Jessie's POV
Andito na sa kwarto si Erika, pero tulog siya ngaun. Napagod ata sa cs. It's 7:30 in the evening. Nakausap ko sina mama ko, bukas daw ng umaga sila pupunta dito sa Batangas. Ang mama at papa naman ni Erika ay kauuwi lamang. Eto ako ngaun, nagpopost na ng mga unang mga pictures ni JC.
Maya maya nakita ko na dumilat na ng mga mata niya si Erika.
"Me gusto ka bang kainin?" tanong ko sa kanya noong lumapit ako sa kanyang tabi.
"Kamusta si JC? Si ineng?....." di ko na pinatapos ang sinasabi ni Erika. Hinalikan ko siya sa mga labi niya.
"Ayos si bunso. Napaka gwapo niyang bata. Parang si Neena rin noong baby. Na parang halo ng anak ng ate Ava." sabi ko sa kanya pagkabitaw ng mga labi ko sa kanya.
"Anong makakain diyan? Nagugutom ako eh." sabi niya sa akin habang pinupunasan ang kanyang mga labi.
Erika's POV
Sa totoo lang gustong gusto kong sampalin si Jess, at pauwiin ng Calamba ngayong gabi. Kung tutuusin naman ay nasa Calamba naman si Joan ung bago niyang asawa eh.
"Di ka ba hahanapin ni Joan sa apartment niya? Di ba nagsasama na kayong dalawa?" sabi ko sa kanya habang nakain.
"Wala na kami ni Joan mula noong bago ka pa manganak. Di ko pa rin masikmura na....." natigil ang pagsasalita ni Jess ng bigla ko siyang sinampal. "Okay lang sa akin na sampalin mo ako ngaun. Kasalanan ko naman ang nangyari eh. Pero nagsisi ako sa ginawa ko sa inyong tatlo eh."
"Tapos na akong kumain. Gusto ko nang magpahinga." sabi ko sa kanya. Pagtalikod ko sa kanya, nagsimula na ako umiyak.
Jessie's POV
Sinampal ako ni Erika and I deserved it naman. Kasi nangako ako na magbabago ako para sa amin. Pero anong ginawa ko. Kinuha ko ang kinain ni Erika, at tumalikod na siya. Ako naman ay nagpunta sa cr para umihi at magpalit ng damit.
Pagkalabas ko ng cr, nakita ko si Erika tinitingnan ang picture ng aming bunso sa tablet ko.
"Alam mo ba na ganito ang itsura ni ineng noong baby pa siya? Ganitong ganito. Noong time na yun ang kasama ko lang ay sina mama at ang ate. Sila ang nag-asikaso ng lahat ng mga kailangan namin dito sa hospital." sabi niya sa akin.
"Noong sinabi mo sa akin na dadalhin ka na noon sa ospital, di na ako nakatulog noon Ika'y. Kasama ko noong mag-abang nang panganganak mo si Jessa at si Moko. Nagtaka nga sila sa akin, kasi nga inom ako ng inom noon ng kape eh. Sabi ko, lalabas na ang anak ko." sabi ko sa kanya
"Ok lang naman sa akin noon na kahit wala ka sa tabi ko eh. Dahil di ka pa tanggap noon nina mama. Pero Jess, etong sa pangalawa natin, yun ang masakit eh. Ikakasal na tayo, tapos nalaman ko ang plano mo noon na sana sa birthday ni mama tayo sana magpapakasal. Pero a week before tayo ikinasal biglang malalaman ko na me babae ka." sabi sa akin ni Erika. Nilapitan ko siya at tumabi sa kama.
"Sorry luv ha? Kasi niloko kita. Pero maniwala ka sa akin, wala na kami ni Joan. Pinapili niya ako, kung siya o kayo ng mga anak natin. Kung mas possessive si Jhema sa akin noon, mas mahigpit si Joan, na halos di na ako papasukin sa trabaho, dahil nga baka umuwi ako sa inyo. Pero merong instance na nasobrahan na talaga ako. Yun ung time na binastos niya si mama pati na rin si Ate Lenlen. Na halos di na niya pinapasok sina mama sa apartment. Kaya noong gabing yun, nag-away talaga kami. To the point na pinapili niya ako. Kasi nga gusto ko ng bumalik sa inyo. Kung kayo nina ineng o siya. At ang pinili ko noong time na yun ay kayo." sabi ko sa kanya.
"Alam ko yun, pero bakit second week of july ka pa umuwi ng Batangas? Sabi sa akin ni Ate Lenlen noong June pa lang daw ay naghiwalay na kayo?" sabi ni Erika
"Me dahilan kasi ako kaya di agad ako nakauwi dito. Una, nakipag-ayos muna ako kina mama. Tanda mo noong sina Ate Jecel lang ang kasama mo noon para magpacheck up imbis na sina mama? Kausap namin noon sina mama mo. Pangalawa, me surpresa ako sa iyo pag-uwi natin ng Calamba, pagkalabas natin dito sa hospital." sabi ko sa kanya.
Flashback June 15,2015
"Jessieboy, ngayong ayos na kayo ng pamilya ni Erika, bakit ayaw mo pang bumalik ng Batangas?" sabi sa akin nina mama
Andito ako ngayon sa kwarto namin ni Erika. Inaayos ko ang kwarto. Gusto ko kasi na ayos na ang lahat bago pa ako makipagbalikan ke Erika, at umuwi sa Batangas.
Nagitla si mama pagpasok ng kwarto "Aba Jessieboy, nilubos mo naman pala ang iyong leave eh. Eh kaganda ng kwarto ng mga ate Ingky mo ngaun. Ang problema mo, saan kau tutulog niyan?"
"Bibili pa po ako ng kutson kasi po ng sigurado po pag nagpapadede si Erika lalo na sa gabi, dito sya sa upuan na ito uupo para komportable sila." sabi ko sa kanya
"Eh para saan naman areng maaliit na ref na are? Aba ay kumpleto ang gamit ng bata eh. Bumabawi ka Jessie boy ha talaga." sabi sa akin ni mama.
Kaya pinaliwanag ko sa kanya ang lahat.
8 minutes na lang, malapit ng matapos ang araw na ito. August 2, 2009 di ko yun makakalimutan. Kausap lang kita noong umaga na yun, kasi sobrang lungkot ko, namatay yung childhood best friend ko taga Laiya.. Iyak talaga ako sa iyo noong umagang yun. Nagitla ako noong gabi na yun, ng biglang nag i love you ka sa akin. Ikaw kasi yung tao na mag-eefort, di ka yung tao na papakita na nanliligaw ka sa babae. We should have been six years today, pero ang daming hadlang sa mga pinangarap nating dalawa para sa ating tatlo ni ineng.
Pero kahit sabihin na di ka nagparamdam ngayong araw na to, I want to greet you Happy 6th year anniversary ang original Mr. Kulet ng buhay ko
BINABASA MO ANG
Si Mr. Kulet at si Miss Sunget
RomanceEto ang storya naming mag-asawa. Yun nga lang hiwalay na kaming dalawa ngaun