17

14 0 0
                                    

 Today I am listening to the songs of my favorite singer. Taylor Swift.

Jessie's POV

Well dahil nasa Day Care si Erika, naglilinis muna ako ng bahay. Si ineng naman ay nasa kwarto, nanonood ng Jake and the Neverland Pirates sa Disney Junior. Malaki na talaga ang anak ko. Isang buong taon ko di nasubaybayan ang paglaki ng anak ko. Sinayang ko talaga un. Babawi ako sa mag-ina ko.

Para naman sa magiging anak ko, excited ako sa paglaki ng tyan ni Erika. Di ko kasi yun naexperiecience sa pagbubuntis ni Erika ke ineng. Oo nakakasama ko siya pag nauwi siya ng palihim noon sa Calamba. Pero lagi naman yung madali eh dahil ng uuwi rin siya makalipas ng ilang araw. So ngayon, aalagaan ko talaga ang aking mag-ina.

"Papa, gusto ko ng cheesecake at tsaka c2." sabi sa akin ng aking prinsesa, si Neena

"Sige bebe, pupuntahan din naman natin si mama kasi baka pagod na yun. Kawawa ang baby brother or sister mo di ba?" sabi ko sa anak ko

"Opo." sabi ni ineng at dumiretso na kami sa tindahan at bumili na ng hiling ng anak ko.

Erika's POV

Andito pa rin kami sa Day Care Center. Di kasi namin maintindihan kung paano ang ayos ng mga tela para sa unahan. Hay nagugutom na ako. Makaupo muna.

Maya maya naramdaman ko na me nagtext sa aking cellphone.

@@@@jl@@@@@

 Pwede ga kaming pumasok ni ineng? Gutom ka ba?

 Oo naman. Kelangan rin naman ng tulong dine sa loob. Oo luv gutom na ako eh

 Buti na lang pala at bumili ako ng tubig at tsaka siopao eh. sige buksan mo na ang pinto.

(convo namin ni Jess)

Sinabi ko ke Mam Liza na nasa labas nga sina Jess. Binuksan ko ang pintuan ng Day Care

"Mama, meron kami binili para sayo." sabi sa akin ni Neena sabay abot sa akin ng siopao at tsaka ng tubig.

Hinalikan ako ni Jess sa pisngi. "Kumain ka muna luv." Umupo kaming dalawa at pinakain muna ako. Si ineng nakain din ng kanyang pagkain. Pagkakain namin lumapit kami ni Jess sa black board.

"Kung garine na lang kaya ang gawin ninyo dito." sabi ni Jess. At maya maya ay tumulong na si Jess sa aming ginagawa. "Bantayan mo na lang si ineng tutulong na ako sa inyo."bulong sa akin ni Jess.

Umupo na ako at binantayan si ineng

10:00am sa bahay

Salamat naman sa tulong ni Jess natapos na kami sa mga gawain namin sa school kaya andito kami sa bahay naggagayat ng mga kakailanganin sa pagluluto ng spaghetti.

"Ika'y" tawag sa akin ng papa tumatahol na rin si Hunter

Paglabas ko sa bahay, nakita ko na si Lovely, Rhea, Honeylet. Di na nakasama sa pagluluto si Samantha dahil ng may trabaho kasi siya.

"Uy pasok kayo." sabi ko sa kanila. "Sino ang nag-aalaga sa mga bata Rhea?" tanong ko ke Rhea

"Ay vice umabsent ang papa nila para makasama niya si Danica sa Farewell Party niya eh." sabi niya sa akin

"Ah, okay." sabi ko sa kanya. Pagdating namin sa loob ng bahay umupo muna sila habang nag-aayos pa ng mga konting mga kakailanganin pa namin para sa pagluluto.

"Luv, puntahan mo na lang si ineng sa kwarto. Ako na ang bahala sa pagluluto. Tawagin na lang kita para sa pagtikim ng sauce. Ikaw muna ang tumikim kung okay ha?" sabi sa akin ni Jess noong tutulong sana ako sa pagluluto.

"Okay luv." sabi ko sa kanya.

1:00pm Day Care Center

Andito na kami sa Day Care, nagsisimula na ang program. Hinihintay na lang namin si Pangula.

"Habang hinihintay po natin si Pangula, bigyan po natin ng konting pananalita mula sa Vice President ng PTA. Miss Erika Kristine Andaya, soon to be Mrs. Erika Kristine Andaya-Dacuma." sabi ni Mam Liza

"Magandang tanghali po sa ating lahat. Gusto ko lang po munang magpasalamat sa lahat ng mga parents na nandito dahil ng nagkasama sama po ulet tayong lahat kahit sa huling pagkakataon. Pangalawa po salamat po ke Mam Liza, kasi sa loob ng isang taon,naging patient ke Neena. At tsaka po naging ate ko po kayo pag may problema ako ng personal. Yun lang po." sabi ko sa lahat.

Maya maya, dumating na ang Pangula ng aming barangay. Nasabi rin ng walang ano ano ang secret na di pa dapat sasabihin ni Mam Liza

"Yan nasabi na tuloy agad ni Pangula ang aking sicreto. Sa totoo lang po dapat po ay noong Monday pa po ako magsisimula. Nakiuasap lang po ako na after ng Recognition Day kasi sobrang mahal na mahal ko ang mga bata eh. Sabi ko nga ang mga anak ninyo po ay di ko mapalo palo o kaya po ay masaktan. Pero po pagdating ko sa bahay, ang mga anak ko nasasaktan ko. Mas mahaba pa po ang aking pisi sa mga bata kesa sa mga anak ko. Sa Regional po ako, pag kailangan magpapacheck kayo ay itext nyo na lang po ako okay?" sabi ni Mam Liza. Naging emotional si Mam Liza habang nagsasalita dahil nga ng mahal na mahal niya ang mga bata.

Nagsalita ang ibang mga parents, pasasalamat na rin nila para ke Mam Liza.

"Luv labas muna ako, bibili lang ako ng bulaklak para sa pasasalamat ke Mam Liza." sabi sa akin ni Jess.

"Sige kuya bumili kayo." si Lenlen ang nagsalita. Maya maya ay lumabas na siya para bumili ng bulaklak sa isang flower shop malapit sa amin.

Nagsimula na ang awarding ceremony ng mga bata. Tuwang tuwa ako na dalawa ang award ni ineng. Kung tutuusin 4 years old lang si ineng pero nakikipagsabayan siya sa lahat ng mga batang mag fafive years old na ngaung taon. Makatapos lang ng awarding ng mga batang pang-umaga, pumasok na si Jess may dalang dalawang bouquet of flowers?

"Akala ko ba isang bouquet of flowers, kanino ang isa luv?" tanong ko sa kanya.

"Etong isa para sa iyo. Kasi nagpapasalamat ako naging matalino si ineng kahit di ko nakita ng isang taon si ineng." sabi sa akin ni Jess. (kilig ako)

Pagkatapos ng mga awarding at tsaka konting message para ke Mam Liza nagsimula na kaming kumain. Lumapit kaming dalawa ni Jess"Mam Liza, para sa inyo po. Nagpapasalamat po kami na naging patient po kayo ke Neena kahit sabihing sobrang likot at sobrang pasaway po ni ineng." sabi ko sa kanya

"Wala yun tita Erika. Minahal ko ang lahat ng mga bata."

 Si ineng po ay sadyang me award noong farewell Party nila isa lang po ang award niya. Di po dalawa hehehe

Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon