three

31 0 0
                                    

March 18, 2015  12:11pm

      Andito kami ni ineng sa kwarto. Si ineng tulog na.  Wala kasi siyang pasok bukas kaya patutulugin ko muna. Ako ito nakahiga rin bagong kain. Pero nahihilo ako. Ala baka dahil ng mainit lang. Summer na kasi. Pero teka...kelan ba ako huling nagkaroon? January pa ata ah. Ay hindi December pa. Nagka meron ako ng January pero mahina lang tapos dalawang araw lang yun at tsaka isa pa un lang ang huli kong dinatnan ako

        Hindi kaya buntis ako? Me nangyari kasi sa amin ni Jess noong December eh ang pagkakatanda ko. Patay ako nito. Kelangan ko munang itago kung totoo man ito. Natatakot ako dahil ng galit ang mga mama ke Jess. Aalamin ko muna bukas ng umaga. Kung totoo man pupunta ako ke Dr. Alcoreza bukas. Pag nagbayad ako ng CATV. At itetext ko si Jhema. Kailangang malaman ito ni Jess. Kasi anak naman nya rin itong dinadala ko.

        Ay online pala ang ate ingky ngaun sabihin ko muna kaya sa kanya?

            Ate ingky musta po? May sabit ata po si ineng sa byernes. Pakisabi po kina mama. 

          Ahmmm! ok. si claire din may sabit ngaun

        Ate ingky pwede po ba akong magsabi sa inyo?

      Sige neng basta wag lang pera ha? Wala akong pera ngaun 

       Ate sa tingin ko buntis po ako.

       Aba sigurado ka ga? Kailan ka huling nag ka meron? Kay boy ga yan?

       Di pa po kasi ako nagkakameron mula noong January. Huling nagkameron po ako ay noong December 11 hanggang noong 14. Me nangyari po sa amin ni boy noong 28 fertile po ako noon.

         Naku neng bumili ka ng pregnancy test bukas ng umaga ka magtest. Pag positive punta ka na sa OB mo bukas ha? Ay ingatan mo ang sarili mo ha?

           Opo. Salamat ate. Sa tingin mo ate, matutuwa si Boy pag nalaman nya. 

           Matutuwa yun I am sure baka makipagbalikan un sayo. Sa totoo lang mas gusto ka namin kesa ke Jhema. Ay minahal mo naman kaming lahat di ga? Ay si jhema pakitang tao lang. Lagi na lang nag-aaway ung dalawa dito eh. Ayaw painumin si Boy. Kaya minsan naalis un eh. Tinataguan un pag gusto  noong uminom. 

               Salamat ate ha? Ay sya po pahinga muna ako nahihilo po talaga ako eh

March 19,2015 7:30 ng umaga

              Kagigising ko lang si ineng tulog pa. Wala naman kasing pasok un andito ako sa cr namin. Naghihintay ng test results ng pregnancy test ko. Palihim akong bumili ng dalawang pregancy test kagabi. Sabi ko sa mama bibili lang ako ng tinapay. Oo bumili ako dumiretso na rin ako ng Generica dahil ng kelangan ko talagang malaman kung buntis ako o hindi.

             Oh my God. Positive ang result. Pano to? Buntis din si Jhema sino ang pipiliin ni Jess? sabi ko  sa sarili ko. Lord help me

10:30 ng umaga

       Tinext ko si Jess kani kanina. Sabi ko positive ang aking pregnancy testNagulat siya sa sinabi ko pero maya maya tumawag sya sa akin.

           Ika'y asan ka ngaun?

         Pupunta ako sa bayan. Magbabayad ako sa CATV

         Meron ka bang check up ngaun sa OB mo? Sasamahan kita. Oh my God, anong gusto mong kainin? Nahihilo ka ba?

         Jess hinay hinay sa pagtatanong. Bakit ang excited mo ata? Buntis din si Jhema nasa kanya ka di ba? Bakit parang excited ka pa sa pagbubuntis ko kesa sa pagbubuntis ni Jhema. 

        Basta magkita tau sa plaza. Sasamahan kita. Me pasok ba si ineng ngaun?

         Wala. 

        Ay sya dalhin nyo muna sa mama yan.

        Okay po. Ahmmm gusto ko ng turon Jess. Natatakam ako sa turon ngaun. 

        Oh sige ibibili kita.

Jessie POV"

            Kababa ko lang ng telepono. Tatawagan ko ang mama ngaun

          Hello?

        Mama si Jess po ito

      O utoy bakit?

       Mama katatawag lang po ni Erika sa akin ngaun. Dadalhin po si ineng dyan. Oh my God!!!!

      Buntis nga ba si Ika'y?

      Opo. Magpapa check up daw po sya sa OB niya ngaun

       Ay siya andine na sila. Bibigyan ko na lang siya ng pera utoy Sasamahan mo siya ha?  Ay siya bye na.Ingat kau ha?

       "Sino un Jess?" tanong sa akin ni Jhema

        " Ah mama ni Erika yun. Aalis muna ako ha?"sabi ko sa kanya

           "Naki pag ayos ka na ba talaga sa kanila ano? Bakit?"

          "Tama nga ang hinala ko. Buntis nga si Erika. At alam kong akin ang bata. Matagal ko ng alam Jhema na hindi akin ang batang dinadala mo. Narinig ko ang conversation mo sa ex mo. At alam kong kanya yan. Pagbalik ko Kasama ko na si Erika dahil kukunin ko na ang gamit ko dito." sabi ko sa kanya

          "So ganun na lang un Jess? After kong tumulong sau....."nasampal ko siya.

          "Wala kang karapatan na isumbat yan sa akin. Pwede ko ibalik yan sa iyo maagsisimula na ako sa trabaho. Ibabalik ko sau yan.Wag kang mag-alala. Isasampal ko pa sau."

             Bago ako umalis sinundan ako ni Jhema." Please Jess wag mo kaming iwan. Mahal na mahal kita please."

                Inalis ko ang kamay nya sa bewang ko. at humarap sa kanya "tama na Jhema. Ayoko na. Palayain mo na ako. Di kita mahal okay. Ihanda mo na ang gamit ko. Please, babalik na ako sa mag-iina ko." sabay alis

Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon