Erika's POV
August 2, 2016
After a year of preparation para sa kasal, this is it na talaga. Sinadya namin na 7th year anniversary ang aming kasal. Kasi nga gusto namin na di lang pag naalala namin ang a dos ay anniversary naming magsyota kung hindi anniversary ng aming kasal.
Hinintay pa rin kasi namin na magbakasyon ang maid of honor ko, si Joyce at ang isa sa mga kaibigan ko rin at best friend ko na si Jenny. Sana nga eh abay din ang aking guy best friend na si Danny ang problema di siya kasi pwede kasi umalis siya papunta ng Dubai noong January lang kasama si Kuya Larry. Ang ate ko ay di rin nakauwi kasi noong December umuwi na siya. Pero andito si Kathleen at si Valerio umuwi sila bago pa sumapit ang kasal namin.
"We will be starting na po Miss Erika."sabi sa akin ni Camille ang aming wedding coordinator. Andito pa kasi ako sa bridal car, maya maya pa ako lalabas
Katext ko si Kathleen nagsisimula na ang paglalakad nina Jess at nina mama saa loob. Karga ni mama si JC.
After 20 minutes kinatok na ako ni Camille kasi papasok na ako sa loob. Mga brides maid na kasi ang napasok sa loob. This would be a dream came true. Andito ako ngaun, hinihintay magbukas ang pintuan ng simbahan ng Trinity.
Si Joyce at si Jessa nasa likod ko making sure my gown is ok. Si ineng nauna ng maglakad sa loob, nagsasaboy ng petals ng bulaklak sa isle.
"It's time na po. Ms. Jessa mauna na muna po kayong pumasok. And then si Ms. Joyce." sabi ng aming wedding coordinator na si Camille
Nagstart ng magmartsa si Jessa. Ang ganda ganda talaga today ni bunso. Sabi ko sa sarili ko. After makarating ni Jessa nagsimula ng maglakad ni Joyce. And then sinaraduhan ulet ang pintuan. Maghihintay muna ako ng 5 minutes. Nagbukas ang pintuan ng Trinity.
Naririnig ko na ang duet ng mga kachoir ko ng all of me at tsaka ang always be my baby.
Nakikita ko na sina mama at si papa. Ang mama, umiiyak na habang ako ay papalapit na sa kanilang dalawa. This is a dream came true. Ang makasal sa taong mahal ko. Ang dami man naging balakid this past few years pero andito ako. Si Miss Sungit ikakasal na sa wakas ke Mr. Kulet
Pagtapat ko kina mama nagmano muna ako sa kanila, bago kami nagsimulang maglakad ulet. Pati tuloy ako naiiyak dahil nga ng pangarap ko ito. Pagdating namin sa altar nagmano muna ako kina Mama Linda, si Jess naman ay nagmano na rin sa mga mama, at ibinigay sa kanila muna ang aming bunso.
Nagsimula na ang misa para sa aming kasal, habang nagsasalita si Father Boy, si Jess naman ay bulong ng bulong sa tenga ko ng I love you at laging hawak ang kamay ko.
Eto na yung part ng kasal na magpapalitan na kami ng vows ni Jess pero di nya alam me surpresa ako sa kanya bago ako magsimulang magbitaw ng vows. After magsalita ni Father Boy na pwede na kaming magpalitan ng vows yun ang cue ni Sir Ed. Nagsimula ng tumugtog siya ng isa sa mga favorite kong kinakanta namin pag me kasal.
Ikaw lamang ang pangakong mahalin
Sa sumpang sa'yo magpakailan pa man
Yakapin mon'g bawat sandali,
Ang buhay kong sumpang sa'yo lamang alay,
At mapapawi ang takot sa 'kin
Pangakong walang hanggan
Ikaw lamang ang pangakong susundin
Sa takbo sakdal, liwanagan ang daan
Yakapin mong bawat sandali,
Ang buhay kong sumpang sa'yo lamang alay
At mapapawi ang takot sa 'kin
'Pagkat taglay lakas mong angkin
Ikaw ang siyang pag-ibig ko
Asahan mo ang katapatan ko
Kahit ang puso ko'y nalulumbay,
Mananatiling ikaw pa rin
Ikaw lamang ang pangakong mahalin
Sa sumpang sa iyo magpakailan pa man
Yakapin mo'ng bawat sandali,
Ang buhay kong sumpang sa'yo lamang alay,
At mapapawi ang takot sa 'kin
Pangakong walang hanggan
At mapapawi ang takot sa 'kin
Pagkat taglay lakas mong angkinBago ako magsimulang magsalita, nagtayuan lahat ng mga tao sa simbahan at nagpalakpakan. "Bago ko po simulan ang aking sumpa para ke Jess, thank you po sa palakpak pwede na po kayong umupo. (Hehehehe) Ngayon, Jess, luv ko, mahal ko, bebe, ney, lalabs ko, dacz, Jessie Boy, nandito tayong dalawa sa harap ng Panginoon at ng mga kamag-anak at mga kaibigan natin magsusumpaan ng panghabambuhay. 7 years ago, sa mismong araw na ito, umaga noon, kausap kita, naiyak dahil ng nalaman ko na ang isa sa mga childhood friend ko ay namatay. Sabi mo sa akin, tumahan na ako, kasi nga ayaw mo akong maririnig o makitang naiyak. Noong gabi na yun, magkatext tayo, bigla mo akong sinbihan ng I love you. Sa totoo lang nagitla ako, kasi di ko akalain noon na nanligaw ka pala sa akin puros ka kasi effort eh. Pero i texted you I love you too."
"Sa totoo lang minsan natatanong ko sa sarili ko, bakit ba kita paulit ulit na pinapapasok sa buhay ko pati na rin sa mga anak natin. Simple lang, mahal kasi kita eh. (sabay punas ng luha) Mahal na mahal kita at di yun magbabago. Ngayon masasabi ko na legal na, legal na legal na bukod ke Mama Linda, after the ceremony, Mrs. Erika Kristine Andaya-Dacuma na ako." napaiyak na ako sa point na ito. Binigay sa akin ni Jess ang kanyang panyo. Pagkatapos noon isinuot ko sa kanya ang singsing
Jessie's Wedding vows
"Erika, sa dinami dami ng babae na dumaan sa akin, ngayon sa harap ng mga tao na sumasaksi sa atin, papakasalan kita. Ikaw lang at ikaw lang ang minahal ko ng totoo. Sorry kasi minsan nasabihan kita ng "hindi naman talaga kita minahal" minsang nag-away tayo. Pero alam mo, nasaktan ako, umiyak ako noon kaya nagpunta ako sa mga ate Jecel. Kasi ayoko makita mo na umiiyak ako dahil ng nagsinungaling ako sayo. Naniniwala ako na ikaw ang tinadhana na maging kabiyak ng puso ko. Na ikaw lang ang tao na babalik balikan ko kahit na sabihing ang dami ko ng atraso sa iyo. I love you Erika, mahal na mahal kita. Ngayon hanggang ako ay mamatay." sabi ko sa kanya sabay suot ng singsing sa kamay nya.
After ng mga pagsasabi ng vows tinuloy na ang ceremonya ng kasal.
"Now I present to you, Mr. and Mrs. Jessie Dacuma. You may now kiss the bride." sabi ni Father Boy.
Hinawi ko ang belo ni Erika "I love you Erika Kristine Andaya-Dacuma. And Happy 7th year anniversary." sabi ko sa kanya
"Happy 7th year anniversary Jessie Dacuma, and i love you too." bulong nya sa akin bago sinakop ang kanyang mga labi sa isang halik. At narinig namin na nagsisigawan ang tao.
BINABASA MO ANG
Si Mr. Kulet at si Miss Sunget
RomansaEto ang storya naming mag-asawa. Yun nga lang hiwalay na kaming dalawa ngaun