34

19 0 0
                                    

       Natapos na din ang isang taon na paghihirap. Pagod na pagod na ako sa mga kasinungalingan at pamemera sa akin ng dati kong asawa. Aamin po ako. Sa course ng pagsusulat ko ng aking istorya, ilang beses naming triny na magkabalikan para sa anak namin. Pero kahit ano atang try  di pa rin talaga pwede. Hanggang nung isang araw, bigla niya ako sinabihan na walang kwentang asawa, dahil di ko man lang siya mabigyan ng pera. Dun ko narealize na tama nga pala ang sinasabi sa akin ng parents ko na pera lang ang habol sa akin ng dati kong asawa. Doon ko narealize na, tama na. sumosobra na talaga. Kahapon(August 29,2015), nagparamdam siya sa akin at kinakamusta ang anak ko. Sabi ko talaga sa kanya, tantanan na niya kami. tantanan na niya ang anak ko. Kaya kong buhayin ang anak ko kahit mag-isa ako. At tinapos ko na ng tuluyan ang lahat sa amin.

Jessie's POV

      Andito kami ngayon sa Laiya. Sa Blue Coral Beach Resort. After ng reception, nagdrive na kami papunta dito. Ang dalawang bata ay nasa pangangalaga ng magulang ni Erika kasama na ang mama ko na nagpaiwan muna dahil ni JC.

     Naglalakad kami sa may dalampasigan magkahawak kamay. Si Erika ay naka bikini top tapos naka shorts pero me nakapatong na blouse kasi malamig na. Ako naman ay naka sando at nakashorts. 

    "Luv di ko akalain na naikasal na tayong dalawa. Ang dami dami ng mga pagsubok sa ating buhay sa loob ng pitong taon. Pero andito pa rin tayo magkasama." sabi ni Erika sa akin

      Umupo muna kaming dalawa sa buhanginan. Pinaupo ko muna siya at ako ay nasa likod niya. Nakayakap ako sa kanya. "Tingnan mo ang dagat luv. Di ba hindi mo nakikita kung hanggang saan ang dulo? Ganyan din ang pagmamahalan natin. Meron mang mga unos na dumating, lumakas man ang alon, sa iyo pa rin ako babalik. Walang katapusan man ang pagsubok, sa huli tayong dalawa pa rin." sabi ko sa kanya sabay halik sa mga labi.

      Hanggang dito na lang po ang aking storya. Sana naibigan ninyo ang aking first book. Meron man pong mga wrong grammar oh kaya ay magulo, pasencya na. First time ko lang po ito ginawa. Sa ngayon po ay kahit papaano nakaka move on na ako sa nangyari sa buhay naming mag-ina. Nabubuhayan ako ng loob na balang araw makakahanap din ako ng forever. Kung hindi man po, ok lang. Wala naman mawawala sa akin, dahil may isa akong anak na babae

      Thank you and God bless 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon