Eto na naman ako. Inspired na namang magsulat ng aking libro. With songs coming from my favorite boy band. Ang original na F4 ng Meteor Garden. I am still in love talaga with Dao ming si. Grabeeeeeee ultimate crush ko talaga sya.
Erika's POV
Nakaligo na si ineng kasama ang mga pinsan nya. Nakakain na rin. Si Jess eto nakikipag kulitan sa anak nya. Umuwi mula sa stasyon ng bus. Ala una ang kanyang byahe na sunod. Time check, 11:30.Sinabayan nya kami ni ineng na kumain. Siya pa nga ang me dala ng ulam naming dalawa. Para sa akin, as usual gulay tapos silang dalawa ni ineng kumain sa loob ng kwarto kasi ang ulam nila ay adobong baboy.
After 30minutes ng lumabas si Jess di na nya kasama si ineng.
"Tulog na si ineng. Napagod ata sa kakalaro. Oh eto, pinagtimpla na kita ng gatas mo. Tapos eto na rin ang iyong mga vitamins." sabi nya sakin, sabay abot sa akin ng gatas at ng gamot.
"Ang bilis nya makatulog talaga pag ikaw ang nagpapatulog. Sabi ko kina ate Jecel nga pala, ngayong tanghali na lang kami titingin ng mga gamit ng bata. Sayang di ka makakasama luv." sabi ko habang ako ay nainom ng vitamins ko pati na rin ng gatas.
"Mamimili pa rin naman tayo para naman sa bahay di ba? Babawi ako doon. Wag ka mag-alala ha? Ay siya kayo ay mag-iingat ha? Magdadala ka ng payong, tubig, at tsaka panyo. Baka maya sumama ang lasa mo ha pag alam mo na medyo pagod na kayo ni baby, uwi na kayo ha? O eto ang 5k na pera pangbili ng mga kailangan ng bata pati na rin ang pangbili ng bag ni ineng. Baka naman labis pa yan ano? Wag muna kayong bumili ng mga crib, dapat kasama ako pag bumili noon ha?" sabi nya sa akin habang binibigay nya sa akin ang pera
"Di ga parang ang laki ata ng pera na to?" sabi ko sa kanya
"Hindi luv, pangbili yan ng mga necesities ng bata, katulad ng tub na pagliliguan nya kapag andito sya, hanap na rin kayo ng car seat kasi siguradong byahe kung byahe tau, ang stroller dapat kasi kasama ako eh. Mga pampaligo dito ng bata. Kung lalaki nga ang ating magiging anak, wala naman tayo magiging problema sa damit at nasa bahay pa naman ang mga damit ni Avin tama ako di ba? Tapos yung matitira ay pang budget nyo nang dalawa ni ineng. Itago mo para kapag di ako uuwi ay may pang gastos kayong dalawa ha? Ay siya aalis na ako. 12:30 na pala eh. Baka malate ako ng uwi ha? Wag mo na ako hintayin. Basta pag me yumakap sayo mula sa likod ako yun ha? Luv u."Sabi ni Jess sabay halik sa akin at umalis na rin.
Ang swerte natin mga anak. Nagtino na talaga ang papa nyo. Nasabi ko sa sarili ko habang hawak ko ang tyan ko at naghahanap na ng maisusuot ko para sa pagpunta namin nina ate Jecel sa Lianas. Baka pati na rin siguro sa crossing. Titingin na rin siguro ako ng bag na pangpasok para ke ineng. Me binigay naman sa akin si papa kahapon na pera pang bili ng kailangan namin.
Paglabas ko ng kwarto, nakita ko na sina Jessa na handa na para umalis.
"Ano neng , tara na ba?" sabi sa akin ni Ate Lenlen
Magsasalita na sana ako pero biglang nagsalita si Jessa. "Ate pwede bang umikot ka ng isa? Kasi kanina pa kita tinitingnan. 3 months na ang tyan mo di ba?" tanong sa akin ni Jessa
Umikot muna ako bago ako nagsalita. "Oo neng, 3 months pa lang ang tyan ko. Pero kung mapapansin mo, halos parang di ako buntis di ga? Mahirap kasi ang aking pagbubuntis ngaun eh."
Matapos kong magbilin, lalo na kina Queen, at magpaalam kina mama naglakad na kami papunta muna sa Lianas.
Pagdating namin doon, nagpunta kami agad sa 2nd floor kung saan nandun ang department store.
"Miss saan dito ang mga pang baby?" tanong ko sa sales lady na nakita ko kaagad.
"Ah, mam dito po tayo."sabi sa akin ng sales lady. "Alam nyo na po ba ang gender ng baby ninyo o naghahanap pa lang kayo dahil po ng 1 month pa lang po tyan nyo? Or naghahanda pa lang kayo para sa future?" sabi niya sa akin, habang naglalakad kami papunta sa baby section.
"Hindi, ahmmm, bale three months na akong buntis. Sabi ng mga nakakita sa ultrasound picture ng baby ko, lalake daw eh. Pero meron ba kayong mga neutral colors lalo na for the cribs and stuff?" sabi ko sa sales lady.
Lahat ng mga sales lady sa section na yun, nagitla sa sinabi ko. Kasi ang tyan ko talaga maliit, halos di mo mahahalata ang baby bump ko. Pero kung hahawakan mo ang tyan ko medyo matigas. Dun mo lang masasabi na buntis ako.
"Ah opo, meron po kaming mga neutral colors for the baby stuff." sabi sa akin ng sales lady
Nakita ko pa dito ang aming favorite na swing na sabi ko sa kanya bibilhin namin kapag nagkaroon kami ng second baby.
*crib
*baby swing
* diapper bag
* feeding bottles
*breast pump
Teka reality check magkano pa ang pera na pinadala sa akin ni Jess? 5k meron pa akong 2k na natitira. So itatago ko muna ito baka naman sabihin sa akin ni Jess ay di na ako nagtira. So ang kulang na lang ay mga pampaligo na lang bata, shampoo, head to toe wash, alcohol, etc.
"Thank you for shopping with us maam." sabi sa akin ng guard paglabas. Buti na lang nakapagtext na ang ate Lenlen sa Kuya Ramil para dalhin sa bahay ang mga gamit ng bata. Kami naman ay maglalakad na papunta sa bahay. Pupunta pa sana kami sa crossing. Pero pagod na rin kasi ako eh.
Paano nga ba talaga ang magmahal? Kailangan ba natin lagi tayong nasasaktan? O kailangan mo na lang talaga mag let go para magsimula ulet ng panibago
BINABASA MO ANG
Si Mr. Kulet at si Miss Sunget
RomanceEto ang storya naming mag-asawa. Yun nga lang hiwalay na kaming dalawa ngaun