14

9 0 0
                                    

Jessie's POV

Pagkatapos ng konting kwentuhan at picturan naming lahat, nagpaalam na kaming dalawa ni Erika. Mag gagabi na kasi baka matraffic na naman kami eh gusto ko pang malambing ang anak ko. Siyempre bago kami pumunta sa luma me pupuntahan pa kaming isa. Tutal naman di ko pa nabibigyan ng bulaklak si Erika, sasamantalahin ko na ang pagkakataon.

"Luv dito ka muna ha sa motor. Me bibilihin lang ako. Madali lang ako." sabi ko sa kanya sabay takbo papunta sa plazza.

Pagdating ko sa mga tindahan ng bulaklak, pumili ako ng pinaka magandang white and pink rose na nakita ko. At bumili ako ng isang boquet ng roses. Sweet noh? hehehe. Pagkabayad ko dumiretso na ako sa Basilica. Pagdating ko doon, nakita ko si Erika, hawak hawak ang tyan nya. So nagpanic ako. Tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Luv okay ka lang? Masakit ba tyan mo? Gusto mo..." sabi ko sa kanya . Pero pinigilan nya ako sa pagsasalita noong niyakap nya aq. "luv naman alam mo namang ayoko na nakikita kitang naiyak di ga? Tumahan ka na." sabi ko sa kanya

"Masaya lang ako Jess. Kasi di ko akalain na aabot tayo sa ganito. Na magpapakasal tayong dalawa." sabi niya sa akin.

Kumalas ako sa pagkakayakap nya sa akin. "Sabi ko sayo noong nasa Cavite pa ako, kaung dalawa lang ni ineng ang mahal ko di ba? Ngaun pa ba na magkakaanak ulet tayong dalawa magdududa ka pa ba sa akin Erika? Mahal na mahal kita Erika. At pinatunayan ko un ngaun di ba?"

Erika's POV 6:30 pm

Andito na kami sa bahay. Nagluluto si Jess ng hiling ko sa kanya na tahong. Andito kami ni ineng ng Sofia the First. Bagong linis ni ineng, kakain lang kami, makikipagkulitan lang siguro sa papa nya tapos tutulog na rin.

I have already posted yung ultrasound picture ng second baby namin. Ang daming natuwa, ang dami ring nagtanong kung kanino ang aking dinadala. Di ko muna sinagot sabi ko check out my status and my new album

Status: Engaged

 Pinost ko na rin ang pictures kanina sa simbahan. Vinideo rin pala ng ate Lea ung proposal nya sa phone ko (na hiniram sa akin ni Jess un pala ang dahilan). Ang daming kiniligsa video namin. Lalo na ung mga kaibigan naming dalawa.

1 message received Jhema

Congrats sa inyo ni Jess, Erika

  Thank you.

Di ko namalayan na pumasok na pala si Jess. Nagrereply pa ako ke Jhema.

"Kain na tayo." sabi nya sa akin

Kumain na kaming tatlo. In fairness nakuha ni Jess ang aking gustong lasa ng tahong. Pero si ineng talaga inaantok na talaga. Napapapikit na talaga siya.


Ring ring me natawag sa phone ko. Di ko alam kung kaninong number. Pero sinagot ko

Hello sino po to?

Erika si Mama Linda ito.

 Tinanong ako ni Jess kung sino ang kausap ko. Sabi ko si Mama. Karga na nya si ineng at dadalhin na nya sa kwarto. Inimis ko lang muna ang pinagkainan namin bago ako sumunod sa aking mag-ama. At iniloud speaker ang cp ko.

 Mama bakit po kayo napatawag

Ayos na ga kayong dalawa ni Boy? tanong niya sa amin

 Mama si boy po ito. Okey na po kami. sabi ni Jess. At magkakaapo na kau ulet sa akin mama.

Oo nga eh sinabi nga sa akin ng Ate Jecel ninyo. Eh kailan kau uuwi?

 Nandyan po kami sa Mahal na Araw.

 Ay tamang tama at miss na miss na namin si Boning. Gising pa ga si ineng? tanong nya sa amin.

 Naku mama tulog na po. Di daw po natulog sabi ng mama ko.

 Ay siya magpahinga na rin kayong dalawa. Baka pagod si Erika. at binaba na niya ang telepono.

"Maaga pa naman luv, gusto mo gang lumabas muna tayong dalawa?" sabi sa akin ni Jess

"Naku Jess baka di na tayo payagan ng mama baka kasi masundan ako. Gabi na, unless kumuha ka muna ng bawang habang nagbibihis."sabi ko sa kanya. Naalala ko nga pala di pa kami nakakabili ng Anmum. Kaya nagbihis na ako.

"Mama pabantay naman po ke ineng. Bibili muna kami ng gatas ko." paalam ko ke mama.

"Baka ka masundan Ika'y" sabi sa akin ng mama.

"Meron po akong dalawang bawang sa aking bulsa. Yun po agad ang naisip ko ."

"Ay siya ingat kayo ha? Wag magpapagabi Ika'y" sabi sa akin ni Mama


Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon