoo 'yan o hindi. Patapusin mo muna siya," pagbunggo ni Oliver sa braso ni Maxx.
"Ay gano'n ba? Sige, next."
Huminga ulit nang malalim si Samara at kiniskis ang dalawang palad, "wala na akong maisip."
Dahil sa sinabi niya, nahalata ang pagkadismaya sa mukha ng mga kasama niya. Puno ng kuryosidad silang tumingin sa kaniya.
"Ang daya. Minsan ka na nga lang maglaro, bibitinin mo pa," sambit ni Maxx at pumulot ng maliit at tuyong dahon para ibato sa kaniya pero hindi umabot.
"So, totoo ba yung sinabi mo kanina o hindi?" tanong ni Alyza.
"Hindi siguro. Hindi yata siya komportableng magsabi ng tungkol sa kaniya sa atin," ani ni Kiel at sumulyap sa katabi.
"Kaya nga. Hayaan niyo na. 'Wag na natin pilitin kung ayaw niyqng magsalita," kalmadong sambit ni Oliver at tipid na ngumiti.
Nagpatuloy ang laro at parang naging hangin na si Samara. Hindi siya umalis sa pwesto at tahimik na nanood. Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag dahil sa pakikitungo nila sa kaniya. Hanggang sa pagkakataong ito, wala siyang balak magsalita.
⏳
"Andy, ba't bigla kang umalis sa bonfire kanina?" tanong ni Billie at hinawi ang harang na nagsisilbing pinto ng tent.
Hindi talaga siya pumunta sa banyo pagkaalis sa may bonfire. Sinundan niya si Andy na naunang tumigil sa paglalaro at halatang wala sa mood.
Imbes na boses si Andy ang marinig ay mahihinang hikbi ang bumungad sa kaniya. Inilibot niya ang tingin sa paligid perowala siyang nakitang kasama nito sa loob ng tent.
Mag-isa lang itong nakatalikod habang nakaupo at nakapatong ang kanang braso sa tuhod. Medyo nakatungo ito at nakatakip ang kanang kamay sa mga mata. Napansin ni Billie ang mabilis na pagtaas-baba ng balikat nito.
"Andy, umiiyak ka ba?" gulat niyang tanong at yumuko para pumasok sa tent. Dahan-dahan siyang lumapit sa binata habang hindi nag-iiwas ng tingin.
"Sa sinabi mo kanina,..." pabitin niyang sambit at kinagat ang labi. Hindi niya maiwasang manikip ang dibdib dahil nahalatang mali sa kaibigan, "alin doon ang totoo at hindi? Totoo bang mahirap ka at laging busy? O yung insecure ka yung totoo?"
Hindi nagsalita si Andy. Nagpunas lang ito ng luha sa mata at pagkatapos ay umayos ng upo.
"Andy--"
"Hindi mo naiintindihan. Hindi naman kayo nakikinig," mababa pero matigas nitong sambit habang nakatalikod pa rin.
BINABASA MO ANG
Reverted to that Moment
Teen Fiction[Watty Awards 2022 Shortlisted] Samara Angeles is an outcast on her school. She has no friends nor someone to talk to, that's why no one knows about her when she went missing. Early on the other day, a news shocked everyone in her class. A chance to...