Bakit nga ba ako nakakapagsulat ng storya ngayon? For once siguro dahil ng minahl ko kasi talaga ang ex kong si Jessie. Pag alam kong nasasaktan ako at gusto ko ng iunblock siya para lang makit siya ulet o itext siya, Yun ang dahilan kung bakit nakakatapos ako ng isang chapter at na ipupublish na siya. Thank you po sa mga nagbabasa at least nagiging ok na ang aking pakiramdam at nakakalimutan siya paunti unti.
Erika's POV
Pinuntahan ko sa doghouse ang anak ko para batiin. Kararating lang kasi nya galing sa school ng mama ko.
"Neena. kamusta? Tumulog ka ga sa school ng lola?" tanong ko sa anak ko
"Hindi po. Ako ay nagplay, nagplay, nagtablet at kumain sa school." sagot sa akin ng anak ko
"Bebe punta tayo sa loob ng bahay sa kwarto. Me surprise ako sa iyo Bilis"
"Ano surprise mo mama?" tanong ng anak ko
"Basta close your eyes. No peaking ha?"sabi ko sabaybuhat sa anak ko at pumasok kami sa loob ng bahay. Dumiretso kami sa kwarto na tinutulugan naming mag-ina. Dun ko kasi pinatago muna si Jess. Dahan dahan kong binuksan ang pinto para di alam ng anak ko na nasakwarto kami. Maya maya pinatayo ko si Jess. Binuhat nya ang bata at sabay halik dito.
Noong naramdaman ni ineng na ibang tao na ang nakarga sa kanya dun nya minulat ang mata nya. At maya maya sinabi nya:"Papa!!!!!!!!!!!!!" with matching irit pa nito. Napaluha ako sa reunion ng aking mag-ama Almost isang taon rin kasi noong huling nakita ni Jess ang bata.
Di ko alam pinicturan pala yun ng mama na nasa likod naming tatlo. Pagtingin ko sa likod maluha luha rin ang mama sa aming tagpo.
Jessie's POV
Diyos ko slamat po at binigyan nyo ako ng pagkakataon na makasama ko ulet ang anak ko. sabi ko sa sarili ko habang yakap ko ang aking anak.
Nakita ko si mama sa likod ni Erika, sabi ko sa kanya habang yakap ko si ineng ng mahina lang,"salamat po mama" at dun nahalata ni Erika na nasa likod pala niya ang byenan ko.
"Mama salamat po talaga, ngayon buo na ang aming pamilya."sabi ni Erika at tumabi na sa akin.
"Wala yun anak, sabi naman sa amin ni Jess ay magbabago na siya eh para sa inyo ni Boning pati na rin sa dinadala mo anak eh." sabi ng byenan kong babae "Ay siya kayo kayang tatlo ay magsimba muna. Tapos ay kumain kayo sa labas?" sabi sa amin ni mama
"Ano ga ang gusto mong kainin luv muna pala?" sabi ko ke Erika.
"Parang gusto ko luv kumain ng tahong at tsaka ung favorite kong kinakain pag nasa Calamba tayo, Adobong Paa ng Manok."sabi sa akin ni Erika.
"Ay siya ganito, hihiramin ko muna ang motor, pwede ga po mama? Tapos sumama ka na sa akin sa pamalengke. Baka meron ka pang ibang gusto eh ha?" sabi ko ke Erika
"Mas mabuti pa nga Erika sumama ka na kasi minsan eh pag nagpapabili ka sa akin me iba ka pang pinabibili eh tapos eh minsan di mo kakainin. SIge na pumunta na kayo ng luma. Nandyan na ata sa bodega ang motor eh." sabi ng mama
Pumunta hiniram ko ang susi ng motor. Sabi ni papa nasa office daw ng Power Server ang Tito Medic at nasa kanya daw ang susi. Nagbilin pa ang papa na mag-ingat kami kasi nga buntis nga si Erika.
Naglakad na kami papunta sa office. Nagbibiruan pa kami ni Erika habang daan na dati na naman talaga ginagawa. Nasa labas noon sina Mica at parang nanonood ang mga ito ng isang sine kasi nakatitig lang sa aming dalawang mag-asawa.
"Hoy Mica, tulo na ang laway mo pare."sabi ko dito
"Hahaha gago ka talaga pareng Dacz. Ano ga yan totoo na yang pagbabalikan nyong dalawa o kinuha mo ang gamit mo sa mga tita?" tanong nila sa akin
"Ala nagkabalikan na kami ni Erika. Aba ay masusundan na si Neena eh."pagmamalaki ko sabay hawak sa tyan ni Erika
"Aba kuya Jess, ok na kayo ni Mareng Erika?"sabi ni Jessa na lumabas mula sa office karga karga ang anak nila ni Richard
"Oo nga. Buntis si Erika masusundan na si ineng. Eh yung pinagbubuntis naman kasi ni Jhema ay hindi akin noong nalaman ko na ganun, nag reach out na ako sa mga parents ni Erika para humingi ng pasensya sa kanila. At ngayon ay ayos na ako ulet sa kanila. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na humingi ng tawad ke Erika. Pero naging maayos ang lahat at naconfirm namin na buntis nga ulet si Erika" pagmamalaki kong sabi sa kanila
Sa pagsasalita ko di ko napansin na lumbas na sa office ang Tito Medic. Nagmano kami sa kanya at sinabihan ako na "Ingatan mo at wag mo ng lolokohin ulet si Erika Jessie ha? Mahal na mahal ka ng pamangkin ko utoy. Ayoko ng makita ulet naiyak yan"
"Opo Tito"sabi ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Si Mr. Kulet at si Miss Sunget
RomanceEto ang storya naming mag-asawa. Yun nga lang hiwalay na kaming dalawa ngaun