chapter 1

35 1 0
                                    

Erika'sPOV
      Andito ako ngaun sa tindahan namin. Bakasyon pero malapit na ulet magsimula ang aming first sem. Hay boring na naman. Malapit na kasing mag gabi.
     Ako nga pala si Erika Kristine Andaya. 22 na ako nag-aaral ako  ng BS Commerce major in Business Management sa isang university dito sa Batangas City.
        "Pabili nga ng isang kilong tube ice." sabi ng isang lalake na bumibili sa aming tindahan ngaun.
         "Ubos na ang tube ice." Sabi ni Anna.
          "Eh yellow? Meron  kau?" Sabi ulet nya.
         "Yellow?" Sabi ko

               "oo yellow eh di ba ang tagalog sa ice ay yellow?" sabi nito

               Ang kulit din naman ng isang to grabe. sabi ko sa sarili ko "sabi ng walang ice o kahit yellow eh? ok gets mo?" pagtataray ko sa kanya

           "Ate ang kulit nung isang yun. Bago yata un sa Power Server eh. Ngaun ko lang un nakita eh." sabi ni Anna.

              "Para nga neng bago un. ngaun ko lang nakita un eh. Makulit ung isang un."sabi ko ke Anna

Jessie POV

             Ako nga pala si Jessie Dacuma. Bago ako sa Power Server. Usually ang tawag nila sa akin ay si Papa Dacz. Taga Calamba ako.

             "Dacz, bili ka muna pare ng yelo at tsaka ng Gran Matador dyan sa tindahan sa kanto." sabi ni Sir Aloy sa akin

               "Sige pare bili lang ako." sabi ko sa kanila. Katatapos lang kasi namin mag kabit ng mga naputulan kaninang umaga. Kaya eto inuman naman dine sa office kami

               Papunta na ako sa tindahan. Hmmmm, parang me maganda ata doon sa tindahan ah. Mangungulit ako dito sa mga to

                    "pabili nga ng isang kilong tube ice." sabi ko

                     "wala nang yelo." sabi ng babae na maraming pimples.

                     "eh yellow meron kau?" tanong ko ulet

                     "anong yellow?"sabi nung  mganda

                    "eh di ba ang tagalog ng ice ay yellow?" pabirong tanong ko.

                    "kahit yellow wala rin ok?" sabi niya. 

                   Naasar ko ata siya. Bibili na nga ako ng yelo sa Jam Jam. Pero maganda talaga siya. Ano kaya ang pangalan nya. One of this days makikilala ko rin si Miss Sungit. sabi ko sa sarili.

7 years after

Erika's POV

             Seven years na ang nakaraan mula noong nakilala ko si Jessie Dacuma. Si Mr. Kulet ng buhako noon. Mula noong 2008 naging kami niya pero naudlot yun dahil meron akong karelasyon noon. After a year naging kami ulet dalawa.

                Marami naging balakid sa aming relasyon. Bukod sa pamilya ko, marami ring naging babae sya. Pero ang di koniregret ay ang dumating sa buhay namin ang anak namin, si Neena. 3 taon din kami nagsama at naging maayos naman ang lahat. Pero last year, 2014, April ata noon me nalaman akong sikreto at yun ang dahilan kung bakit naging malabo na naman ang kanyang relasyon sa pamilya ko. Nag drudrugs pala siya.

                     Naging ok naman sa amin ang lahat. Pero may pumasok sa aming relasyon at ngayon ay magkahiwalay kami ng tuluyan. Dumating sa kanyang buhay si Jhema at ngaun ay buntis na.

     Eto po ay isang true to life story ng buhay ko. Enjoy po

Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon