Erika's POV
Seryoso ba talaga ang narinig ko? Nagpabuntis si Jhema sa ibang lalake at pinaako ke Jess ang bata?
"Ano ba talagang gusto nya at kailangan nyang gawin un? Bakit ba kailangan nyang gamitin ang sarili niyang anak para lang makuha nya ikaw sa amin?" sabi ko sa kanya.
"Siguro dahil akala niya kahit anong nangyari sa ating dalawa na mga pagsubok, makakalimutan ko kayo ng anak natin. Pero nagkamali sya, di ba sinabi ko sau noon, di naman tayo naghiwalay dahil di na natin mahal ang isa't isa, kundi kaya tayo naghiwalay noon ay dahil ng nagkaroon lang tayo ng problema. Kung hindi ba naman tau naghiwalay dahil di natin mahal ang isa't isa di ba natin masusundan si ineng. Di ba baby?" sabi nya sabay himas sa tyan ko. "sigurado ka bang apat na buwan na ang tiyan mo Erika? Bakit parang ang payat mo ngayon? parang ang tyan mo ay mas maliit kesa na noong di ka pa buntis ah."
"Eh kasi naman po nakain nga po ako ang problema ko hanggang ngayon nagsusuka pa rin ako eh. Kahit di umaga nagsusuka pa rin ako. Kung kasama na kita pag-uwi ko malalaman mo ang ibig sabihin ko. Wait nga pala, ikaw ang magluluto ng spaghetti bukas ha?"
"Ako na ang magluluto ng para sa spaghetti ni ineng. SIge ako na bahala sa iyo ha? Aalagaan ko kayong dalawa ng baby natin at tsaka si ineng. Pangako ko yan Erika, ngayon pang may second baby na tayo. Sana lalaki naman yan. Ngaung april dun muna tayo sa Calamba ha? Pahinga ka muna doon. Uuwi lang tau kapag meron kang check up ha?" sabi sa akin ni Jess
"Eh pano ang mga vitamins ko? I mean paano ang pangangailangan naming tatlo doon?"
"Erika start na ako ng pagbyahe sa Monday Kung kinakailangan kong every Saturday at Sunday nasa Calamba ako, gagawin ko. Maalagaan ko lang kayo nina ineng."
"Paano si Jhema? Baka sumugod doon."
"Di mangyayari un. Kapag sumugod un doon ibibilin kita kina Jomar. Habang wala ako sila muna ang mag-aalaga sa iyo. Lalo na kapag nangyari un"
Nakasimangot na ako ng time na un at napansin un ni Jess "Dont tell me ako na naman pinaglilihian mo?" tanong nya sa akin
"Di naman pero syempre di ba klingy ako kahit naman noong nagbubuntis ako ke ineng?"
Jessie POV
Hay naku are namang asawa ko."Para sa atin naman itong gagawin ko eh. Malapit na ang enrollment ni ineng. Hahati naman syempre ako para sa tuition ni ineng. Plus para sa vitamins nyong dalawa, tapos isa pa CS ka di ba? Mahal kaya ang CS. Paghahandaan natin din un."
"Okey po. Pero promise mo sa akin, uuwi ka kapag weekends ha? kahit sa gabi lang ha?"
"Opo, un naman ang aking condition sa company eh. Kailangang makauwi ako sa inyo. At tsaka para sa check up mo." sabi ko sa kanya.
"Tara na nga muna sa CATV. Nagugutom na ulet kami ng baby natin. Ibili mo na kami sa Angel's ng burger tapos kita na lang tayo dun. Diretso na tayo ng Clinic after" sabi niya sa akin.
Naglakad na kami hanggang sa kantuhan ng Julies sa may BNHS. Siya dumiretso na sa CATV at ako bibili na ng burger para sa kanila ng magiging anak ko. Sana kilala pa ako ng panganay ko. Excited na akong makita ko ulet ang anak ko. Baka maiyak ako sa tuwa
1message received:ney(Erika)
palagyan mo ng madaming gulay ha? tapos cheeseburger ha. at tsaka bumili ka na ng tubig
kay ineng anong ibibili natin?
Mamaya na lang si ineng.Himala ata nagpalagay ng gulay si Erika at cheeseburger ang pinabili sa akin. Ang alam ko ayaw ni Erika ng gulay at cheese. Basta ibibili ko na lang baka pa magalit sa akin.
"Dalawang order ng cheeseburger at tsaka dalawang tubig. Pakilagyan ng maraming gulay ung isang order,"
Nung niluluto na ung order ko nag-iisip ako. Di ko kasi akalain na isang taon pagkatapos ng lahat, magiging okay pa kami at magsasama pa ulet sa isang baahay at ngayon ay magkakaanak na naman kaming dalawa
Aalagaan ko silang tatlo hindi dahil sa responsibilidad ko un kundi dahil mahal ko sila.
it maybe is a true story pero eto po ay isang fictionized love story. Halos lahat ng mga sinusulat ngaun ay hindi totoo dahil nga po ng hiwalay na kaami ng asawa ko. Gusto ko lang makapagmove on at eto po ang way ko para makalimutan ang lahat
BINABASA MO ANG
Si Mr. Kulet at si Miss Sunget
RomantikEto ang storya naming mag-asawa. Yun nga lang hiwalay na kaming dalawa ngaun