20

11 0 0
                                    

Ang hirap kasi sa mga lalaki (di ko naman nilalahat) di makontento sa iisang babae lang eh. Minsan me anak na titikim pa ng iba. Aba hoy, magtino naman kayo. Aba nauuso na ang karma baka akala nyo

Jessie's POV

Andito na kami sa bahay. Si Erika mukhang napagod nakatulog. Habang kami ni ineng nagpipicture sa kanyang cellphone. Siguro pag katulog ni ineng dun kami bibili ng cp ko. Para magkausap kami at magkatext pag nasa byahe na ako and most especially pag nasa Calamba na sina Erika.

Nag pop up ang viber ni Erika. Si Joyce pala natawag.

"Neena dito ka muna ha? Nood ka muna ng tv." sabi ko sa anak ko. Sabay labas ng bahay. Di kasi pwedeng marinig ni Erika ang sasabihin ko. Surprise ko sa kanya

"Hello Joyce, May 8 nga ba ang uwi mo?" tanong ko sa kanya

"Oo eh. Eh naayos mo na ga ang sched sa judge? " tanong niya sa akin.


"Oo, okay na naman ang birth certificate, ung seminar sa Calamba na lang at tsaka ung CENOMAR na lang at tsaka Marriage Licence. Pag kasi kinuha na pareho yun na ayos na ang lahat baka makahalata si Erika eh." sabi ko ke Joyce

"Basta ang hiling ko sa iyo, wag mo na ulet lolokohin si Erika ha? Aatend ako sa kasal ninyo. May 15 di ba? Basta sa church wedding maid of honor ako ha?" sabi sa akin ni Joyce.

Erika's POV

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Ang una kong nakita ay si ineng, na nakaunan sa tiyan ko.

"Bebe asan ang papa?"

Sasagutin na sana ako ng anak ko ng pumasok si Jess. "may kinausap lang ako Luv. Ginamit ko na ang cp mo. Sorry." sabi niya sa akin sabay halik sa aking pisngi.

"Ok lang luv. Pero syempre kailangan nating bumili ng cp mo dahil syempre buntis ako ngaun luv. Baka maya may mangyari sa amin...." di ko na natuloy ang sinasabi ko kasi nilapat na niya kasi ang hintuturo nya sa bibig ko.

"Pababantayan natin pagdating ng mama si ineng. Punta tayo ulet ng SM kasi nga bibili po ako ng cp ko luv kasi nga yan ang aking iniisip eh. Ang hirap kasi na malayo ako sa inyong tatlo. Kung kinakailangan nga na umuwi ako sa bahay gabi gabi para lang mabantayan ko kayong tatlo gagawin ko eh ang problema maaga ang byahe kinabukasan eh. Pero promise ko sa iyo pag bumaba kami sa bus sa terminal, loloadan kita at tsaka magloload ako para lagi tayong magkatext kasi nga medyo maselan ang pagbubuntis mo eh." sabi sa akin ni Jess.

"Basta maging okay ka sa trabaho ha? Wag ng pasaway ha? Magiging dalawa na ang anak natin. Tapos baka ma cs na naman ako. Malaking gastos un." sabi ko sa kanya.

Me kinuha si Jess sa bag nya. Isang passbook. "Luv, eto tingnan mo to." sabi nya sa akin.

Nagulat ako kasi nakapag ipon pala siya. P200,000. "Kahit naman sabihin na nagbibigay ako sa bahay at nagdroga ako noon unti unti nag-iipon ako para sa ating tatlo luv. Ang alam noon ni Jhema nag-iipon ako kasi pakakasalan ko siya at siyempre sa panganganak nya. Nakita na nga nya yang singsing mo eh kaya naka pag status siya noon na "kahit di sa simbahan mahal basta makasal tau". Kasi akala nga nya kanya ung singsing. Pero kung mapapansin mo sa loob ng singsing, naka engrave ang ating anniversary patu na rin ang ating intials."

Magsasalita pa sana ako noong narinig namin ang mama. "Kamusta nga pala ang graduation nina Neena, Jess?" tanong nya kay Jessie noong pumasok siya sa kwarto namin.

"Ayos naman mama. Mama, pwede ga pong pabantay muna po ke ineng? Bibili lang po kami ng cellphone ko. Pati po siguro tigisa pong pocket wifi. Isa po sa akin at isa po ke Erika. Mahirap na po dahil po ng maselan ang pagbubuntis ni Erika. Baka po pag umuwi sila sa Calamba eh me mangyari sa kanila ng bata eh wala ako doon." sabi sa kanya ni Jess.

"Oo naman utoy, sige punta na kayo sa SM. Para maaga din kayong makapagpahinga. Alam ko pagod kayong tatlo."sabi sa amin ng mama

#DearSeLf in fairness ha, payat ka na at ang ganda ganda mo. Push mo lang yan te ha? Para sa pasukan, ngangabells ang lolo mo. #boompanesss




Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon