four

22 0 0
                                    

Erika's POV

Kagagaling ko lang sa school ng mga mama. Pinabantayan ko muna si ineng sa mama. Sabi ko magbabayad muna ako ng CATV at tsaka meron akong bibilhin para sa ingridients ng spaghetti na lulutuin para sa farewell party nina ineng. Pero bakit 2k ang pinadala sa akin ng mama? Me alam na kaya siya sa condition ko? Hala lagot baka magalit sa akin ang mama.

Pag uwi namin ng papa para pumasok ako sa bahay para kunin ang bag ko pati na rin ang baby book ko ke Dr. Alcoreza noong buntis ako ke Neena.

"ikay punta ka muna dine sa tindahan. Aalis ka na ga?" tawag sa akin ng papa

Pagkakuha ko ng bag ko pati na rin ang listahan ng mga ingridients lumbas na ako ng bahay at dumiretso sa tindahan.

"Opo. Baka matagalan po ako kasi pupunta pa po ako ng Budget Lane. Mamimili po kami ng isang co parent ko para sa lulutuin namin bukas." sabi ko sa papa.

"Ay sya are ang 3k pangdagdag sa bigay sa iyo ng iyong mama." sabi ng papa

Ha? tama ba ang rinig ko sa sinabi sa akin ng papa? Parang me alam na ang papa at mama ah?

Papa ni Erika POV

Alam na namin ng mama ni Erika ang sitwasyon nya talaga. At excited na kami sa isa pang apo. Oo tama ang basa nyo tanggap namin na kahit ke Jessie ang bata. Dahil nakipag ayos na siya sa amin noong isang buwan pa.

Pinalabas lang ni Jess ke Erika na nakipagbalikan ito sa dati nyang girlfriend after ng paghihiwalay nila noong isang taon.

"Ay siya ingat ka ha?" sabi ko ke Erika.

Erika's POV

"Sige papa aalis na po ako."

Lumabas na ako ng tindahan namin. At lumiban na ako ng kalsada para sumakay ng jeep papuntang bayan

Jess nakasakay na ako sa jeep. text ko ke Jess

ok po. Ney meron ka bang gusto pang kainin? bukod sa turon?

Ney talaga ha? Parang gusto ko ng manggang hilaw Jess. bakit parang mas excited ka pa sa pagbubuntis ko kesa sa pagbubuntis ni Jhema?

Basta paliwanag ko sau maya pag nagkita tau sa plaza ha. Love u

Ewan ko sau. Basta bilisan mo makikipagkita pa ako sa isang co parent ko after ng check up ko dahil bibili kami ng ingridients ng lulutuin namin para sa Farewell nina ineng bukas

1 message received

Alice:Erika my emergency meeting daw sa day care mamaya.

Alice: Wag daw ipapasa sa iba

ok. susunod na lang ako kasi pupunta pa ako sa ob ko eh

ah ok ingat ka.

Jessie's POV

Papunta na ako sa bayan. Nakabili na ako ng mangga sa palengke para ke Erika. Grabe naman ang babaeng yun, ay mas suplada pa kesa noong hindi buntis eh. Buntis eh kaya mainitin ang ulo eh hehehe

Nagsabi ako ng I love you sa kanya noong nagreply ako sa kanya ngaun lang. Hehehe. Mahal ko pa rin naman siya eh. Kaya binabalikan ko siya ngaun. Sana lalake ang magiging pangalawa naming anak. Excited na ako para sa bata.

"Para kuya." sigaw ko sa driver. Pagkababa ko sa jeep naglakad na ako papunta sa Neo's Pharmacy. Doon kasi merong turon eh. Dalawa na ang bibilhin ko Baka maya supladahan lalo ako kapag isa lang ang aking binili. hehehe.

asan ka na? Gutom na ako. text ni erika

Naglalakad na ako papunta ng plaza

Hay naku ang suplada talaga ng isang to. Pero dinadala naman nya ang anak ko eh. At alam kong akin talaga ung isang un eh. Di sa ibang tao na ipapaako lang sa akin.

Nakita ko na si Erika inip na inip na. Alam na alam ko sa pag kakaupo niya sa upuan.

"Asan na ang turon ko?" tanong ni Erika sa akin

"Are na po. binilhan na rin kita ng Royal. Dalawa na ang binili ko baka lalo ka nang magalit sa akin eh." sabi ko sa kanya sabay akbay sa kanya at himas sa tyan nya "Hi baby, si papa to. Mahal na mahal ko kaung tatlo ng ate mo at tsaka ng mama mo. Aalagaan ko kau ng mama mo pati narin ang ate mo"

"Jess di ba buntis na rin si Jhema? Eh bakit....." tanong nya sa akin

"Di akin ang dinadala  ni Jhema Erika. Nakipag sex sya sa ex nya at pinalabas na akin ang bata. Ginamit nya ang dinadala nya para mapauwi nya ako mula sa Cavite . Pero di nya alam nakikipag ayos na ako kina mama at papa Erika.

Erika's POV

Tama ba ang naririnig ko? Di sa kanya ang dinadala ni Jhema?

"mukhang kinain niya ang sinabi niya na ginamit ko si ineng para makuha ka lang ngaun bumalik sakanya ang lahat ng sinabi niya."sabi ko Jess sabay kagat sa turon na dala nya para sa amin ng baby ko

"pagkagaling natin sa budget lane kukunin natin ang gamit ko sa bahay niya. Gusto kong alagaan ang tunay kong mag-ina. Pwede ba un Erika?' tanong sa akin ni Jess

"Eh paano ang atraso mo sa mga mama?" sabi ko sa kanya

"Di mo ba ako narinig? Nakipag ayos ako sa pamilya mo ng palihim noong makabalik ako dito sa Batangas Erika. Kasi narealize ko noon, baka nga buntis ka." sabi niya sa akin.

"Salamat Jess ha. Ay siya ikaw ang magluluto ng spaghetti ni ineng ha?" sabi ko sa kanya.

"Oo ba."

"At tsaka dumaan tau sa Mang Inasal ha bago tau pumunta sa clinic ni Dr. Alcoreza. Bitin pa ako sa turon eh."

Sabay tawa sa akin ni Jess

In fairness habang nakikinig sa mga kanta ni Britney Spears at sa pagsusulat ng aking sariling love story nakakalimutan ko ang ex ko. Hay kahit papaano naman nagiging ayos ang lahat sa akin

Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon