FEBRUARY 15, 2022 | TUESDAY
"Samara!" sigaw ni Kiel habang nakasakay sa motorsiklo ni Austin. Umaga ngayon at nadatnan nila itong naglalakad papunta sa waiting shed. As usual, naka-earphone na naman ito at nakatungo habang naglalakad.
Tumigil silang dalawa sa bandang gilid ni Samara. Bumaba sila mula sa motor at pumunta sa harap niya.
"Good morning!" pagbati ni Austin at matingkad na ngumiti. Ngumiti rin si Kiel pero hindi siya nagsalita at nanatili lang nakatingin sa dalaga.
Akala nila ay babatiin sila ni Samara pero nilagpasan lang sila nito.
"Samara!" malakas na pagtawag ni Kiel na nakakuha ng atensyon ng maraming tao sa paligid nila. Napakagat ng labi si Samara habang nakayuko. Nagtatalo ang isip niya kung lilingon siya para pagsabihan ang binata o hindi. Sa huli ay mas pinili niyang ipagpatuloy ang paglalakad na parang walang narinig.
"Samara, pansinin mo naman kami," pangungulit ni Kiel. Sinundan nila ito hanggang sa paglalakad. Ilang beses pa niyang tinawag sng pangalan nito pero hindi siya lumingon ni isang beses.
Hahawakan sana ni Kiel ang strap ng bag ni Samara pero nauna na siyang lumingon.
"Tigilan niyo nga ako," seryoso niyang sambit. Nagulat sina Austin at Kiel sa inasta niya.
"Kahapon lang nginingitian mo kami, ah. Anong nangyari sa'yo? Ayos ka lang ba?" Akmang lalapit si Kiel para hawakan ang kaniyang noo pero tinabing niya ito.
"Akala ko ba titigilan niyo na ako kapag sumama ako sa inyo kahapon?" irita niyang tanong at humawak sa strap ng bag niya.
Natahimik ang magkaibigan at nagkatinginan.
"Kaya ka ba nakisabay kasa trip namin dahil doon?" hindi makapaniwalang tanong ni Kiel at bahagyang nanlaki ang mga mata.
"Oo," mabilis nitong sagot at seryoso ang tingin.
"Hindi dahil sa nag-enjoy kang kasama kami?"
"Ano sa tingin mo?"
"A-Akala ko--"
"Di kayo marunong tumupad sa usapan."
Natigilan sina Kiel at Austin. Tinanggal ni Samara ang earphone na nakapasak sa tainga niya at nagkrus ng braso.
"Look, maganda ang intens--"
"Maganda? Wala nga kayong ginawa kundi pag-trip-an ako. Hindi nakakatuwa."
"Kung tungkol sa prank ang tinutukoy mo, humihingi kami ng pau--"
Umirap lang si Samara at tumalikod na bago pa man matapos ni Kiel ang sinasabi niya. Para sa kaniya, walang kwenta ang sinasabi ng mga ito. Ibinalik niya ang earphone sa tainga at nagsimulang humakbang.
Hindi pa man siya nakaka-ilang hakbang, muling sumagot si Kiel.
"Kasi gusto kita," pahayag niya at napatingin si Austin, "este gusto ka naming makagraduate."
"Hindi ako babagsak kaya siguradong makakagraduate ako. Kahit di niyo ako lapitan," tugon ni Samara nang nakatalikod.
"Babagsak ka kaya."
BINABASA MO ANG
Reverted to that Moment
Teen Fiction[Watty Awards 2022 Shortlisted] Samara Angeles is an outcast on her school. She has no friends nor someone to talk to, that's why no one knows about her when she went missing. Early on the other day, a news shocked everyone in her class. A chance to...