12

17 0 0
                                    

Me nagsabi sa akin minsan "Ate napakabait mo na napatawad mo ng ganun na lang ang Kuya Jessie." Alam nyo kung bakit? Kasi para sa anak ko naman ang ginawa ko eh. Gagawin ko ang lahat para lang sa anak ko pero ngaun na iniwanan na naman nya kami, at paulit ulit nyang ginagawa un ang hirap na ulet magpatawad. Nasaktan na ako ng paulit ulit eh.

Well anyways sorry ngaun lang ulet ako nakapagsulat. Ang hirap magconsentrate sa isang bagay na alam ko na minsan maalala mo siya o kaya ay wala ka talga sa mood di ba? Well enjoy po

Erika's POV

Well andito pa rin kami sa byahe papunta sa palengke.Traffic kasi dahil nga ng putol ang isang tulay. Ayaw kasing bilisan ni Jess ang motor. Nag-iingat daw baka kung ano ang mangyari sa amin ni baby eh(kilig naman ako). Pero habang daan ang pinag-uusapan namin ay ang future naming apat.

"Pakakasalan kita luv, bago maipanganak ang second baby natin. Bago magpasukan maikasal tayo para legal ng Dacuma si ineng pati ikaw. Para benifficiary ko na kayong tatlo. At diretso sa iyo ang sweldo ko." sabi ni Jess sa akin.

"Seryoso ka luv?" tanong ko sa kanya

"Seryoso ako Erika. Noong isang taon ko pa plano ko na talagang pakasalan ka. Sorry lang talaga kasi nagloko ang asawa mo ha? Sana masaya pa sana tayo at wala sanang naging Jhema sa buhay natin. Pinapangako ko sa iyo Erika magbabago ako. Kahit sa huwes muna tayo ikasal. Okey lang ba yun sau? Aayusin natin ang lahat habang nasa Calamba ka. Doon tayo magpapakasal at least me tutulong sa atin sa pag aasikaso. Kung dito sa Batangas baka kung ano mangyari sa inyo ng bata eh." sabi nya sa akin.

"Okey lang Jess. Kahit saan naman okay ako eh. Basta maging okay tayong tatlo eh. Tamang tama rin naman uuwi si Joyce sa May eh. Di meron tayong masasabi sa kanya di ba? Magiging masaya un sa ating dalawa." sabi ko maya maya napatigil ako. Nasa palaza na pala kaming dalawa at malapit na rin sa Basilica. Napatingin ako sa kamay ko.

Napaisip ako. Totoo na kaya talaga to? Kahit naman sabihin na marami na kaming taon na magkasama, gusto ko pa rin naman ng proposal di ba? Isa pa nangangako na naman siya sa akin. Paano kapag di ito totoo? Kawawa na namnan kami ng mga anak ko.

Jessie's POV

Andito na kami sa Basilica. Di napansin ni Erika na noong tumahimik sya niliko ko ang motor at dumiretso kami sa Basilica. Me surprise kasi ako sa kanya. Alam ko iniisip nya na pangako ako ng pangako pero wala pa ring kasiguraduhan kasi wala pa ang singsing. Pero ang totoo may surpresa ako sa kanya.

December 28,2013

Andito kami sa Calamba. Dito namin kasi sinecelibrate ang Bagong Taon kasama namin ang pamilya ko. Andito kami sa kwarto kasama ko sina Erika. Si ineng kanina pang tulog. Me pinakita sa aming isang wedding proposal si Erika.

"Ang sweet ano Jessa?" tanong nito sa aming bunso

"Oo ate sobrang nakakakilig." sabi sa kanya ni Jessa

Nag-uusap pa silang dalawa ako naman natatahimik sa mga pinag-uusapan ng dalawa. Ang nasa isip ko, ano nga ba ang gustong wedding proposal mismo ni Erika. Sa totoo lang matagal ko ng pinaplano na magpakasal na kaming dalawa. Nalaki na kasi si Neena eh. di pa sa akin nakapangalan ang bata.

Hanggang sa nagkayayaan sina Erika at ang aking mga pamangkin na mag jogging bukas ng madaling araw sa isang park dito sa Calamba na medyo me kalayuan din sa bahay.

Erika's POV

Well ako muna kasi me part din naman ako sa flashback na to di ba? hehehe

Lumabas kami nina Haning, Queen at Toto para bumili ng kape. Kasi nga magjojogging nga kami bukas ng umaga. Bumili na rin kami ng tinapay.

"Tita ikaw, kung ikaw ang tatanungin ano yung dream mong wedding proposal kung magpropropose sa iyo ang Tito?" tanong sa akin ni Toto.

"Yung totoo? Gusto ko me background music. Ang kakanta ay ang aking mga dating mga ka choir. Sa isang simbahan sa Batangas. Un bagang pupunta kami ng tito mo doon. Tapos di ba nandun kami sa me pinto, tapos biglang mawawala ang tito mo at biglang sasara ang pinto ng simbahan. Pagbukas, meron nang mga petals ng white rose sa aisle papunta sa altar."minustra ko pa tapos sabay tigil sa kalsada.

"Tapos bukod sa white petals merong mga tangkay ng white rose sa mga upuan ng simbahan malapit na sa altar. At ang nakalagay sa mga card doon ay "Will you marry?" At ung huling white rose ay nasa tito nyo na nasa altar na. Biglang tutugtog ang choir ng aming favorite song. Yun ang aking dream proposal. (kilig much)" sabi ko sa kanila

Jessie's POV

"Yung totoo? Gusto ko me background music. Ang kakanta ay ang aking mga dating mga ka choir. Sa isang simbahan sa Batangas. Un bagang pupunta kami ng tito mo doon. Tapos di ba nandun kami sa me pinto, tapos biglang mawawala ang tito mo at biglang sasara ang pinto ng simbahan. Pagbukas, meron nang mga petals ng white rose sa aisle papunta sa altar. Tapos bukod sa white petals merong mga tangkay ng white rose sa mga upuan ng simbahan malapit na sa altar. At ang nakalagay sa mga card doon ay "Will you marry?" At ung huling white rose ay nasa tito nyo na nasa altar na. Biglang tutugtog ang choir ng aming favorite song. Yun ang aking dream proposal. Tito yan ang dream proposal ng Tita Erika

Yan ang text sa akin ni Haning ngaun lang. Madetalye pero at least alam ko na kung ano gusto nya

"Kuya ngaung alam mo na ang gusto ni Ate Erika, eh asan ang singsing?" tanong sa akin ni Jessa.

"Ano ka ba bunso. Di mo ba alam na bago pa nagsimulang magsama yang dalawa meron na talagang singsing na nakatago ang kuya mo? Di ga Boy?" sabat ng Ate Loida

"Oo na meron na nga. Matagal ko na naman talagang gustong pakasalan si Erika. Nag-iipon lang ako ng pera. Ngaun lang ako nagkalakas ng loob na gawin ito kasi nga stable na ang aking trabaho. Yun nga lang....." di ko masabi kahit sa mga kapatid ko na nagamit ako. Kasi siguradong lagot ako sa mga to.


Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon