16

14 0 0
                                    

Well here I am, magsusulat ngaung gabi sa tenga ko naririnig ko ang mga kanta ng The Corrs. Well enjoy

Jessie's POV

March 20,2015 5:30am

Nag-alarm na ang cellphone ko pati na rin ang cellphone ni Erika. Nauna akong nagising. Ok lang, kelangan naman ng pahinga ng asawa ko di ba? Siguradong pagod na pagod to ngaung maghapon. Bukod sa Vice President sya ng PTA ng Day Care, Culminating Activity/ Farewell nina ineng. Madaming gagawin sila ngayong araw na ito.

"Aba Jessie, anong aga mo namang bumangon utoy." sabi sa akin ni mama pagkalabas ko ng kwarto(nakashorts na ako ngaun at me t-shirt na)

"Ay opo. Maaga po akong maglilinis dahil po ng di ga po ay magluluto sina Ika'y dito sa bahay para mamaya?" sabi ko sa kanya

"Ay oo nga pala. Tulog pa ga si Erika at si ineng?" tanong nya sa akin.

"Opo." sabi ko

"Ay siya utoy, mamayang tanghali magtetext ako ke Ika'y. Umorder kasi ako ng isang bilaong puto. Ikaw na lang ang kumuha....." natigil si mama kasi narinig namin na bumukas ang pinto namin at lumabas doon si Erika, pumunta sa cr.

"Naku, susuka yun." sabi nya sa akin.

"Ako na po ang bahala sa kanya mama. Pumasok na po kayo at baka malate pa po kayo. Traffic pa po ata." sabi ko at pumunta muna ako sa kusina at kumuha ng baso ng tubig bago ako pumasok sa loob ng cr.

Erika's POV

March 20,2015 5:40am

Nagising ako kasi noong yayakapin ko si Jess, napansin kong wala siya sa tabi ko. Pagbangon ko naman sa kama, naramdaman ko naman na nasusuka ako. So tumayo na ako at binuksan ang pinto. Pagbukas ko naman nakita ko sina mama at si Jess nag-uusap. Tumakbo na ako ng cr kasi nasusuka na talaga ako.

"Ako na po ang bahala sa kanya mama. Pumasok na po kayo at baka malate pa po kayo. Traffic pa po ata."narinig kog sabi ni Jess

Maya maya natapos na din akong sumuka. Yun ang akala ko, kasi noong pumasok ng cr si Jess, sumuka na naman ako ng isa pa. Buti na lang ay may dala siya na tubig so nakainom ako ng tubig. I felt exhausted.

"Kelan ba talaga to titigil? Ayoko ng ganito ako sa umaga eh." umiyak na talaga ako. Nahihirapan na kasi ako eh.

"Konting tiis lang luv ha? Di ba sabi ni Doc kahapon sadyang ganyan ang mga buntis?" pag coconsole sa akin ni Jess.

Buti na lang at may mag-aalaga na sa akin ngaun.

"Papa, papa," si ineng nagising na. Naalimpungatan siguro na wala kami pareho sa tabi nya.

"Gising na si ineng, hinahanap ka na ng anak mo luv."sabi ko sa kanya. sabay tawa naming dalawa. Inalalayan ako ni Jess na tumayo. Umuna na akong lumabas. Siya kasi ang magbubuhos ng suka ko sa bowl eh hehehehe.

Paglabas ko ng cr, nakita ko si ineng sa labas ng pinto naiyak. Hinahanap si Jess.

"O, bakit naiyak ang aming baby." si Jess ang nagsalita. Di ko napansin na nakalabas na sya.

"Papa!!!!!" sabi ni ineng sabay yakap sa kanyang papa

Maya maya humiga na ulet ang dalawa. Ako naman nagpunta muna sa aming aso. Maglalakad muna kaming dalawa dine sa may kalsada sa aming tabi. Exercise ko rin naman sa umaga.

"Luv? Asan ka?"tawag sa akin ni Jess

"Andito ke hunter luv." sabi ko sa kanya

Maya maya ay nasa labas na ng pinto ito. "Anong gusto mong kainin?" tanong niya sa akin.

"Gusto ko ng corned beef, na may hotdog tapos isang pritong itlog." sabi ko sa kanya.

"Aba ang dami atang gustong kainin ng asawa ko." sabi sa akin ni Jess

Tumawa na lang ako at maya maya ay lumabas na kaming dalawa ni Hunter. Gusto ko rin namang mapag-isip isip lahat ng nangyayari sa buhay ko ngaun. Sino nga ba naman ang mag-aakala na after a year, magiging ok kami ulet dalawa di ba?



=======Fast Forward==========

Andito ako sa Day Care Center. Nag-aayos ng room kung saan kami ay magkakaroon ng Culminating Activity mamayang hapon.

"Ay oo nga pala Vice, congratulations!! Alam na namin ang good news sa inyo ng Panginoon." sabi ni Rose, isang guardian ng isang batang kaklase ni ineng.

"Thank you." sabi ko sa kanya.

"Aba ay napakagwapo pala ng iyong asawa Tita Erika. Nagitla ako kahapon eh, akala ko eh kung sino ang pumasok sa Day Care. Maya maya bumulong sa akin si Roxanne. Ang sabi sa akin, Mam Liza mukhang yan po ata ang papa ni Neena kasi nga kamukhang kamukha ni Neena eh." sabi sa akin ni Mam Liza

Lumapit ako sa kanya, "Galing po kasi noon ng bayan, nag pacheck up po ako. Tapos namalengke, tapos po eh nagpunta doon sa bahay ng ex nya para kuhanin ang ........"napatigil ako kasi hinawakan ni Len Len, kaya pati na si Rose at si Mam Liza ay napatingin na rin sa kamay ko.

"Ate Erika, engagement ring po ba yang nakikita ko sa kamay mo?"sabi sa akin ni Len len.

"Yes, I am officially engaged." pagmamalaki ko sa kanilang lahat.

 Here I go again feeling the bad vibes. Ewan ko ba, mahal ko talaga siya eh. Pero pagdating sa June I will have my sweet revenge. I losing weight and I love it.

F.Y.I. ang mama ko po ay sa canteen ng school naka assign kaya kailangan nya pong laging maaga ang pasok.

I hope your enjoying my first book


Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon