Erika's POV
Kagagaling lang namin sa CATV. Andito kami sa clinic ni Dr. Alcoreza. Eto nakain na naman ako ung binili ni Jess na burger. Sinusubuan pa nga nya ako eh. Pangalawa ako sa mga nakalista sa appointment
1 message recieved Lovely
Vice asan ka? Anong oras tau magkikita sa Budget Lane?
Maya ng konti tetext ako kasi andito ako ngaun sa OB ko nagpapacheck up ako girl. sagot ko sa kanya
confirmed na ang iyong pagbu2ntis girl?
Maya na ako magtetext. Ako na ang sunod eh
"Miss Andaya, kayo na po ang sunod" sabi sa akin ng secretary ni Dr.
"Sumama ka na sa akin sa loob Jess. Para makita mo naman ang baby natin" sabi ko Jess
Sumama naman nga si Jess sa loob. Pagpasok namin sa loob ng ultrasound room me binabasa pa si Dr. hanggang sa nakita nya kami
"Good afternoon doc." bati ni Jess.
"Aba Erika ikaw pala yan. Kamusta ang ate mo. Aba me kasama ka na ngaun ha?" sabi sa akin ni Dr.
"ok naman po ang ate. Mataba po siya, kung ano po ang weight niya noong buntis sya ke utoy. Ah opo kasama ko po na ngayon ang papa ni ineng."
"Eh bakit naman ngaun ka lang nagpa check up eh 16 weeks na pala ang iyong dinadala? Ang EOB mo ay, ay oo nga pala CS ka noong last time di ba? Pero its ur choice naman kung gusto mong normal delivery o kaya ay CS ulet. Pero ang EOB mo ay 2nd to third week of September. Anong ilalagay natin apilyido mo pa rin Erika o apilyido ng mister mo"
"Dacuma na lang po doc." sabi ni Jess. Namula naman ako sa sinabi nya pero at the same time kinilig
"Oh ok, yan ang heartbeat ng bata. Pero Erika mag-iingat ka pa rin ha kasi wala kang iniinom na mga vitamins for the past three months. Pero sa tingin ko naman ay magiging okay ang lahat kasi andyan na ang asawa mo. At ang gwapo naman ng asawa mo neng." ung huling sinabi nya ay ibinulong nya sa akin. (Bading kasi talaga si Doc)
"Doc naman pipili ba naman ako ng pangit. Kamukhang kamukha nga po yan ni ineng eh. Ay doc di pa po ba pwedeng makita ang gender ng bata?" sabi ko inaalaalayan pa ako ni Jess nung time na un kasi ok na ang ultrasound.
"Naku di pala natin tiningnan ano. Pero well sa sunod na lang na check up ha? . Nasa baby book na ang mga vitamins mo. Jess, right, ikaw na ang bahala sa pag-inom ng vitamins nitong si Erika ha. And by the way nga pala nung buntis ka sa first baby mo, monitor ur UTI ha? Drink lots and lots of water and isa pa ang gatas mo ha? Jess, wag mo ng lolokohin si Erika ha? Maraming nagmamahal sa mga yan."
"Don't worry po, ako po ang laging magpaparemind ng vitamins at tsaka sa gatas ni Ika'y. Di na po ako babalik sa dating bisyo ko pinapangako ko po yun sa inyo. Mahal na mahal ko po ang mga anak ko. Pati na rin po si Ika'y. Di ko na po siya lolokohin pinapangako ko po yun sa inyo." sabi ni Jess nang nakayakap sa akin at nakatingin sa aking mga mata
F.Y.I. po, Dr. Nilo Alcoreza is actually my OB noong pinagbubuntis ko po ang aking anak
BINABASA MO ANG
Si Mr. Kulet at si Miss Sunget
RomanceEto ang storya naming mag-asawa. Yun nga lang hiwalay na kaming dalawa ngaun