ten

11 0 0
                                    

Mam Liza's POV

           Naku sino kaya areng lalaking pumasok? Promise di ko to kilala. Hala baka are ay magnanakaw o ano. Pero parang kamukha naman ni Neena.

          "Kuya kayo ga po ang papa ni Neena?" tanong ko sa kanya. Nagbabaka sakali na baka papa nga ito ng isa sa mga aawardan bukas.

           Lumapit siya sa akin at sinabi "Opo, ako po si Jessie Dacuma. Ako po ang asawa ni Erika. Di po kasi siya makakarating kasi noon pong dumating kami sa bahay kanina galing sa bayan ay tulog. Di ko naman po magising at baka naman po ako ay madali dahil nga po ng buntis po." pakilala sa akin

           "Aba ay buntis pala si Erika. Kaya pala noong feeding kapag ulam ang papaluto sa kanila lalo na noong last part na ng feeding ay laging nagpapaalam sa akin na di sya makakapagluto at nasusuka. Ay congrats po sa inyo. Aalagaan mo naman ang mag-ina mo ha? Mahal na mahal ka noon utoy." sabi ko sa kanya. At maya maya ay siya ay umupo na.

          "Ay siya tayo ay magsisimula na. Pasencya na po at biglaan ang ating meeting. Ito pong nasa meeting na ito, ay siya pong aawardan bukas. Tita Nelly, Pasulat naman ng mga awrdees bukas."

   A.M. Session 

Mapagkakatiwalaang Bata: Shenele Panganiban

Most Neat:Neena Cecilia Andaya

Most Behave: Paul Andrei Pentinio

Most Active:Neena Cecilia Andaya

                        Cedric Patolot

Outstanding: Marie Alison M. Nambio

PM Session (pasensya po ang pangalan lang po ng batangyan ang naalala ko sa mga inawardan sa panghapon)

Oustanding:Jessa Mae Furto

            "Ngayon po na alam nyo na po ang mga aawardan bukas, ngaun po ay pag-usapan po natin kung sino po ang mag-aayos ng konti po nating sta ge bukas. Sino po ang merong kulay puti, pink at blue na tela?" tanong ko sa kanila.

              Tumaas ng kamay si Rose. so siya na ang magdadala bukas. Ay ngayon po sino ang magiging katulong niya bukas. "kuya Nelson pwede ga po kayo tumulong sa pag-aayos bukas?"

                 "Basta po merong tao dito bukas tutulong po ako." sabi ng papa ni Alison.

                 " Kuya Jessie, kakayanin kaya po ni Erika na makapunta dito at tumulong? Kasi sya kasi ang pinakamalapit sa lahat. At tsaka po siya kasi ang PTA Vice president ng taong ito eh."

                "Ano kaya pong oras? Kasi po ang alam ko po kasi sa umaga po kasi nagsusuka po kasi siya. Pero pag po umayos siya bukas papupuntahin ko po siya. Pag hindi po eh di kahit ako na rin po ang pupunta." sabi niya sa akin.

               "Ay siya ibigay mo na lang sa akin ang number mo Kuya para alam ko po kung sino ang pupunta ano? Sino po ang magluluto ng ulam bukas nga pala?"tanong ko sa kanila

                  "Ang alam ko po sina president din po ata ang magluluto bukas." sabi ni Tita Nelly.

Erika's POV

         "Uhmm...."pag mulat  ko ng paunti unti nasa kwarto na ako sa bahay namin? Teka  ano na bang oras na? Paglabas ko sa kwarto namin pumunta ako sa kusina doon kasi merong relo.

         "Hala alas tres na pala/ Kailangan ko ng pumunta sa Day Care....." naudlot ang pagsasalita ko noong may yumakap sa akin mula sa likod. Si Jess.

           "Gising na pala ang mag-ina ko. Kamusta po ang iyong pakiramdam ng luv ko?" Inalis ko ang kamay nya at humarap ako sa kanya at hinalikan siya.

          "Okay na po ang pakiramdam ko luv. Teka, me meeting ako ngayon sa Day Care ah....." nilagay nya sa bibig ko ang isang kamay para tumahimik ako.

              "Wag ka ng mag-alala luv, ako na ang umatend kanina ha?" sabi sa akin ni Jess. "Nakapaglinis na rin ako ng bahay. Pinabayaan na kitang tumulog kasi kailangan mo talaga yun ngaun luv ha?"

               "Thank you Jess ha? Kasi nagiging okay na ang lahat sa atin. Pati na rin sa pag-aasikaso sa pagiging okay nyo ng mga papa ha?"

                "Wala yun Erika. Mahal ko kayo nina Neena kaya ko to ginagawa eh. Mamaya pagdating ni ineng......" natigilan si Jess ng may narinig siyang sobrang tinis na boses

               "HUNNNNNNNNTEEEEEEER" tawag ni Neena sa aso namin na di ko alam kung bakit parang si Jess ay di tinatahulan ng aso namin kanina noong pumasok siya.

               "Pumasok ka muna sa kwarto. May gagawin ako ke ineng bilis." sabi ko ke Jess

              Infairness naman dumadami na ang aking mga readers. Sana mag-enjoy po kau

Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon