Jessie's POV
Andito na kaming lahat sa cashier, para magbayad na ng pinamili namin para sa Farewell nina ineng. Ang dami naming pinamili. Well sabi naman nila marami rin naman kasi ang kakain kasama kasi ang panghapon eh.
Pinaghati hati na rin ng mga kagrupo ni Erika ang mga ingredients. Sa bahay kasi magluluto bukas ng umaga eh. 1pm kasi ang Farewell ng mga bata. Pagkatapos na rin ng lahat naghiwahiwalay na kaming lahat. Kami naman ni Erika well, me gyerang pupuntahan. Kukunin na namin kasi ang gamit ko sa bahay nina Jhema eh. Ano kaya ang mangyayari kapag nagkita ang dalawang to?
Andito na kami sa jeep papunta ng Cuta. Ako ang kinakabahan eh dahil nga ng parehong palaban ang dalawang to. Pero sa likod ako ni Erika kasi siya ang ina ng anak ko at mahal ko.
"kuya para po" sabi ko sa driver.
Naglalakad na kami papunta sa bahay nina Jhema. Maya nakita ko ang mama ni Jhema, kasama ang anak nito.
"Nasan po si Jhema?"tanong ko sa kanya
"Ay utoy nasa bahay. Pumasok ka na. Parang naghahanda ata ng pagkain nyo o parang hinahanda niya ata ang gamit mo. Bakit magsisimula ka na ga Jess ng trabaho?" sagot niya sa akin
Di ko na siya sinagot pero halata ko na nakatingin siya sa amin ni Ika'y habang papasok kami sa bahay. Hawak ko kasi ang kamay ni Erika eh.
Pagpasok namin sa loob nakita ko si Jhema na nanonood ng t.v. "Mahal, nandyan ka na pala. Kumain ka na ba?" yayakapin niya sana ako pero napatigil siya noong nakita niya si Erika
"Anong ginagawa nyang babaeng yan dito sa bahay ko?" akmang sasabunutan niya si Erika buti na lang sumangga ako.
"Ge madampian lang ng kamay mo ang kahit anong bahagi ng katawan ni Erika, makakatikim ka sa akin Jhema."sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa kwarto para ayusin ang gamit ko
Erika's POV
Sa totoo lang nahihilo na ako pagdating pa lamang namin sa loob ng bahay. Di ko lang sinasabi ke Jess kasi baka mag-alala yun. Di pa mapadali ang pag-iimpake nya ng gamit nya. Pero bukod doon ang kinatatakot ko ay ang gagawin sa akin ni Jhema.
"Sigurado ka bang buntis ka? Di ba sabi mo sa akin di ka na mangugulo? Eh ano tong ginagawa mo ngayon?" mataray na sabi sa akin ni Jhema.
Nilabas ko ang print out ng ultrasound ko. "Yan ang ebidensya Jhema. Kailangan pa rin naman sigurong malaman ng "ama" ng dinadala ko na pinagbubuntis ko ang pangalawa naming anak di ba? Bakit ikaw nga pinapaako mo ke Jess ang di naman sa kanya di ba? Mas may karapatan ang mga anak ko sa kalinga ng isang ama Jhema. (Shit nasusuka na talaga ako)."akmang sasampalin ako ni Jhema pero tumayo ako at hinawakan ang kamay nya. Di para pigilan ang kamay nya kundi upang magpatulong sa kanya papunta ng kusina.
"Jhema(sabay hawak sa bibig ko) asan ang kusina nyo, please lang kung ayaw mong masukahan kita." sabi ko sa kanya. at tinuro nya sa akin ang kusina. Tumakbo na talaga ako at dumiretso na sa lababo. Sinuka ko na ata ang lahat ng mga kinain ko mula noong nasa clinic ako ni Dr. Alcoreza
Jhema's POV
Sa totoo lang gusto ko ng sampalin si Erika kanina pa. Pero noong nakita kong naduduwal na talaga siya, nag-iba na ang aking ihip ng hangin. Tinuro ko na talaga ang kusina namin. Ayun nagtatakbo na siya sa lababo.Naalala ko noong una akong nagbuntis, ganyan din ako hanggang noong nag six months na ang tiyan ko doon lang tumigil.
Maya maya narinig ko na lang may kumalabog. Pag punta ko sa kusina, nakita ko si Erika nakahiga na sa sahig.
"Kuya Jeff pumasok kau dine patulong naman. Ung asawa ni Jess nahimatay." sabi ko sa pinsan ko na nasa labas. Pumasok ito at binuhat si Erika sa sofa
Ako naman kinatok ko si Jess na nasa kwarto."Jess, di ka pa ba tapos mag-impake?"
Maya maya binuksan ni Jess ang pinto. Tapos na pala itong mag-impake "Bakit ba?" maya maya naibaba niya ang kanyang gamit noong nakita nya si Erika na nakahiga sa sofa.
"Sa tingin ko kanina pa siyang nahihilo Jess nung bago ka pa pumasok sa kwarto. Nag-aaway kami kanina noong akma ko siyang sasampalin tmayo siya. Akala ko ako ang sasampalin niya. Pero maya maya sabi niya sa akin saan ang kusina."
"Luv? Gising na. Ano ba nangyari sau? Uy uuwi na tayo." Nakita ko si Jess na umiiyak na. Ngaun ko lang siya nakitang umiyak sa totoo lang ang swerte ni Erika.
Maya maya tumayo siya sa tabi ni Erika at may tinawagan
BINABASA MO ANG
Si Mr. Kulet at si Miss Sunget
RomanceEto ang storya naming mag-asawa. Yun nga lang hiwalay na kaming dalawa ngaun