seven

23 1 0
                                    

                 As of 10:01 ng gabi in fairness 13 na ang nagbabasa ng aking first story dito sa Wattpad. Salamat po kasi pinapasaya nyo ang aking puso. Ginagawa ko po to para makalimot sa lahat ng sakit na ginawa sa akin ng aking mismong asawa. 

Jessie's POV

                  "Doc pwede po bang pahingi ng print out ng ultrasound ng aming second baby? Bukod po sa gusto naming ipagmalaki sa mga social media accounts kundi pati na rin gusto ko pong ipakita sa pamilya ko sa Calamba pag-uwi namin ngaung mahal na araw." sabi ko ke Doctor Alcoreza

                   "Sure. Pakiintay na lang ng sa secretary ko kung magkano ang babayaran ninyo." sabi sa amin ni Doc.

                   hello Lovely. Magbabayad na lang kami dito sa OB ko. kita na lang tau sa Budget Lane ha?

                 Oo sige papunta na kami.

           Un ang maikling conversation ni Erika sa isang co parent nya sa Day Care Center. After a few minutes binayaran na namin ang check up ni Erika. Alam ko na ang pamilya nya ang nagbigay sa kanya para sa pambayad ng check up niya. Sa susunod ako na ang magbabayad ng lahat ng kanyang mga kailangan ngayong nagbubuntis siya.

           "Ayan ha, pangalawa mo na tong anak sa akin. Pwede ga luv,magtino na naman?" sabi sa akin ni Erika habang naglalakad kami papunta sa kanto kung saan nadaan ang mga byaheng Batangas Pier na papunta sa Bago.

            Teka tama ba ang rinig ko? tinawag na ako ni Erika ng luv? "Ika'y tama ba ang aking rinig? Tinawag mo na ako ulet ng luv?"sabi ko habang inaalalayan ko siya sa pagsakay sa jeep.

             "Kuya bayad po dalawang Bago. Ayaw mo bang tawagin kita ulet na luv?" sabi nya sa akin habang nagbabayad ng pamasahe namin sa jeep

              "Hindi, gusto ko nga pero . Baka kasi nagkakamali ako ng rinig sau eh"

              "Okey na ulet dalawa at wala ng mangugulo sa ating dalawa di ba? Basta ung pangako mo sa akin kahit yung sinabi mo ke Doctor Alcoreza ay mapanindigan mo." sabi sa akin ni Ika'y

              "Huwag kang mag-alala tutuparin ko yun sau. Di dahil ng responsibilidad  ko yun kundi dahil mahal ko kayo ng mga anak natin. At mahal talaga kita." sabi ko sa kanya

Erika's POV

            Sa totoo lang habang nasa jeep pa kaming dalawa, kinikilig ako kasi laging kinakausap ni Jess ang bata sa tyan ko o kaya ay ako ang hahalikan niya ako sa mukha. Pagdating namin sa Bagong palengke pumara sya para makababa kami. Inalalayan nya ako sa pagbaba. Mula sa kanto ng binababaan namin naglakad kami papunta sa Budget lane. Pinayungan pa nga niya ako. Alam nya kasi na madali akong mamula ilang minutes lang na nakababad ako sa initan

            Pagdating namin sa Budget Lane nandun na si Lovely, aba akala ko kasama si Jojo ang jowa nya pero ang kasama niya ay ang boung barkada. Si Inday, si Honeylet, si April, si Rhea F. 

             "Oh bakit barkadahan ata?"tanong ko sa kanila.

           Inilayo muna ako ng barkada ke Jess. "Eh kasi gusto ka naming tanungin. ano kamusta buntis ka nga girl?" tanong sa akin ni Lovely

          Inilabas ko ang print out ng ultrasound ng baby ko at pinakita ko sa kanila. 

         "Oh my Ate totoo nga buntis ka nga. Ahmm, siya ba ang papa ni Neena?"tanong sa akin ni Inday.

            Sasagot sana ako, naunahan lang ako ni Honeylet "Aba mataba si Dacz ah. Oo yan nga ang father ni Neena guys."

            "Kuh girl gwapo ha. Feeling ko lalaki are girl." sabi sa akin ni Lovely

           "Kuh sana nga girl magdilang anghel ka. Gusto talaga nya ng junior." sabi ko

               "Hindi girl sure ako. Aba eh di ga'y tatlo ang anak kong lalaki kaya alam ko kung lalake o babae ang magiging anak mo. Malabo lang pero sure ko lawit yung  nakikita ko."sabay turo sa sex organ ng bata.

                 "Luv, tingnan mo nga are. Para ngang lawit are." tawag ko ke Jess

               Tiningnan ng maigi ni Jess ang ultrasound ng baby namin. Di pa makapaniwala sa nakita at maya maya ay nakita kong lumiwanag ang mukha nya. "Erika sa tingin ko magkakaroon na ako ng junior."sabi nya sa akin sabay yakap sa akin at akmang bubuhatin ako.

                 "Jess dahan dahan baka imbis na magkaroon ka ng junior mawala pa." sabi ko ke Jess maya maya ay binaba na nya ako.

               "Tara na nga sa loob at baka langgamin na ang dalawang to."sabi sa amin ni Lovely

            Sa loob ng Budget Lane pumili na kami ng kakailanganin namin para sa pagluluto bukas. Sa totoo lang naman di naman talaga kasama sa grupo si Inday at si April. Nakikichika lang naman sa amin etong si April eh. Kaloka tong babae na to. Mamimiss ko to pagkatapos ng lahat promise

           Biglang nawala si Jess, hinanap ko talaga sya kasi takot na akong mawala ulet sya. Takot na mawala ang isang taong nagpapaligaya sa akin bukod ke ineng. Ikot kami talaga just to make sure na di siya bumalik ke Jhema.

          Pagdating namin sa baby section dun ko sya nakita.  "oh luv bakit ka andito?" tanong ko sa kanya

           "Wala tinitingnan ko lang ang mga presyo para mapaghandaan ko para sa pagdating ng second baby natin. Excited na kasi ako na makitang nalaki ang tyan mo. Di ko kasi un nakita nung pinagbubuntis mo si boning eh. Pangako ko sa iyo luv, babawi ako sa iyo pati na rin ke ineng. Hahati ako sa mga gastusin mo lalo na kapag nag decide tau na cs ulet ang bata."

               "Basta andito ka sa tabi ko, okay na ako doon luv. At tsaka isa pa kokonti na lang ang bibilhin natin kasi ang mga damit kung lalake man nga ang magiging second baby natin walang problema. Okay pa naman ang mga damit ni utoy eh. Pero gusto ko talagang bilhin ung swing na matagal na nating pinag-iinterasahan noon sa Lianas. Tanda mo un?" sabi ko sa kanya

                  "Oo naman bibilhin natin yun."

               "hoy lovers tapos na ang ating pamamalengke, mag cash out na tayo"

               "ay oo nga pala sige tara na kasi may pupuntahan pa rin kaming mag-asawa. Di ba Jess" sabi ko sa kanila sabay tingin ng masama ke Jess.

Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon