23

9 0 0
                                    

Jessie's POV

 Di alam ni Erika ang byahe ko ngayong mahal na araw ay Cubao-Calamba. Kaya pwede akong umuwi sa gabi. Pero nagpaalam na ako na hanggang Huwebes Santo lang ang byahe ko kasi nga ang sabi ko nasa Calamba nga ang mag-ina ko. Kahit sabihin na gusto ko ng makita si Erika at ang anak ko ngaung tanghali, pinigilan ko ang sarili ko na umuwi.

"O, pareng Jess di ka ga uuwi? Akala ko ba ay nasa bahay nyo ang asawa at anak mo?"sabi sa akin ng driver ko.

"Naku pare susurpresahin ko na lang maya. Kaya nga ako nakipagpalit ng schedule ke pareng Albert para makauwi ako sa bahay sa gabi ngayong mahal na araw eh." tugon ko sa kanya

"Oo nga sabi nga ni Albert eh maselan nga daw ang pagbubuntis ng asawa mo. Alin ga yung minsang pumunta dito dahil ng wala na siyang gamot ata un o kakainin sa inyo?"sabi sa akin ng driver ko habang naglalakad kami para makahanap ng makakainan.

"Naku pare hindi yun. Di akin ang dinadala noon. Yung tunay kong asawa na ka live in ko ng higit apat na taon na. Me anak kami na babae noon na kamukhang kamukha ko." at pinakita ko sa kanya yung huling picture naming magkakasama bago ako nagsimulang bumyahe.

"Aba ay mas gusto ko ang itsura nitong isang ito pare. Mukha pang mabait. Aba ay oo nga kamukhang kamukha mo ang anak mo. Alagaan mo ang mag-iina mo pare. Buti nga at pinatawad ka ng pamilya nya."

"Sa totoo lang pare ikakasal na kami nito sa May 15 at hindi nya alam na nakaplanado na ang lahat. Nagpropose ako sa kanya nung araw na nagkabalikan kami. Ang laki ng kasalanan ko sa kanya at sa pamilya niya. Pero pasalamat ako na mabait sila." sabi ko sa kanya at kami ay kumain na.

Erika's POV

 Nagising ako sa katok sa akin ni Papa.

"Ika'y gusto mo na gang kumain?" tanong niya sa akin.

Sasagot na sana ako ng me narinig ako na pamilyar na boses. Si Jhema? Anong ginagawa nya dito akala ko ba okay na kami nito at ayaw na nyang manggulo?

 Natakot ako sa kaligtasan naming dalawa ng dinadala ko pati na rin ke ineng.

"Mama Linda asan po sina Jess? Asan na ang haliparot nyang asawa? Nagpapanggap lang yan na buntis para makuha sa amin ng magiging anak ko si Jess." sabi ni Jhema.

 Jess andito si Jhema. text ko ke Jess

"Hoy Erika lumbas ka dyan. Walng hiya kang bruha ka. Mang-aagaw." sabi ni Jhema

 Jessie's POV

1 message received from @@@@luvko@@@@

 Yun agad ang nabasa ko noong pagkatapos naming kumain at noong bumalik kami sa bus namin. Siguro gising na to. Sabi sa akin ni Papa natulog to pagkadating sa bahay eh.

 Jess andito si Jhema.

 Hala ka. Biglang nagring ang tablet ko. Si Ate Jecel ang natawag.

 Boy si Jhema andito nagwawala

Ano gang gustong palabasin ng babaeng yan? Ang akala ko ga ay di na yan manggugulo? Ate uuwi ako maya pa namang alas dos ang byahe ko. Wag mo sasabihin ke Erika o kahit ke Jhema na uuwi ako.

O sige.

  "Pare uuwi muna ako sa bahay, andun ung ex ko nangugulo. Baka mapaano si Erika." sabi ko sa driver ko noong binaba ko ang telepono ko.

"O sige. Maaga pa naman. Ingat" sabi nya sa akin

 Erika's POV

 Di ko man gustong lumbas pero di ko na talaga kaya ang panglalait at pangmamaliit sa akin ni Jhema.

"Ano ba talagang problema mo Jhema? Akala ko ba ayos na tayo noong nasa Batangas pa tayo? Tapos ngayon nangugulo ka dito sa bahay?" bungad na sabi ko pagbukas pa lang ng pinto.

Akmang sasabunutan ako ni Jhema ng pinigilan ito ng Kuya Ramil.

"Jhema tama na. Buntis si Erika kung di ka naniniwala tingnan mo ng maige yang ultrasound na yan. 4d pa yata yan. Halata naman na kamukha ni Jessie boy ang dinadala ni Erika ah. Ano pa bang pruweba ang gusto naming ilabas bago ka maniwala? Gusto mo bang makunan pa si Erika bago ka maniwala? Ineng di ka babalikan lalo ni Boy pag nangyari yun."sabi sa kanya ni Kuya Ramil

Magsasalita na sana si Jhema ng may marinig kami na kalampag ng gate. Maya maya ay nakita ko na si Jessie na nakatayo sa pintuan.

"Ano ba ang ginagawa mo dito Jhema? Tama na pwede ba? Yan din ang dahilan kung bakit ako umayaw sa iyo eh. Napaka skandalosa mo. Buntis si Erika. Siya ang mahal ko at siya ang pakakasalan ko." sabi ni Jess

Ako di ko na talaga matiis natigas na talaga ang tyan ko. Siguro dahil ng init at gutom kaya umupo na ako. Pag hindi pa ako umupo baka mag collapse na talaga na ako. Tinext ko si Haning

 Neng bili mo nga ako ng hamburger ung madaming madaming gulay. Humiram ka muna sa Tita Jecel mo nang pera sabihin mo maya ko babayaran.

Sige tita. Okay lang ga po kau?

Masama na ang lasa ko neng eh di naman ako makalabas dahil ng baka ako ay saktan ni Jhema.

Sige po.

Jessie's POV

 "Eskandalosa ka Jhema. Di mo man nga lang ako maipaluto kahit dito sa bahay eh pag nandito tau. Kaya di ka matanggap ng pamilya ko. Tama na naman Jhema. Akin ang dinadalang bata ni Erika at walang duda doon." sabi ko ke Jhema.

"Please naman Jess o. Kami na lang ang balikan mo wag na si Erika. Sige na oh. Masaya naman tayo di ba?" lumapit ke Erika si Jhema at pagkita sa daliri nito me napansin agad siya.

"Bakit na sa kanya ang singsing na ito? Akin to ah." sabi ni Jhema. Mukhang lahat pala ng sinabi nito sa text kahit na noong umalis kami sa bahay nila ay hindi totoo.

Pinatayo ni Jhema si Erika. At akmang aalisin ang singsing na nasa kamay ni Erika.

"Walang hiya kang babae ka. Akin tong singsing na ito." sabi ni Jhema. Di niya maalis ang singsing kaya sinabunutan niya si Erika.

"Tama na Jhema ano ba?" sabi ni Mama ke Jhema. Pinigilan nya na masaktan pa si Erika. Nilapitan kasi ng mama ko sina Jhema. Maya maya umiyak na si Erika at nagkulong na sa kwarto.

  Sa totoo lang kagabi di ko alam kung bakit tiningnan ko pa ang mga pictures ng ex ko. Kahit anong saya na pinalalabas ko sa lahat meron pa ring kirot pag nakikita siya.

Ang sakit sakit




Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon