13

11 0 0
                                    

Erika's POV

Teka nga muna. Bakit kami tumigil? At andito kami sa Basilica.

"Luv bakit andito tayo sa Basilica?"tanong ko ke Jess

"Gusto ko muna tayong dalawang magpasalamat sa Diyos kasi nga di ba nagkabalikan tayo at bibiyayaan ulet niya tayo ng isa pang supling di ba?" sabi sa akin ni Jess sabay alalay sa akin sa pagbaba sa motor.

"Eh luv para namang sarado ang simbahan eh...." Ha? Nasan yun?

Hinanap ko siya.Sa motor wala. IHHHHH tinatakot ako nito eh. Ayaw ko ng iniiwanan eh. Pero ng malapit ako sa motor, me naririnig ako na tugtog ng piano. Parang me nagprapracktice sa loob ah. Hay intayin ko na nga si Jess sa me pinto.

Pagdating ko sa me pintuan ng simbahan, biglang bumukas ang pinto. Tooo ba to? Nagsimula na akong maglakad papasok ng simbahan. Me napansin agad ako, me mga petals ng white rose sa dinadaanan ko. At biglang nagsimula ng tumugtog ang piano ng simbahan. At biglang kumanta ang choir. Boses nina Ate Lea at ng Kuya Danilo tong mga to ah. Kinakanta ang thinking out Loud.

OMG

ano to?

Jessie's POV

Nagsisimula ng maglakad papunta sa altar si Erika. Nagtataka na siya, bakit siguro merong mga white roses na petals sa sahig. Bakit boses ng mga dati nyang ka choir ang nakanta. Kinakanta ang favorite song niya, na noong una kong narinig ang kantang ito siya rin ang naiisip ko kaya isa ito sa mga requests ko na kantahin nila. Mahaba ang aisle na nilalakaran ni Erika. Kaya apat ang pinakakanta ko kina Sir Ed at sa mga ka choir nya dati. Thinking out Loud, All of Me, Panunumpa, at ang huli ay ang aming theme song, Always be my baby. Tinutupad ko ngaun ang dream proposal nya. After almost six years naming relasyon, ngaung araw na to, meron na akong lakas ng loob na magpropose sa kanya. Sa harap ng Panginoon, saksi ang mga dati nyang ka choir.

Kinakabahan na ako, kasi palapit na ng palapit si Erika. At nasa ikatlong kanta na ang choir. Favorite nya ito na kinakanta sa simbahan pag me kinakasal sabi ni Sir Ed un sa akin so pinakanta ko sa kanila un. Nagtext sa akin si Ate Lea, isang ka choir dati ni Erika,"Jess, tatlong upuan na lang si Erika humarap ka na." sabi nito sa text

Erika's POV

Lahat ng kanta na paborito ko ay kinakanta ng choir, lahat ng sinabi ko kina Haning noong minsang nag-usap kami tungkol sa dream proposal ko andito na sa harapan ko.

Malapit na ako sa altar, at nakita ko na si Jess. Ngayon ay theme song na namin ang kinakanta ng mga ate. Pagtapat ko sa kanya biglang tumigil ang choir, tumigil si Sir Ed sa pagtugtog ng piano.

"Jess......"magsasalita pa sana ako pero pinigilan akong magsalita ni Jess.

"Erika, sa loob ng halos anim na taon, pinag-isipan ko tayo ba talagang dalawa sa isa't isa. Pero habang tinatanong ko ito sa sarili ko, sinasagot ako lagi ng lahat, kahit ng Diyos, Utoy di mo ba napapansin never ka niyang iniwanan. Kahit na noong nalaman nya na nagamit ka noon? Nambabae ka na nga at lahat pinatawad ka pa rin nya di ba? At ngaung taon narealize ko ay oo akin ka nga talaga. Kasi bukod sa magkakanak na tayo, pinatawad mo ulet ako luv."

"Tinatanong mo ako lagi, Luv, kelan ba tayo magpapakasal? Sa loob ng 4 na taon na magkasama tayong dalawa tinatanong mo ako lagi ng ganyan. Ang lagi kong sagot sau, magbago ka muna ng ugali at dadating tayo sa puntong yun. Ang totoo, matagal ng merong singsing ako pinagawa luv." sabi nya sa akin, sabay labas ng isang kaheta sa kanyang bulsa. Nagsigawan ang mga ka choir ko sa taas, pagtingin ko sa kanila sa itaas. Si Sir Ed naman tumugtog naman ng wedding march.

"Erika Kristine Marquez Andaya, pwede ka bang maging legal at nag-iisang Mrs. Erika Kristine Dacuma?" tanong sa akin ni Jess nakaluhod at sabay bukas ng kaheta. Laman ang isang simple pero napakagandang singsing.

Noong una di talaga ako makaimik sa tanong nya. Pero naisip ko eto na yung katuparan ng mga pangarap ko eh. Para sa amin ng mga anak ko ito eh. At tsaka mahal na mahal ko si Jess. " Yes Jessie, I will marry you." sabi ko.

Biglang nagsimula ulet kumanta ang choir namin, sinimulan ulet ang Always be my Baby. Pagkalagay ni Jess sa akin ng singsing tumaas kami sa choir loft para pakinggan ang aming theme song na kinakanta ng mga dati kong kachoir.

You'll always be apart of me

I'm part of you indefinitely

Girl don't you know you cant escape me

Oh darling cause youralways be my baby.

Yun ang isa sa mga sweet na proposal na nakita ko at ngayon ay engage na ako sa taong ito na nasa harapan ko na kumakanta kasama ng mga ka choir ko dati. Natatawa ako ke Jess. Kasi kahit sintunado siya game pa rin siyang makipagkantahan sa mga ka choir ko.

After ng kanta ng mga ito kinausap kaming dalawa ni Sir Ed at syempre ng buong choir.

"Congrats sa inyo Erika ha."sabi sa akin ni Ate Lea

"Wag mo tong lolokohin Jessie ha?" banta sa kanya ni Kuya Danilo.

"Teka pala luv, di makukumpleto ang choir na ito kung di mo makikita ang kaibigan mo." sabi sa akin ni Jess

"Sino Luv?" tanong ko sa kanya. Sina Sir Ed nakangisi lang. Si Ate Lea at sina Ate Melanie nakanguso sa likod ko na para bang may tinuturo.

Nang meron akong narinig name kumanta nito. "jingle bells, jingle bells jingle all the way." Nagtaka naman ako, malapit na ang mahal na araw pero me nangangarolling. Teka kilala ko ang boses na yun ah.

Pagtalikod ko andun si Randy o ang tawag namin noon sa kanya ay si JB. Pero ang tawag ko sa kanya ay si Lolo ko.

"Lolo ko!!!!!" sabi ko pagharap ko sa kanya.

"Wow naman akala ko di mo na ako tanda eh. Uy, pareng Jessie, wag mo na ulet itong lolokohin ha? Kami ang makakalaban mo."sabi nya.

"Pangako ko sa inyong lahat di ko na talaga lolokohin si Erika." sabi sa kanila ni Jess sabay lapit sa akin at ako ay inakbayan.


Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon