21

12 0 0
                                    

  Wow naman, nagagawa ko na ang una kong book dito sa wattpad. At isa pa nakakamove on na ako sa nangyari sa amin ng ex ko. Yey, ang saya saya ko. Thank you po sa mga nagbabasa sa aking first book. Matagal man ang mga update dahil sa mga konting mga personal na mga problema(sorry nag momove on ng pakonti konti) pero me nagbabasa pa rin po thank you so so so much.

Erika's POV

  Eto kami naglalakad papunta ulet ng SM. Magkaholding hands. In fairness first time ha? Lagi kasi ang dinadahilan ni Jess noon kaya ayaw nya hawakan ang kamay ko pag naglalakad kami basa ang palad nya. Pasmado kasi. Nagkukulitan, minsan aalisin nya ang kamay nya,para hawakan tiyan ko.

Maya maya andito na kami sa loob ng sm. Nagpunta muna kami sa

globe para bumili ng pocket wifi. Kailangan eh, bukod sa pagbabantay daw sa akin, eh para daw di ako mainip sa bahay sa isang buwan namin doon no ineng.

Pagkabili namin ng wifi, lumabas na kami sa globe at naghanap kami ng samsung na phone. Ang arte naman ng asawa ko, hay ayun nauwi kami sa pagbili ng table.t ng samsung. Ung samsung tab 4 tigisa na naman kami.

"Bakit luv dalawa rin? Eh di ba me tablet naman si ineng?" tanong ko sa kanya

"Luv, tablet naman un ni ineng. Alam na alam ko na sobrang inipin mo. At tsaka isa pa, sa tingin mo ga magagamit mo ang tablet ni ineng pag na lowbat na ang cp mo? Gusto ko kasi magkatext pa rin taung dalawa katulad dati. Dahil nga ng maselan pagbubuntis mo." sabi niya sa akin sabay akbay sa akin.

Matapos bumili ng mga accesories para sa aming tablet at bayaran ang mga un lumabas na kami sa Mega. Pero pumunta pa rin kami sa Cellboy para daw naman bumili ng speaker. Gusto kasi niyang makarinig ang baby namin ng classical music eh.

Bumaba na rin kaming dalawa pagkabili. Nagyaya muna akong kumain. Kaya pumunta muna kami ng supermarket para kumain ng Hotdog sa favorite naming stand doon.


Jessie's POV

 Eto kami pauwi na ng bahay. Papahinga na maaga pa rin kasi ang alis ko papunta sa Turbina eh. Nakausap ko kasi ang supervisor ko kanina eh. Sabi ko sa Turbina na ako byabyahe muna dahil nga ng andito ako sa Batangas pa. Bukas ng gabi didiretso na ako ng Pacita.

Bumili kaming dalawa ng sim card para sa tablet naming dalawa. At syempre bumili kami ng tubig dahil ng napagod ata si Erika eh.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ang una naming hinanap ay si ineng. Si Erika dumiretso ng kwarto ng mga mama at ako naman ay sa kwarto namin. Well doon na kami tutulog sa kwarto dati ng ate.

Paglabas ni Erika sa kwarto bitbit na nya si ineng nakatulog na pala ito. Kinuha ko si ineng sa kanya para maihiga ko ng maayos.

"Sana tinawag mo ako. Alam mo naman na buntis ka di ba?" sabi ko sa kanya

"Yai na luv. Konting panahon na lang naman eh ikaw na talaga ang laging magbubuhat dyan eh. Lalo na kapag lumaki na ang tyan ko." sabi nya sa akin.

Kinuha ko ang bag na naglalaman ng mga vitamins nya. "Uminom ka muna ng vitamins mo. Ibaba mo muna si ineng. Dito ka muna. Pagtitimpla kita ng gatas ha?"

Lumabas muna ako ng kwarto para mapagtimpla ko muna ng gatas si Erika. Dumating naman sina May isa sa mga boarders nina Erika.

"Aba Jessie nagkabalikan na pala kayo ni Erika? Kelan ka pa bumalik dito sa bahay?" tanong nya sa akin.

"Ah, oo kahapon lang. Buntis kasi ulet si Erika eh. Di ko naman pwedeng pabayaan ngaun lalo si Erika at si Neena di ba?" sabi ko sa kanya

"Buti alam mo Jess. Kaya pala napapansin ko ay parang nagsusuka sa umaga si Erika eh. Morning sickness pala. Wag mo ng pababayaan ang mag-ina mo ha?" sabi sa akin ni May

"Di ko na siya pababayaan. Lalo na ngaun na engage na kami ni Erika." pagmamalaki ko sa kanya

"Congratulations. Ingatan mo si Erika. Mahal na mahal ka niya Jess." sabi sa akin ni May

This is my first book meron pa po akong ginagawang isa pa. Sana po ay magustuhan ninyo rin po yun.


Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon