22

10 0 0
                                    

 Thanks po sa pagsuporta sa aking story. I love you guys


March 29, 2015

 Andito na kami sa byahe papunta ng Calamba. Inihahatid kami ng papa papunta ng SM Calamba. Doon kasi kami susunduin ng kuya Ramil papunta sa bahay.

"Ingat kayong dalawa doon ha? Ang iyong appointment ke Dr. Alcoreza ha? Ingatan mo si ineng ha?" bilin sa akin ng Papa. Malapit na kasi kami sa SM Clamba eh.

"Opo papa. Di ko po kakalimutan ang aking mga vitamins pati na rin ang pag-inom ko ng gatas. Ang vitamins naman po ni ineng meron na. Binili po siya ni Jess bago siya bumyahe nong isang araw." pag kagising ko kasi noong 26 nakaalis na si Jess. Pero nagtext siya sa akin na bumili siya ng vitamins at gatas ni ineng para wala na daw ako bibilhin pagdating namin ng Calamba. Well sabon na lang at shampoo un na lang bibilhin ko kung saka sakali.

"Buti kung ganoon." andtio na kami sa SM. Nakita ko na si Haning at si Queen, na nag-aabang na sa aming pagdating pero may pinagtataka ako. Bakit me dala silang bulaklak? Andito ba rin si Jess? Mahilig kasi si Jess sa mga surprise eh.

Tumigil na ang sasakyan at bumaba na kami ni ineng sa kotse. Bumaba na rin ang papa para maibaba ang aming mga gamit na nasa likod ng sasakyan.

"Tita Erika pinabibigay po ito ng tito Boy. Pinabili po sa amin kaninang umaga. Tumawag po siya ke Mama para sabihin po na ibili kayo ng isang buquet ng white rose. Nagpadala po siya ng pera. Kumpleto na rin po ang gamit nyo doon. Meron na po kayong sabon shampoo at conditioner. Umuwi po siya kagabi para po asikasuhin ang lahat, Para daw po wala na kayong bilhin." sabi sa akin ni Haning habang papunta kami sa paradahan ng trycicle kung nasaan ang kuya Ramil

Pagdating namin sa likod biglang me tumawag sa akin. Pagkita ko si Jess pala.

 "Luv asan na kayo ni ineng?" sabi niya sa akin pagkasagot ko ng telepono ko.

"Nandito na kami sa SM luv. Paalis na kami dito. Thank you luv sa bulaklak ha? At tsaka thank you sa mga neccesities na binili mo para sa akin."

"Wala yun luv. Kesa naman bumili ka pa di ba? Makapagpahinga ka naman pagdating mo sa bahay. Siya tetext na lang ako mamaya ha? Byabyahe na ulet kasi kami. Luv u." sabi niya sa akin bago niya ibinaba ang telepono.

 "Ate buti naman at nakauwi na kayo ulet ni ineng. Namiss ka namin lahat lalo si ineng." sabi ni Jessa sa akin. Biglang nakita nila ang aking kamay.

"Hala ka nagkabalikan na nga pala kayo talaga ni boy ah. Kailan pa nagpropose sa iyo si Boy?" sabi ni ate Jecel sa akin.

"Noon pong nalaman po namin na buntis ako noong 18. Sinorpresa niya po ako noong nagpunta po kami sa simbahan na kinakantahan ko po dati. Kinuntsaba po niya ang mga kasama ko po sa choir po namin dati. Yun pong sinabi ko po dati kina Queen dati yun po mismo po ang ginawa niya na proposal." sabi ko sa kanila.

"Jessa eto yung singsing na binili ng kuya mo dati di ba?" tanong ni Ate Jecel ke bunso noong nasa byahe na kami papunta sa bahay.

"Ate pwede ko bang makita ang singsing?" tanong ni Jessa sa akin

Tinanggal ko ang singsing sa kamay ko at binigay ko ke bunso.

Meron siyang tiningnan sa loob ng singsing. "Eto nga ate ang binili ng kuya na pinakita sa atin dati pa noong bago sila naghiwalay." me pinakita sa akin si Jessa sa loob ng singsing. Nakita ko ang initials naming dalawa sa loob ng singsing. Pati na rin ang aming anniversary.

Nagitla ako sa nakita ko. Di ko akalain na ganito pala siyang kasweet. After 10 mins dumating na kami sa bahay. Sinalubong kami nina Mama pagkabukas pa lang ng gate.

Binuhat ni ate Jecel si ineng. Tinulungan naman ako ni Jessa sa pagbaba. Mukhang pinagbilinan eto ni Jess ah.

"Gutom ka na ba Ika'y?" tanong sa akin ni Papa pagbaba ko galing sa tricycle.

"Medyo po Papa. Pero maya na lang po ako ng konti kakain. Gusto ko po lang kainin talaga ngaun ay kahit ano na may kasamang gulay. Nagsusuka po ako kahit po amoy lang ng ulam." sabi ko ke Papa Jess

"Ay siya magpahinga ka muna alam ko pagod ka sa byahe nyo ni ineng. Andtito naman lahat ng mga bata. Kaya marami yang kalaro. Dun na kayo sa ating kwarto ng mga Ate Ingky mo. Lumipat na sila sa bahay nila. Pinaayos na rin yan ni Boy bago kayo umuwi." sabi sa akin ni Papa Jess.


Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon