15

12 0 0
                                    

Jessie's POV

Andito kami ni Erika sa labas. Well actually naglalakad kami papunta sa SM. Bibili ng gatas nya, mag-iikot na rin kaming dalawa. Normal na date naming dalawa. Maaga pa naman,7:20 pa lang naman kaya nag-ikot ikot kami. Picturan, lambingan, kakain kahit kung ano ang magustuhan ni Erika. Andito kami ngayon sa Supermarket, nakain ng Hotdog on Sticks tapos ang inumin ay tubig lang. Di kasi pwede sa kanya ang coke eh.

Picturan ulet, maya maya me nakita kami sa likod namin noong tinitingnan namin ang picture namin sina Angie.

"Uy Jess, Erika kamusta ga kayong dalawa? Aba nagkabalikan na pala kayong dalawa" sabi sa amin ni Angie makalipas ang ilang saglit after ng yakapan. "Wait, baby bump ba yung naramdaman ko sau Erika?" dugtong pa ni Angie

"Yup confirmed na 3 months pregnant ako. Nagkabalikan lang kami ni Jess kaninang tanghali." sabi ni Erika

May napansin si Rugie sa kamay ni Erika at itinaas nya ito. "Teka Jess, di ba ito yung pinakita mo sa amin noong bago pa kayo nagsama ni Erika? Noong nasa Calamba pa siya? Binili mo to noon bago pa ninyo sinundo silang mag-ina."

"Oo pare yan nga iyon at nailagay ko na rin yan sa kamay niya sa wakas. Nagkalakas na rin akong ibigay sa kanya ito. Sa loob ng halos anim na taon na relasyon naming dalawa, noong nawala sya at si ineng sa buhay ko doon ko narealize kung gaano kahalaga pala ni Erika sa akin. Hindi nya ako iniwanan noong nalaman nya na nagamit ako, di niya ako pinabayaan noong mga panahon na wala akong pupuntahan. At di ko pinahalagahan yun hanggang nawala na siya sa akin." sabi ko sabay yapos ko ke Erika.

"Masaya kami para sa inyong dalawa Jess. Wag mo nang lolokohin yan ha?" sabi sa akin ni Rugie.

Bago kami umalis, nag papicture muna kaming apat.

Erika's POV  

Pagkatapos ng picture namin nina Angie, nagpaalam na kami ni Jess. Medyo antok na kasi ako kaya nagpaalam na kaming dalawa ni Jess. Kaya lumbas na kami ng supermarket.

Habang naglalakad kaming dalawa habang magkahawak kami ng kamay nagsalita ako "Luv, matagal na talaga itong singsing na to sayo?"

"Oo luv, tanda mo ba noong sinorpresa kita noong umuwi ako sa Calamba? Noong nagtext ako sayo na di na kita masusundo noong Sabado na yun kasi papunta na kami ng Mindoro? Kaya ako umuwi noon ay dahil ng bumili ako ng singsing at yan yun luv." sabi niya sa akin.

"Luv antok na talaga ako." sabi ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala malapit na tayo sa bahay ha? May mag-aalaga na sayo. Andito na ako. At isa pa pababayaan kitang matulog muna ha?" sabi sa akin ni Jess. 

Maya maya ay nakarating na kami sa bahay. Pinainom nya lang ako ng gatas habang kumakain ng tinapay, nagpalit ng damit. Maya maya nsgpalit lang ako ng damit pangtulog. Si Jess sanay yan na naka boxers lang tapos walang suot ng pangtaas. Ganun talaga sya matulog eh. Nagduster ako kasi medyo mainit na kasi eh. Kung titingnan, kahit three months pa lang ang tiyan di pa rin halata. Para nga akong hindi buntis eh.

Pagkatapos kong magbihis, lumipat na ako sa kabilang kwarto kung saan kami natutulog ni ineng. Nakita ko na si Jess sa kama. Himas himas ang buhok ni ineng habang ito ay tulog.

Paglapit ko sa kama at tumabi na sa mag-ama ko, napansin ko na naiyak si Jess.

"Sorry Erika ha? Kasi iniwanan ko kayong dalawa ni ineng. Pero nagpapasalamat ako na nakayanan mo yung isang buong taon na yun. At bukas masasaksihan ko si ineng na sinasabitan ng dalawang medalya sa tulong mo." sabi sa akin ni Jess sabay yakap sa akin

"Jess alam mo ba kung ano sabi ko noon? Kung meron man akong maipagmamalaki sa iyo kung tuluyan na tayong dalawa ay maghihiwalay,gusto kong wala naman ikaw masabi kahit sina mama na, aba pinabayaan ko na ang anak natin mula noong iniwanan mo ako. Kundi gusto kong ang sabihin ninyo ay napalaki ko ng maayos at napakatalino si ineng kahit walaka sa tabi ko." sabi ko sa kanya.

"Salamat ha? Kasi binigyan nyo ako ng isa pang chance para maging part ng buhay mo, ni ineng, at ng ating magiging anak pa." sabi niya sa akin."I love you" sabay halik sa akin.

After ng halik ng na yun, nag-alarm kami pareho ng 5:30. Mag-aayos pa kasi ng Day Care ako eh kung kakayanin ko ng 8. Si Jess naman ay tutulong sa paglilinis ng bahay para sa mga dadating na mga kagrupo ko para sa pagluluto. Kailangan kasing malinis ang bahay. Nakakahiya naman na madumi di ba? Maya maya ay natulog na kaming dalawa na magkayapos.


Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon