24

9 0 0
                                    

Erika's POV

 Sa totoo lang kung hindi pa pinigilan ni Mama si Jhema, baka nag collapse na ako. Nahihilo talaga ako kanina pa. Gutom na rin kami ng anak ko eh. Kaya pumasok na ako sa kwarto. Wala na akong naririnig na sigaw sa labas ng kwarto siguro dahil ng kinakausap na nina Mama si Jhema. Kaya pumikit na muna ako.

Jessie's POV

"Please naman Jess oh..kami na lang ulet oh. Mahal na mahal kita. Kaya ko lang nagawa na magpabuntis sa ama ng anak ko eh. Alam ko naman na mahal na mahal mo si Erika. Ayokong mawala ka sa amin." sabi ni Jhema. Kinakausap siya naming lahat dahil sa nangyari

"Jhema, wala ng papantay sa pagmamahal ko ke Erika. Si Erika ang buhay ko pati ang anak ko. Sa lahat ng dumaan sa buhay ko, siya ang tunay na minahal ko. Maalaga talaga siya eh, at naging malapit siya sa lahat ng mga kamag-anak ko. Ikaw, kahit nga magtimpla ng kape para sa akin di mo makaya. Mga kapatid ko di mo nirerespeto. Kahit sina mama ko. Kahit sabihin na di buntis si Erika babalik at babalik pa rin ako sa kanya. Dahil ng mahal ko talaga siya." sabi ko sa kanya.

Wala ng nagawa si Jhema kundi umiyak. Maya maya ay dumating si Haning me dala dalang pagkain.

"Haning kanino yang pagkain?" tanong ni Ate Len Len sa kanyang anak.

"Sa tita Erika po. Nagpabili po siya sa akin ng hamburger. Pero po noong sinabi ko po ke Tita Jecel, ibili ko na rin daw si Tita ng gulay kasi nga po ng bago po dumating si Jhema, di pa po nakain si Tita Erika."

"Jhema umalis ka na pwede ba?" sabi ko ke Jhema.Diyos ko sana okay lang si Erika. Kaya pala parang tutumba na siya noong sinasabunutan siya ni Jhema. "Haning ako na ang magbibigay sa Tita mo. Are ang 100 pesos. Babayaran ko na yung hiniram ng tita mo ke Ate Jecel ha."

Tumingin ako sa relo ko 1:00 na pala. Sisiguraduhin ko muna na ayos si Erika bago ako pumunta sa Crossing.

Pumasok ako sa loob ng bahay at kinatok si Erika. Di niya binubuksan ang pinto at naririnig ko ang mahinang hilik niya kaya alam ko na tulog siya. Binuksan ko na ang pintuan.

"Luv?"

Erika's POV 2:00pm

 Nagising na ako, di ko alam na isang oras na pala akong nakatulog. At si ineng ay katabi ko na. Pagtingin ko sa tablet ko, merong note doon si Jess.

 Kain ka na ha? Umalis na si Jhema. Iinom ka ng vitamins mo. I love you, di na kita ginising noong umalis ako. Alam ko masama ang pakiramdam mo eh. Wag ka na mag-alala di na mangugulo si Jhema sa ating dalawa. Uuwi ako mamaya. Hintayin nyo ako ni ineng. Kain tayo sa labas okay?

 Ang sweet talaga ng papa nyo mga anak. Sabi ko sa isip ko habang nakatingin ako ke Neena at hinihimas ko ang tyan ko. Lumabas na rin ako at nakita ko na nanonood ng tv si Papa, habang si mama naman ay nakahiga sa sahig may latag na kumot at tulog.

"Erika di ka na ginising ni boy noong umalis siya. Pero sabi nya kumain ka na daw dyan. Ubisin mo iyan ineng ha? sabi sa akin ni Papa.

"Salamat po. Ano po ang nangyari noong makatulog na po ako kanina"tanong ko ke papa

Si mama naalimpungatan noong narinig niya ako na gising na.

"Naku, pinagpilitan pa rin ni Jhema kanina na di ka daw buntis. Pero sinabihan na lang namin siya na tama na. Wala na siyang magagawa, mahal kasi talaga kayo ni Boy Erika eh." sabi sa akin ni Mama

"Kilala namin si Jessie Boy Ika'y, pag mahal talaga niya ang isang tao gagawa at gagawa siya ng paraan para mapatawad/makipagbalikan siya dito. At yun ang ginawa nya sa iyo."sabi ni Ate Lenlen na lumabas sa kabilang kwarto.

"Alam nyo na ga kung babae o lalaki ang batang dinadala mo neng?"tanong sa akin ni papa

"Di pa po papa eh. Nakalimutan pong tingnan ng ob ko po ang sex ng bata." sabi ko sa kanya

"Patingin nga ako ulet ng ultrasound mo neng." sabi sa akin ni Ate Lenlen

Inilabas ko ang copy ko ng ultrasound ko at binigay ko ito sa kanya.

"Naku papa me magpapatuloy ng apilyidong Dacuma. Me junior na si Jessie boy."sabi ni ate Lenlen sabay bigay ng ultrasound ke Papa. Si papa naman kinuha ang kanyang salamin para makita ng ayos ang picture

Pagkakuha ng salamin niya, tiningnan ng maigi ang picture at maya maya ay napangiti.

"Junior nga ito. Baby boy ang magiging anak ninyo Erika." tuwang tuwang sabi ni Papa

Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon